Nang makarating sa apartment ni vetries ay tinulungan nya akong magbuhat ng mga gamit ko.
"Ang laki mo na nga pati ba naman gamit mo".Inismiran ko lang sya.
Wala naman silang problema sa katawan ko talagang sira ulo lang tsk.
"Mahal san mo gusto sa dulo o sa gitna?".Tanong nya habang hatak hatak paakyat ang isang laugage ko.
"Last room ayokong marinig sa gabi bunganga mo tsk".Inirapan nya lang ako.
"Tangina walang karga ha".Sarcastic kong usal ng buksan nya ang pinto.
"Girl,hello malay ko bang now na yung time mo tsk".Nakangisi nitong sabi.
Tsk ayos lang naman na umalis ako sa bahay na 'yon pero wag pasiguro si louisa na kanya na yun forever.
"Let just buy".I sighed heavily.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"May pera ka?".Taas kilay nitong tanong.
"Of course marami".Nakangisi kong sagot.
"Weh inabutan ka bago palayasin?".Tanga din siya minsan pinalayas ako tapos aabutan ng pera?.
I just shrugged at pinakita sa kanya ang tatlong card ko.Well mautak ako eh lahat ng ibinibigay sa akin ng walang hiya kong tatay iniipon ko yung iba hindi rin naman niya malalaman dahil nakapangalan naman sa akin lahat ng card ko.At pati pera ni mama sa akin na punta na hindi alam ng tatay ko.Si Tito attorney lang ang may alam kapatid ni mama.
"How?".Takang tanong nya.
"Well thanks to my beloved tito na attorney".I said at kinindatan siya.
"Ay iba din utak ng tito mo malupit girl".She shook her head.
Nag punta kami ng mall para mamili ng mga gamit ko sa kwarto pukingina kahit kama wala eh.
"Mahal dalawang kama na kaya bilin mo?".Natatawa niyang sabi.
King size bed ang napili ko dahil mas gusto ko ng maluwang and malaki din naman ang kwarto para ngang hindi apartment eh.
"Why for aries?".
"Yep baka sya naman ang palayis bukas haha".Binatukan ko nga ang bruha.
"What size for her?".Tanong ko.
"Puta papayag din pala mananakit pa".Sabi nya habang hinihimas ang batok nya.
"Anyway king size na lang din para match tayong tatlo".
Bali dalawang king size bed and 6 inc latex foam.Lahat ng kailangan sa kwarto ay binili ko kadamay na din yung para kay aries expected na namin na sya na sunod tsk.
"Mahal want ko din ng ganyang foam".Yinugyog nya pa ako.
"Make it three yung sa foam".Sabi ko sa sales lady.
Siya naman kumuha tatlong magkakaparehas na 4 in 1 na bed sheet galaxy style.
"Don't cha worry mylove sagot ko 'to".Nakangiti nyang sabi.
"Tinatanong ko ba?".Mataray kong sagot she just laugh.
Pagkatapos bayaran lahat pati ang delivery ay umuwi na din kami.
"Tomorrow na natin ayusin room mo".Pagod nitong sabi.
Alas siete na kasi ng gabi kumain na din naman na kami.I just take a quick shower bago tumabi kay vetries.
"Ang arte mo malambot naman kama mo".Pairap kong sabi sa bruha ng makahiga ako sa kama nya.
"Ordinary foam lang yan mahal".Sabi nya at umirap sa akin bago nag lagay ng kung ano ano sa mukha tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/277251941-288-k702591.jpg)
BINABASA MO ANG
MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE
RomanceBeing in love is the best thing that will be happen in my life.But because of my love I just hurt again.Sa maikling panahon ko lang naranasan mahalin yun nga lang ay hindi naman pala totoo.