19

25 3 0
                                    

HANNA

"What happened?!" tanong sa akin ni ethan.

Nandito pa rin ako sa labas ng room nila shin. Nakaalis na siya pero nandito pa din ako. Naramdaman ko na din na tumulo na yung mga luha ko. I really hate being weak.

Kaya nandito ngayon si ethan kasi tinawagan ko siya. Nagpasundo ako sa kaniya. Kanina kasi hinang hina na ako. Ewan ko pero sobra talaga akong nasaktan sa mga nangyayari sa amin ngayon ni shin. Sana lang talaga may problema lang siya, sana nga. Sana di masira yung pagkakaibigan na matagal naming iningatan. Ayoko siyang mawala. Ayoko.

"Tell me princess. Tell me." pakiusap na sabi sa akin ni ethan.

Tiningnan ko siya. Buti pa siya. Nandito sa tabi ko ngayon. Eh yung bestfriend ko? Ayun nagpapakasaya kasama yung mga FAKE FRIENDS niya.

Di ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para yakapin si ethan. Siguro para mawala naman yung kaunting sakit na nararamdaman ko ngayon.

Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Wala na akong pakielam sa mga nakakakita sa amin. Basta ang gusto ko lang ngayon, ay ang umiyak. Feeling ko kasi ngayon, dapat maging mahina muna ako. Nakakapagod na kasing umarteng matapang. Ang sakit na eh.

"Shh. Tahan na." pagpapatahan sa akin ni ethan habang magkayakap kami. Sa yakap na ito, medyo nabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

"Eh kasi ethan-- ang sakit na eh-- di ko na kayang itago-- yung kahinaan ko eh--" parang batang pagsusumbong ko kay ethan.

"Shh. Wag ka na muna magsalita, okay?" sabi niya. "Umiyak ka lang, huh?" dagdag niya.

Di ko nararamdaman ang sakit ng mga paa ko ngayon dahil sa pagtayo. Mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko.

Tulad ng sinabi ni ethan, umiyak lang ako ng umiyak. And yes, kahit papaano nabawasan yung sakit. Kahit kaunti lang.

Hanggang sa di ko na namalayan na, nakatulog na pala ako.

ETHAN

I let her to cry. Nakakaawa ang lagay niya ngayon. Di ko alam kung paano ko siya patatahanin. Sobra talaga siyang nasaktan sa mga ginagawa ni shin ngayon.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Her being weak. Parang misarableng-misarable yung buhay niya.

Tiningnan ko siya kasi wala na akong naririnig na pag iyak. Nakatulog na pala siya sa balikat ko. Buti may bench na malapit dito, kaya may naupuan kami kanina. Ang tagal na pala namin dito. Magdidilim na rin pala.

Kailangan ko na siyang iuwi. Kailangan niya ng magpahinga. Kaya binuhat ko na siya. Habang naglalakad ako buhat siya, napatingin ako sa mala-anghel niyang mukha. Napangiti ako. Ang ganda talaga niya. Di talaga ako nagtataka kung bakit marami na siyang naging boyfriends. Because she's really attractive. Inside and out.

Nang makarating kami sa parking lot, ginawa ko ang lahat maipasok lang siya sa loob ng kotse. Buhat ko kasi siya na parang pangkasal. So ibig sabihin, dalawang braso ang pinambuhat ko sa kaniya. Kaya ngayon, di ko alam kung paann bubuksan yung pinto ng kotse ko.

Finding The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon