Chapter 23

2 1 0
                                    

Isang linggo,isang linggong pabalik balik sa unit namin si Akiel kahit na hindi ko siya pinapansin at kinakausap.

Kagaya ngayon nandito kami sa kusina habang ang kapatid ko ay busy sa cellphone ni Akiel,yes cellphone ni Akiel hindi ko nga alam saan nakakuha ng kakapalan ng mukha iyang kapatid ko eh masyado silang close ng gagong ito.

"Give me a chance again,Mahal." Paulit ulit na lang siya dyan.

What if bigyan ko nga talaga no?What if lang naman pero tanga talaga ng puso ko eh lakas ba naman ng amats sa kanya!

Hindi ko sya pinansin at kumuha na lang ng maiinom sa ref.

Isang kalabit.

Dalawa.

Tatlo.

Nang maulit pa ay irita akong napatingin sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay para kasing tanga kalabit ng kalabit.

"Let me court you again." Malambing ang bawat pag bigkas nya ng mga salitang iyan.

"Pag iisipan ko." Maikling sagot ko bago siya iniwang mag isa sa kusina.

Patakbo akong umakyat sa kwarto ko ng makapasok ay mabilis kong isinarado ang pinto bago impit na tumili.

"Gaga!Anong pag iisipan?Marupok ka!" Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Ok sige bigyan ko ng chance ne?

Nilibang ko ang sarili ko sa pag design ng mga gusali hanggang sa abutin na ako ng lunch time.

Kahit yata Anong pilit kong iwaksi sa isip ko ang isang 'yon ay hindi ko magawa dahil sakop na sakop niya ang isip ko ngayong araw!

Nag ayos muna ako ng aking sarili bago lumabas ng lungga ko.Pagbaba ko ay naka ready na ang pananghalian namin.

Isang linggo na kaming ganto ah para kaming nag babahay bahayan.Uuwi lang kasi siya kapag maliligo o di kaya ay pag papasok sa trabaho ano ba naman itong engineer na ito hindi yata busy.

"Wala ka bang trabaho engineer?" Tanong ko bago umupo.

Ang kapatid ko ay nag umpisa ng kumain habang ang mata ay tutok sa cellphone na nakasandal sa baso.

"Eat first Luna." Pagsita ko sa bata.

Agad naman niya akong sinunod pinatay niya ang cellphone at tyaka kumain.

"I have work here madam." Sagot ng engineer na kusinero ko.

Ko?Ko talaga?

Yes akin naman siya.Akin lang.

"Being a chef here and a babysitter is now your work, engineer?" Taas kilay kong wika sa kanya.

Namuma naman iyong tenga nya dahil yata sa sinabi ko napakamot pa sya sa kilay niyang makapal.

"Madam, I'm courting you remember?" Malambing na wika nito sa akin.

Napatikhim naman ako dahil sa sinabi niya.Ang ate nyo kinikilig kasi!

"Let's eat, engineer."

Napigil ko hininga ko ng makita ko ang itsura nya.He's wearing my apron!Ang cute!

"Are you not feeling well madam?Namumula ka." Tila nag aalala nitong sabi.

Lalapit pa sana siya sa akin ng ipaharap ko sa kanya ang palad ko.
.
"Let's eat, I'm fine." Kumain na lang ako at hindi na siya pinansin pa.

Hinayaan kong asikasuhin niya ako at ang kapatid ko.

"Try mo kaya mag apply as a maid,'no?" wika ko pagkalunok ko ng pagkain.

Don't talk when your mouth is full nga kasi diba?

"Nice idea,love." Nakangising wika nito sa akin.

Inirapan ko na lang siya.

Tapos na ako kumain ng magsalita ulit siya.

"Hiring ka ba ng maid ngayon,Hal?" Serysong wika nito habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

Naks katulong na katulong ang dating ng kuya nyo Akiel.

"No." Mabilis kong sagot.

Alam kuna ang ibig sabihin nya kaya siya nagtatanong.

"Why? I'll apply." Wika nya sabay kindat sa akin.

Shet na malagkit ang gwapo naman po!

Pinakalma ko muna ang nagwawala kong sistema bago siya sagutin.

"You're a fucking engineer,Akiel!Tapos gusto mo maging katulong?Tangina asan utak mo?" Naiirita kong wika.

Mabuti na lang at nagpunta na ng sala ang kapatid ko jusko pinapainit ng isang to ang ulo ko.

"Mahal naman eh!Grabe ka naman sakin.Napaka bad mo po." Pabebeng wika nito at ngumuso pa ang gago!

Tangina mga anteh!

"Ewan ko sayo!" Gigil kong sagot sa kanya.

"Ok fine!As a boyfriend na lang?" Wika niya at nag cross arm pa ang gago.

"Boyfriend?Gusto mo?" Sagot ko.

Nanlaki naman agad ang mata niya.Napangisi tuloy ako ng wala sa oras.

Tumango pa siya ng paulit ulit sa akin.

"Gusto mo masuntok sa mukha?" Sabi ko at inambahan siya.

Agad naman nalukot ang pogi niyang mukha.

"Tss." Hindi na ako pinansin nito at tinalikuran na ako.

Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at iniwan na siya sa kusina.Nag huhugas kasi siya ng pinagkainan namin.

Twenty minutes yata siyang nasa kusina bago tumabi sa kapatid ko.Ang gago hindi talaga ako pinansin!

Bahala siya 'no!Hindi ako pinanganak para maglambing ng tao!

Padabog akong tumayo sa sofa at umakyat sa kwarto ko.

"Gago!" Mahinang sigaw ko.

Tangina ano gagawin ko dito sa kwarto na naman?Ano ba naman kasing pake ko kung hindi niya ako pansinin!Pikon kasi amputa.

Dahil wala akong magawa ay nag open na lang ako ng twitter.

@Eng.Akiel_Pogi:

Palambing lang eh damot!

#Hindikakrasngkrasmo!

Madaming comments at likes wala pang isang minutong pinopost eh.

At nag rant pa nga siya sa ibon na blue eh.

Inexit ko ang tweeter at nag open ng ig.

Ni view ko lang day ng dalawang bruha.Parehas yatang inlove ang mga gago eh.

And I'm happy for them.Eexit ko na sana sa ig kaso biglang nag chat iyong katulong ko.

@Eng.AkielPogi:

Palambing naman madam!

Message nya.

@Archi.MCAstariel:

Shut up!

@Eng.AkielPogi:

Bad madam!🥹

Hindi ko na ni replayan at bwesit lang ang gago.

@Eng.AkielPogi:

Madam hndi ka po dpat ganyn sa katulong mo.😊

Inalis ko na lang sa IG app at pinatay ang cellphone ko.

Dahil siguro mahirap maging isang engineer kaya nasisiraan na siya ng bait.Inyo na paki kuha na lang dito sa condo ko jowain nyo na or gawin nyo na lang din na nakatulong niya free lang service niyan walang bayad ako pa mag bayad sa inyo kuhanin niyo lang dito!Syempre joke lang no hindi ko ibibigay yang siraulo na 'yan!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag nonood ng cdrama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon