Chapter 08

23 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga ang klase namin ngayon,alas tres pa lang ng madaling araw ay nakaligo na ako,alas kwatro ng magbihis ako dahil kahit hindi kami parehas ng oras ng class hour ni Akiel ay pinipilit niya parin na sunduin ako kahit na sabihin ko ng huwag dahil nga hindi kami parehas ng oras.Siya kasi ay naka fix sa Ten AM ang oras not unlike sa amin paiba iba.Minsan nga ay alas dos y media na ng madaling araw kung matapos ang klase namin sa gabi.

"Hi,Good morning baby." Nakangiting bungad sa akin ni Akiel.

Nauna ng umalis ang dalawa na may kalanturang katulad ko.Akalain mo ay sa bastos ng bibig nila may nagkagusto parin sa kanila tsk pag ibig nga naman.

"Good morning, kanina ka pa?" Nakangiti kong wika sa kanya.

Medyo basa pa iyong buhok niya na bagong gupit lang.Halatang medyo inaantok pa siya dahil sa sobrang aga namin ngayon.Lumapit siya sa akin at yinakap ako bago hinalikan sa noo.

"Nope, let's go?Baka ma late ka." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Bakit ba ang sweet niya?Nauna akong pumasok dahil siya narin ang nagsarado ng pinto para sa akin.Mapapa sana all ka talaga sa pagiging maalaga at sweet niya. Sa dami ng babae na naghahabol sa kanya bakit kaya sa akin pa siya napunta.Sa kanya ko naranasan ang pagmamahal na kailan man hindi ipinaramdam sa akin ng ama ko.At sana lang wag niya akong saktan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari iyon.

"Dito na lang ako Akiel," wika ko ng mahinto kami sa front gate na ang tapat ay yung building ng engineering.

"Hm hatid kita," wika niya.

May parking area din naman dito sa labas at meron din sa loob,sa loob siya pumarada.

"Thank you," wika ko ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Kinindatan niya lang ako.Nauna na akong naglakad dahil hindi ko gusto ang tingin ng ibang estudyante sa akin.Nang malapit na sa building namin ay huminto ako at humarap sa kanya.Parang wala lang sa kanya ang mga bulong bulungan ng mga tao dahil ako ang kasama niya.Prete lang siyang nakatayo habang nakapamulsa pa.

"Sila ba?"

"Yuck hindi sila bagay!"

"Ano bang nakita ni Akiel sa kanya! Maganda pa ako sa kanya eh!"

"Oh that ugly bitch! I am more beautiful than her!"

"Dito na lang ako," wika ko at medyo yumuko ng kaunti.

What's wrong with this people?Because I am not that beautiful and chubby,bawal na akong magustuhan?

"You sure?" wika niya at lumingon lingon pa sa paligid.

Pansin ko lang,hindi naman sa pag O-over think,parang wala siyang pake sa mga naririnig niya about sa akin.Ganun ba talaga?Ni minsan kasi ay hindi niya ako pinagtanggol or kahit sawayin man lang.Pero binale wala ko lang baka kasi talagang ganyan lang siya,walang pake sa paligid niya.

I just smile,not the real one.

"Yeah," pagkasabi ko niyan ay tumalikod na siya at hindi na lumingon sa akin.

What's wrong? May problema ba? Kanina lang nung sinundo niya ako ay ok naman siya ah.Wag mag overthink self,baka inaatok pa siya.Oo tama, inaantok pa siya.

"Good morning mahar!" Nakangising salubong ng dalawa sa akin.

Mas nauna kasi silang pumasok kasi nga mas maaga silang sinundo tsk.

"Morning," wika ko at naupo na.

Mabilis lang lumipas ang oras ngayon dahil na din siguro na busy kami sa paggawa ng plates namin.

"Molly mahar,Tara na?" aya nila.

Nakaayos na ang mga gamit nila samantalang ako eto makalat pa ang lamesa ko.

"Tapos na kayo?" usisa ko.

Hindi pa kasi ako tapos,pero last plates naman na ito.

"Not yet, but it's already six pm mahal." wika ni aries na ngayon ay nagsusuklay na.

"Mauna na kayo,baka nariyan na din ang sundo niyo." wika ko at ngumiti.

Tinanong pa nila ako kung ayos lang daw ba na iwan nila ako dito.Iilan na lang kasi ang tao mga nasa lima na lang kami kasama silang dalawa.Syempre dahil alam kung hindi nila ako iiwan kung sasabihin ko na antayin nila ako ay sinabi ko na lang na pupuntahan ako ni Akiel, kahit na hindi naman. Speaking of Akiel ni hindi man lang siya nag text sa buong maghapon!Kahit kanina ko pa siya tinatawagan at tine-text ay kahit isang reply ay walang response.Nag aalala na ako,baka kung ano ng nangyari sa kanya. Ngayon lang kasi siya hindi nag text kaya nakakapag alala.

"Molly hindi ka pa ba uuwi?" napalingon ako sa isang blockmate ko na babae.

Nailibot ko tuloy ang paningin ko sa paligid. Wala ng tao kami na lang ata.Nakahanda na siya para umuwi.

"Ah uuwi narin," wika ko sa kanya.

Nagpaalam naman siya na mauuna na daw siya,kaya eto nag aayos na ako ng gamit ko.Pag dating sa gate ay inilibot ko pa ang paningin ko,nagbaba kasakali na narito na si Akiel at inaantay ako pero bigo akong makita siya.Tumawid ako para magtanong sa guard ng building nila. May sarili rin  kasi itong guard at naka bakod rin.

"Good eve manong," bati ko sa guard na naghahanda narin pauwi.

Siguro ay tapos na ang shift niya.

"Ano yun iha?May kailangan ka ba?" wika niya.

Napakagat ako sagkit sa labi ko,nahihiya akong magtanong.Alam kung kilala si Akiel dito kaya hindi ako mahihirapan magtanong.

"Ahm pumasok po ba si Akiel?" wika ko.

Napahawak pa ako ng mahigpit sa shoulder bag ko.May mga engineering students pang papasok at ang iba naman ay pauwi na.Sa pagkaka alam ko dalawang subject lang si Akiel ngayon at meeting nila about sa basketball ata.Captain kasi siya ng basketball team ng engineering.

"Ay kanina pa siya naka uwi iha," wika niya na may halong pagkabahala.

"Siya ba ang kasabay mong uuwi iha?" wika niya pa.

Tumango ako at ngumiti ng maliit.Pinagtitinginan ako ng ibang babaeng estudyante rito.

"Sige ho manong salamat," Mabilis akong tumawid sa kabila at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Tinext ko muna si Akiel para ipaalam na uuwi na ako,baka kasi bumalik pa siya.Saglit lang ang byahe dahil maluwag naman ang daan.Pagkapasok ko ng bahay ay umakyat na ako agad,may kaunti pa akong tatapusin sa plates ko.Bago matulog ay nag text ulit ako kay Akiel kahit na ni isa sa text ko hanggang ngayon ay walang reply.

A/N:Continue ko pa ba ito? May nagbabasa pa ba?

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon