Chapter 04

49 8 0
                                    

Tanghalian ng magising kaming tatlo.Yung dalawa nag aaway pa tsk.

"Red velvet,puta wala man lang laman ha!".Singhal ni aries ng makita nya ang kwarto na para sa kanya.

"Gago kita mo yun?".Pabalik na singhal ni vetries at tinuro pa ang mga gamit na pinamili namin.

"Oh kay mocha yan putangina mo!".Nagtatampo nitong wika.

I just shrugged at bumaba,hindi pa kami kumakain.

"Vetriesssssssss!".Sigaw ko.

"Ano puta magrereklamo ka din?".Sigaw nito bago pumunta sa tabi ko.

"Yep walang laman girl?".Wika ko at tinuro ang ref niyang walang laman.

"Mahal naman hindi ako marunong magluto!".Wika nito at kinamot pa ang kilay niya.

"Puta paano tayo mabubuhay walang pera,walang pagkain?".Wika ni aries at umupo sa high chair.

"May cup noodles pa ako".Pairap na usal ni vetries at kinuha ang cup noodles niya.

"Pinagmamalaki mo na yang tatlong pirasong cup noodles mo?".Natatawang wika ko.

"Grabe ka,groceries na lang tayo later ambag ambag ha!".Wika niya at nilakihan pa kami ng mata.

Pumayag na lang kami at nilagyan ng hot water ang cup noodles namin.After we eat i quickly took a hot shower medyo malamig kasi dahil siguro sa makulimlim ang panahon at malamig na simoy ng hangin.Yung dalawa sabay nag shower sa ibaba isa lang kasi ang bathroom dito sa taas at naka seperate naman ang labasan ng sama ng loob sa ibaba ganun din.

Alas dos y media ng makarating kami sa groceries store na walking distance lang naman natagalan lang dahil sa pag aayos ng dalawa tsk.

"Woy red velvet bat dalawang cart?".Wika ni aries.

"Bakit wala kang pera?".Taas kilay na wika ni vetries.

"Gago ambag ko yung para sa outing dapat natin".Malungkot na usal nito.

Yeah dapat nga talaga nasa outing kami but since pinalayas naman kami at wala din daw pera si aries so we dicided na sa christmas break na lang kami mag outing.

"Ay gago wala ka talagang pera bukod sa perang pang outing natin dapat?".

Sila ang taong hindi makakapagsalita kung walang bad words na kasama.

"Sad to say yes".

Kumuha kami ng mga noodles at cup noodles na spicy flavors,mga delata,junk foods at iba pa na pang stock.Next sa meat section kami.Busy ako sa pagkuha ng karne ng may bumangga sa cart ko.

"Excuse me sir,tantanan mo nga kabubunggo sa cart ko!".I yelled hindi lang kasi isang beses ginawa inulit ulit pa!.

I can't see his face naka black cap at naka face mask kasi.

"Akiel halika nga dito!".Pasigaw na wika ng babae sa fruit section.

Umalis siya ng hindi humihingi ng pasensya putangina niya.

"Woy halatang gwapo mahal".Pang aasar ng dalawa.

Napa irap na lang ako sa kawalan.Tapos na mamili itong dalawa naka kuha na sila ng mga gulay at prutas kaya kumuha na ako ng karne na alam kong tatagal,kumuha na din ako ng mga frozen like bacon,hotdog yung jumbo na may cheese.

"Ano yun?".Turo ko sa may kulay na itlog ahm kulay violet?.

"Tangina hindi mo alam yan?".Wika ni vetries.

"Tatanong ko ba kung alam ko,brain please".Pairap kong wika.

Hindi ko kasi talaga alam kung ano yun hindi naman kasi ako fan ng itlog tsk.

"Itlog na pula or itlog na maalat tawag diyan".

I just shrugged hindi pa ako nakakatikim niyan eh.

Kumuha sila ng tatlong tray ng puting itlog at dalawang tray ng itlog na may kulay tumakbo pa pabalik sa vegetable station si aries pagbalik may dala ng kamatis.

Ako naman kumuha ng mga pasta at pasta sauce kumuha narin ako ng mozarella cheese at eden cheese.

"Luh para saan yan?".Wika ni vetries.

"Wala lang".

Natanaw ko sa counter yung lalaking bumangga ng cart ko tsk walangya hindi marunong humingi ng pasenya eto namang jowa niya nakita naman na binabangga yung push cart ko hindi man lang sinuway ibang klase nakakainit ng dugo.

"Teh kwash mo?".Nakangising wika ni aries.

"Sino?".Taas kilay kong wika.

"Yun oh, knows ko yung girl engineering yung sa katapat ng UM sya".Nginuso niya pa yung lalaki na bwesit.

"Ulol tara na magbayad dami mong alam".Masyado nang madami ang kinuha nila na kung ano ano puta.

Halos twenty-two thousands ang binayaran namin tig five thousand lang naman pala ang pera nila puta luge ako.

"Sorry mahal bawi kami next time hehe pag binigyan ako ng pera ng utol ko promise".Umirap na lang ako ang dami kasi ng pinagkukuha karamihan junk foods at soft drinks tsk.

Wala kaming dalang sasakyan dahil nga walking distance lang naman ito kaya tumawag na lang kami ng tricycle hindi naman kasi namin kayang bitbitin ang mga pinamili namin.

"Hala puno na,maglalakad ulit tayo?".Wika ni aries na naka nguso pa.

Napuno ng pinamili namin ang tricycle na inarkila namin sa dami ba naman kasi tsk ako pa magbabayad sa tricycle.

"Lakad na oh baka gusto mong palitan yung driver?".Nauna na akong maglakad sa kanila bahala sila diyan tsk.

Binati pa ako ng guard sa main gate ng village sosyal may guard kahit karamihan sa bahay na narito apartment lang pero yung iba nabili na kaya hindi na apartment yung iba.Yung apartment namin tatlong bahay lang ang pagitan bago main gate.

"Salamat kuya".Wika ko sa driver at inabot ang bayad siya narin kasi ng pasok sa loob ng mga pinamili namin masyado daw kasing marami.

"Pagong ba kayo at ngayon lang kayo naka uwi?".Nag aayos na nga ako ng pinamili namin sila ngayon pa lang naka uwi.

"May gwapo kasing aso tsk".Wika ni aries at pagod na umupo sa high chair.

Si vetries naman ay tinulungan akong mag ayos.

"Bumili ka pala ng plato?".Takang tanong ni aries.

"Nakakahiya naman kasi kay vetries walang gamit pang kusina".Wika ko na siyang ikinasimangot ni vetries.

Bukod kasi sa plato bumili narin ako ng kitchen utensils like knife,cutting board,mga baso,platito,mangkok basta kumpleto.

"Hindi ko nakita na bumili ka?".Wika ni vetries.

Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hoy red velvet when ka bibili ng couch?".Si aries yan tsk.

Single na sofa lang kasi ang meron sa living room iisa pa bukod don wala na parang hindi bahay eh.

"Inorderan na ako ng utol ko tsk pati tv wag kang ano five k lang ambag mo sa groceries ha!".Masungit na wika nito.

"Wow ikaw din pokpok ka mas marami pang binayaran si molly kesa sayo!".Sigaw naman ng isa.

"Ge nga anong style ng couch?".Taas kilay na tanong ni aries.

"Pati ba naman style itatanong ba girl sira ulo ka?".Inis na wika ni vetries nginisian lang siya ni aries.

"Massive pallet sectional with a deep seat,ako namili wag kang maarte".Pairap nitong wika kay aries.

Napailing na lang ako sa kanila.Mag aayos pa kami ng kwarto namin eh.

MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon