HANNA
"How can he do that to me!?" sigaw ko matapos ihagis ang isang vase na nakadisplay dito sa kwarto ko.
Napatitig ako sa vase na binasag ko, habang tuloy tuloy pa din ako sa pag-iyak. Basag na basag yung vase. Parang yung puso ko ngayon, basag na basag din.
Napaupo ako sa kama ko. Nanghihina ang tuhod ko. I never expected before that i would be like this. That i will be like this stupid now.
Napapikit ako. Naguguluhan ako, nasasaktan. I dont know what should i do next.
Why did he lie at me? Why did he not tell the truth about eliza? Why did he not say to me that he had a sister? Why im that stupid to forget that eliza is ethan's sister?
Siguro, nabulagan lang talaga ako. This past few days kasi, ang dami kong masyadong iniisip. Ang dami kong pinoproblema.
Napadilat ako nang may maalala ulit. Yung tungkol sa pagtanong ko kay ethan tungkol sa picture frame sa bahay nila. Yung batang naka-nerdy glasses! Kaya pala parang pamilyar siya sa akin. Kasi nakita na namin yun dati kay eliza.
FLASHBACK
"Family picture?" tanong ko kay eliza na nagpupulot ng librong nahulog sa lapag. Kinuha ko ang family picture na iyon na nalaglag sa isa sa mga libro niya. Tinitigan ko iyon. Nakitingin na rin si shin na katabi ko.
"Ah oo." sagot ni eliza pagkatapos niyang pulutin ang mga nahulog niyang libro.
Nandito kami ngayon sa park ng academy. Nagpapalipas lang ng oras. Wala kasi kaming klase. May biglaang meeting ang mga teachers.
"Yung lalaking nakatayo, daddy ko yan." nakangiting sabi nito habang tinuturo ang gwapong lalaki na nakatayo sa likod ng dalawang batang nakaupo.
"Yung katabi ko namang lalaki, kapatid ko yan." sabi niya ulit habang tinuturo naman ang isang batang lalaki. Cute ito at may dimples.
"Ako naman yung nakasalamin." sabi pa niya.
"Halata nga. Haha." natatawang sabi ko habang nakatingin pa din sa family picture.
"But wait.." seryosong simula ko habang palipat lipat ng tingin kay eliza tapos sa picture.
"Bakit parang mukha kang mayaman dito? Yung damit niyo magaganda? Di tulad ng damit mo ngayon. Look." sabi ko tapos turo sa old uniform na suot niya. Naninilaw na iyon at mukhang lumang luma na.
"And one more thing, bakit di ko pa nakikita itong daddy mo tapos kapatid mo? Eh ang tagal ka na naming kaibigan. Nakapunta na rin kami sa bahay niyo pero, wala naman sila?" nagtatakang tanong ko pa. Napapatango na rin si shin. At mukhang nagtataka din.
"Eh kasi.." napayuko siya. "May gusto sana akong ipagtapat sa inyo." sabi niya tapos parehas kaming tiningnan ni shin.
"What?" tanong ni shin.
"Bata pa lang kasi ako, itinakwil na ako ng daddy ko." pagtatapat niya. Nanatili lang kaming tahimik. Hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"Nung 10 years old ako, at 6 years old naman ang kapatid ko. Aksidente ko siyang naitulak habang naglalaro kami. Tumama sa bato yung ulo niya tapos.." malungkot ang tono niya habang sinasabi iyon.
"Na-comatose siya. Galit na galit si daddy sa akin nun. Kasi natatakot siyang mawala si tan, kapatid ko. Nung time din kasi na iyon, patay na ang mommy namin. Namatay nang ipanganak niya si tan tan." nagsimula ng umiyak si eliza.
BINABASA MO ANG
Finding The One
Teen FictionOne true love? Meron ba nun? Sa panahon ngayon, tanga nalang ang naniniwala dyan. Yung mga taong hopeless romantic, sila ang number one fan ng salitang "tanga". Basta nasa sa iyo na lang yan kung maniniwala ka pa ba sa "forever" at "promise". Nasa s...