Amara's POV
We're having breakfast today at the hotel restaurant. May mga batang nags-swimming ngayon sa pool na katabi namin. I miss the girls tuloy.
Ine-enjoy na namin itong alone time namin dahil mamayang tanghali na ang checkout namin dito sa hotel para makauwi kami before magdinner.
"You want to go somewhere bago tayo umuwi?" Tanong ni Alex habang pinaghihiwa ako ng sausages. Ang spoiled ko 'di ba? May tagahiwa pa.
"Saan ba magandang pumunta? Gusto ko lang sa pasalubong center." Natawa siya sa sinabi ko. Bakit ba? Gusto kong bumili ng pagkain eh. I want nothing right now but food.
"Sige, daan tayo mamaya."
"Gusto ko Hon ng buko pie!" I exclaimed. O my goodness! Natatakam tuloy ako. Ang sarap pa naman ng buko pie dito.
"Okay, preggy lady! Bibili tayo mamaya. May listahan din ng pasalubong na binigay 'yung anak mo." Sabi niya.
Tumawa lang ako kasi nagsabi rin si Carlyn na magpapabili ng pasalubong. Tarts ang gusto, pareho sila ni Calli. Adik sa tarts. Specifically, pili tarts. Nako! Magkakaubusan niyan sa bahay dahil pati ako, nagc-crave na rin!
Napatingin ako doon sa pool kung saan may baby boy na naka-suot ng ring floatie at gina-guide ng Mommy niya. They're so cute!
"I want a baby boy." Alex suddenly said. Pareho pala kaming nakatingin du'n sa baby.
"What if girl ulit?"
"Then we won't stop until we have a baby boy." He said in which my eyes widened. Nang-aasar.
"Kidding! Edi I have three princesses already." He answered.
"When is your next checkup?"
"Uhmm, sa 12th week ni baby, magpapacheck-up ulit ako. Why? You want to come?"
"Yes of course, I want to go with you. I wouldn't miss it for anything."
"Dalawa kayo ni Carlyn na kasama ko." Natatawa kong sabi.
"Kasama si Carlyn?"
"Oo! Siya kaya ang kasama ko the past few checkups that I had. Mas excited pa kaysa sa'yo." Biro ko.
"Yeah, I can already imagine. Eh teka, nu'ng sinabi mong may period ka. What was that?"
I knew he'll be asking this. "Nag-spotting ako that day. Kaya nagpahinga nalang din ako sa bahay. But nothing to worry about, I'm fine, our baby is fine. We're okay." I reassured him.
"Good. But I just have to say, ang galing mo talagang mang-surpresa."
"Hahaha! Nakakatuwa talaga. Na-surprise kita this time! Iniisip ko pa kung paano ko gagawin. Perfect timing 'yung sunset." I shared to him.
"Sunsets are such a big part of our relationship." He said in which I agree.
~~~~~
Hinihintay ko lang si Alex dito sa kotse habang bumibili siya ng pasalubong. Nakabili na kami ng mga pies kanina and now, 'yung mga candy and snacks nalang. Sumasakit kasi 'yung likod ko kaya hindi na ako sumama.
While I was scrolling through my phone, a message from Calli popped up at the top of the screen.
[Calli]: Mommy, hinahanap ka na ni Aleara 😬
Oh no! Nag-iwan naman ako ng milk doon kaso ako na talaga ang hinahanap ng anak ko.
: We'll be home soon, sweetheart. Try niyo munang laruin o patulugin.