HANNA
"Hello?" rinig kong sabi ni ethan sa kabilang linya.
"Hello ethan." mahinang sagot ko.
"Wait? Are you crying?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"H-Hindi ah! *sniff*" di ko na napigilan at napasinga na ako. Nagbabara na yung ilong ko eh! Anong magagawa ko?! Tinapon ko ulit yung tissue na ginamit ko sa lapag. Wala na akong pakielam kung magkalat ako dito. Condo ko naman ito eh!
Umiiyak pa din ako ngayon. Di ko talaga kinaya. Ang sakit sakit pa din ng puso ko. Over acting man para sa inyo, masakit pa rin talaga malamang ipapakasal ako sa di ko kilala.
"You cant lie at me! You're crying! Stop denying." pasigaw na sabi ni ethan ulit at mukhang natataranta na.
"Im fine." sabi ko sa kaniya para di na siya mag-alala.
"Ugh! Dapat talaga di nalang ako pumasok ngayon eh. Tell me later what happened, okay?" nag-aalalang sambit pa nito.
Kinabahan naman ako. Ano ang sasabihin kong dahilan? Di niya pwedeng malaman na arranged marriage na ako. Not now. Ayoko pa munang iwanan niya ako. I love ethan. And i want him on my life.
"Uh-- wala lang naman--"
*Toot* *Toot*
Binabaan niya ako? Oh my god! I need to a think a reason why im crying right now. Im sure, pauwi na yun ngayon.
Napaayos ako ng upo sa couche na inuupuan ko. Napatingin ako sa dvd rack na nasa harap ko.
I smiled. Parang alam ko na ang gagawin ko ah.
ETHAN
Nang malaman kong umiiyak si hanna, madali kong pinatakbo ang kotse ko at dumiretso na agad sa condo unit niya. Hindi ko na muna inintindi yung group project namin.
Habang nagda-drive ako, walang ibang pumasok sa isip kundi si hanna. Nag-aalala ako sa kaniya. Ayaw na ayaw ko pa namang umiiyak siya. Ewan ko pero pag umiiyak siya, nasasaktan din ako. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao. Damn! Im being corny here again.
Well, back to reality. Patakbo akong pumunta sa unit ni hanna nang makababa ako sa kotse ko. Wala akong pakielam sa mga nakakabungguan ko. Basta ang alam ko lang ngayon, kailangan ko ng makita si hanna. Kasi alalang-alala na ako sa kaniya.
Naka-ilang beses pa akong nagkamali sa pagpindot ng passcode ng unit ni hanna nang makarating ako doon. Dahil nanginginig yung kamay ko. Sa sobrang pagmamadali siguro.
Nang makapasok ako ng unit ni hanna. Agad kong pinuntahan ang living room.
"Hanna!" sigaw ko para malaman niyang nandito na ako.
Malakas na volume ng tv ang sumalubong sa akin. Nakita ko doon si hanna. Nakaupo sa couche. Titig na titig sa pinanonood niyang movie. Nagkalat ang mga tissue sa sahig.
Napabaling siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Napakunot ang noo ko. At napatingin sa pinanonood niyang movie.
THE FAULT IN OUR STARS?!
Umiiyak siya dahil dito?!
"E-Ethan." tawag niya sa akin tapos tapon ng tissue na hawak niya.
"Gusto mong maki-nood?" nag-aalangang tanong nito sa akin.
Napatakbo ako sa kinauupuan niya. I quickly grabbed and hugged her. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako ng sobra.
"I thought you have a big problem." sabi ko habang magkayakap pa din kami.
Naramdaman ko din ang tibok ng puso niya. Napakabilis nun. Gusto ko malaman kung bakit ganun kabilis ang pagtibok niyon.
"E-Ethan." tawag nito sa pangalan ko.
"Im glad that you're okay." sabi ko habang yakap pa din siya.
"Sabi ko naman sayo, okay lan--" di ko na siya pinatapos at hinalikan na siya sa kaniyang noo. A sign of respect for her.
"I love you princess." nakangiting sabi ko sa kaniya nang magkaharap kami.
I was shocked on the next thing happened. Her lips met mine. She kissed me! I never thought that she will do that.
Nakatitig lang ako sa maganda niyang mukha. She's cupping my face. Parang nag-uusap kami sa mga mata namin.
"I love you too." she whispered.
"FOREVER." sabi ko habang nakangiti.
"YES FOREVER." pag-sang ayon niya habang tumatango pa.
X X X X X
BINABASA MO ANG
Finding The One
Teen FictionOne true love? Meron ba nun? Sa panahon ngayon, tanga nalang ang naniniwala dyan. Yung mga taong hopeless romantic, sila ang number one fan ng salitang "tanga". Basta nasa sa iyo na lang yan kung maniniwala ka pa ba sa "forever" at "promise". Nasa s...