Nag start kaming mag work sa firm last week and so far medyo maagaan pa naman ang trabaho namin since madalas din ang pagbisita ni Tita Vien sa amin na para bang lagi niyang chine-check kung ayos ba ang trato dito sa amin.I am feeling blessed because I have them.
Napahinto ako sa pagta-trabaho ng biglang mag ring ang telepono ko.And usual unknown number na naman hindi ko na sana sasagutin kaso Panay ang tawag nito.
"Who's this?" Napa arko ang kilay ko ng tanong na yan ang bumungad sa akin galing sa isang maliit na boses.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?
"Who are you?" balik na tanong ko.
Saglit akong tumayo sa pwesto ko at medyo lumayo sa mga tao.
"Me?I am your sister" mataray na wika nito.
"Sorry kid but I don't have sister" malumanay kong wika.
Nawala ng maliit na boses sa linya at napalitan nang isang sigaw at iyak na tila ba ay may nangyayaring hindi maganda rito.
"H-hello?" Kinakabahang wika ko ngunit walang sumasagot sa akin.
Naputol na ang tawag pero naiwan akong tulala.Posibleng may kapatid ako.Natapos ang trabaho ko nang hindi ako mapakali.
Pag uwi ko ay sa office ako nila tito nag diretsyo.
"Give me a work in nueva ecija just for 2 days." Walang hiya hiya kong bungad.
Hindi pa man din ako nakakapasok ng tuluyan ng banggitin ko iyan.
"Seat down Lily." Umiling ako at nanatiling nakatayo sa harap ng lamesa niya.
"Why?" Kunot noong wika ng matanda.
"S-someone called me,she said she's my sister." Kinakabahan kong wika.
Seryoso itong nakatingin sa akin na tila ba ay gusto niya pang malaman ang iba napalunok ako bago magsalita ulit.
"I think she needs my help and I want to help her, I heard her cry and shouting my name" hindi ko alam kung bakit niya alam ang pangalan ko.
But I think she really needs me.Someones hurting her physically she's to young!
"Calm down Lily." Mabilis na tumayo si tito sa swivels chair niya at inalalayan ako umupo.
Nanlalambot ang tuhod ko at nanginginig ang katawan ko tanda ng pagbe-breakdown ko.Ayoko pang umuwi pero paano yung bata?
"Molly sweetheart!" Malakas na sigaw ni Tita ng makita niya ang kalagayan ko.
Nasa bisig ako ni Tito ng lapitan kami makita kami ni tita.
"I-i need to go in my room" malamig kong wika.
Kahit nang hihina ay pinilit kong tumayo at lumabas ng office nila.Agad akong nagtungo sa banyo ng kwarto ko at nagkulong.Binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ako nito.Katulad ng dati nanguha ako ng blade at itinapat sa pulsuhan ko.I slowly cut my wrist using this blade.
"Feels so good!" Mahinang usal ko.
I want more.Hindi pa ako nakuntento sa sugat na gawa ko at mas diniinan ang paghiwa ko sa pulsuhan ko sapat lang para mas maramdaman ko ang hapdi nito.I don't know what's happening to me, is it because of that kid?I hate it!I hate it!
Nang mahimasmasan ay tuluyan na akong naligo at nagpalit ng damit pang tulog dahil paglabas ko ng banyo ko ay madilim na ang natatanaw kong tanawin sa bintana ko.Maingat akong bumaba ng hagdan na tila ba takot mapagalitan.
"You okay?" Malungkot na wika ni tita .
Wala pa iyong dalawa malamang ay gumala pa.Tumango lang ako at umupo sa pwesto ko.
"Can I borrow your car?" Hindi man ako tumingin sa kanya ay alam niyang sa kanya ako nag papaalam.
"I'll be home in two or more days" mahina kong wika at nilaro ang daliri kong nanginginig.
"Pwede ka naman naming samahan if you want?" Malambing na wika ni tita .
Tanging iling lang ulit ang tugon ko.Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko sa mag asawa.Alam naman nilang kahit anong sabihin nila mas gugustuhin kong magpunta mag isa.Kahit ayoko pang bumalik doon.Ni hindi ko nga din alam kung bakit ko kailangan puntahan ang batang iyon na sinasabing kapatid ko siya.Hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pake at awa sa batang iyon.
"Anong oras alis mo?" Mahinahong tanong ni tito sa akin.
"Three." Maikling tugon ko at nagsimula na akong kumain.
Nang matapos ay umakyat rin ako agad sa kwarto ko para ihanda ang mga dadalhin ko.Hindi naman sigurong nakakahiyang magsabi ng excuse para baka absent sa trabaho diba?Sinabi ko kay tito na gawan niya ako ng consent para sa pagliban ko sa trabaho pero sabi niya ay siya na ang bahala.
Alas tres y medya ako aalis para mas maaga akong makarating pero hindi ako tutuloy sa bahay ni mama kundi sa may apartment namin dati nila Aries since ay binayaran na namin iyong tatlo.Sa tulong ng sobrang allowance ay nabayaran namin iyon.Nagkataon lang rin naman kasi na pinabayaran na lang sa amin iyon sa kadahilanang babalik na ng Ibang bansa ang may ari ng apartment.Sa murang halaga niya lang ito ibinenta sa amin.
Nauna pa akong nagising sa alarm ko dahil hindi rin naman ako pinatulog nang maayos ng dalawang bruha.Nagpupumilit pa na sasama daw sila at baka raw kung anong mangyari sa ako roon.At syempre dahil mabait ako hindi ako pumayag.Dahil katulad nila tito at tita ay nag aalala lang naman sila na baka hindi kayanin ng mental health ko kapag umuwi ako at makita ang tatay ko at ang Louisa na malandi na iyon.Wala akong balita sa dalawang iyon simula ng lumuwas kami.I mean kahit noon pa simula nun nag 2nd year ako hindi na ako nakibalita sa kanila dahil parehas naman silang walang kwenta.Ang alam lang nilang alagaan at pagtuunan ng pansin ay ang ipinagbabawal na gamot tsk.
Ginawa nilang bar iyong bahay ni mommy!Hindi na sila nahiya binaboy nila ang pamamahay ng mommy ko!Mag aalas tres ako umalis at saktong six thirty ay nakarating ako sa apartment namin.
"Hala malinis?" Natatawang wika ko sa sarili ko.
Hindi naman kasi talaga malinis medyo may mga alikabok na nga ang mga gamit namin pero hindi naman ganun ka dumi.Umakyat muna ako sa kwarto ko para ilapag ang gamit ko isang backpack lang naman dahil may ibang gamit pa akong naiwan dito at saka two or more days lang naman ako dito.Buti na lang talaga at kahit walang tao dito ay binabayaran namin yung kuryente kahit wala nang nakatira dito.Ang tinde naman kasi may nasisingip parin sila sa kuryente kahit wala ng tao sa bahay pero ayos lang kasi naman limang piso lang naman kada buwan minsan nga piso lang.Nakakahiya naman mag bayad ng piso lang tsk.
Buong maghapon kong ginugol ang oras ko sa paglilinis ng apartment namin or should I say bahay namin,hindi naman na siya apartment eh nabili na kaya namin ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/277251941-288-k702591.jpg)
BINABASA MO ANG
MILKTEA SERIES #1(Molly Charlotte Astariel)-SLOW UPDATE
RomansaBeing in love is the best thing that will be happen in my life.But because of my love I just hurt again.Sa maikling panahon ko lang naranasan mahalin yun nga lang ay hindi naman pala totoo.