Chapter 16.

5 3 0
                                    


ITS ALREADY FIVE PM. Napasarap ata ang tulog ko na yakap-yakap si Kenny. Speaking of Kenny, nasaan na kaya siya? Wala na siya sa tabi ko.

Tumayo ako nang may biglang bumukas sa pintuan. Mula sa pinto iniluwa ang isang lalaking chubby at this time ay hindi na makapal ang mukha niya— I mean ang make up.


Isinara niya ang pinto at lumapit na may samang tingin sa akin. Kunot noo siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo.



"Ang sarap ng tulog natin ah…may pa panis kapang laway," sambit niya at inirapan ako.



Pinunasan ko ang aking panis na laway gamit ang aking palad.



"Yucks!" Napa-cross arm ang bakla.



"Kung maka-yacks ka diyan! Kahit ma pawisan man ako ng laway, maganda parin ako, e ikaw?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Masarap ba?" Bigla niyang tanong.

"Anong masarap?" Pagtatakang tanong.



"Masarap ba ang matigas na dibdib ni Ser? Masarap ba siyang yumakap? Anong feeling na mayakap mo ang isang lalaking parang diyos ang dating?" Ngiti niyang sambit, niyakap niya pa ang kanyang sarili.



"Hindi…hindi siya masarap. Sa totoo lang ang pait nga eh." I pouted my lips.


"Ewwss…kung mayroon mang hindi masarap sa inyo, paniguradong ikaw 'yun. Bitter ka!" diniwalan niya ako.



"Ano bang kailangan mo bakla?" May pagkairitang tanong ko.


"Sabi ni ser, pumili ka na daw ng long gown for the party tonight. Nando'n sa kabilang kwarto ang mga long gown". Ani nito.


"Para saan ba ang party na ito? Saan gaganapin?" Tanong ko.


"Ito ay for the CEO's party. Gaganapin ito sa isang hotel na Royal Hotel, "aniya


"Eh bakit pa ako isasama niya? May pa long gown pang nalalaman," inirapan ko siya sabay lakad upang lalabas na.



Nang malapit na ako sa bakla ay binangga ko siya sa balikat, dahilan upang mapaatras ito.



"Buwesit ka talaga Angel!" Sigaw nito.

Nilingon ko siya at diniwalan. Nanlaki ang kanyang mata at kinagat niya ang ibabaw ng labi niya.



Tinalikuran ko siya at naglakad papuntang pintuan upang lalabas. Nang makalabas na ako pabalibag kong isinara ang pintuan.


"Hoy babae mag-long gown ka! Malapit na seven, malalagot ka talaga kay ser!" Pahabol nitong sigaw, pero hindi ko na siya pinansin pa.



Saktong paglabas ko ng mansion at nakita kong naglilinis ng sasakyan si Miguel.


Magpapahatid na lang ako sa kanya, wala naman kasi akong makikitang taxi o kahit anong pampasahero dito.



Andito na ako sa apartment. Actually nag-dadalawang isip pa ako, kung pupunta ba do'n sa party o hindi na lamang.



Sa pag-iisip kung ito nauwi rin sa pupunta ang decision ko. It's 5:40pm and I'm getting ready for the party.



"Manong, here's my bayad," ani ko sabay abot ng pera sa taxi driver.



Bumaba na ako, at kahit nasa labas pa ako ay rinig ko na ang tunog ng sounds.



Revenge HeartWhere stories live. Discover now