THE ACADEMY

230 14 2
                                    

Isang magandang araw para sa akin. Nakatanggap ako ng hindi ko inaasahang imbitasyon mula sa pinakasikat at misteryosong paaralan sa buong bansa.

Oo, nasabi kong misteryoso dahil walang may ideya kung sino-sino ang nagpapatakbo sa paaralan na iyon. At balita ko, pawang mga estudyante lang ang nakakaalam sa lahat ng patakaran sa paaralan.

Wala pa akong ideya dahil hindi pa naman ako nakakatungtong doon, at hindi ko pa itinuturing na ESTUDYANTE doon ang sarili ko.

Hindi ko nga sana tatanggapin ang imbitasyon dahil pakiramdam ko, hindi ako nababagay doon.. Sa ACADEMIA MARCADA, kung saan piling mga estudyante mula sa iba't-ibang paaralan at estado ang patutuluyin at pag-aaralin sa prestihiyosong eskwelahan.

Nandito ako sa napakalawak na waiting area sa labas ng mismong academy, naghihintay ng makakasama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nandito ako sa napakalawak na waiting area sa labas ng mismong academy, naghihintay ng makakasama.. Nagbabakasakaling may mga pamilyar na mukha akong makita.

Ilang sandali pa.. Biglang may lumapit sa akin..

"Bago ka dito?"

Hindi ko alam pero parang mayaman ang gwapong lalaki at

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam pero parang mayaman ang gwapong lalaki at..

Bakit may dala siyang bulaklak?

Kunot-noo ko siyang tinitigan.

Hindi pa rin natatanggal ang pagkakangiti niya kahit sobrang init na.

"P-pano mo nalaman?"

"Obvious naman kasi. Ikaw lang ata ang walang dala na handog."

"Handog??"

Tumango siya.

Wala akong ideya sa sinasabi niya hanggang sa may mga nakita akong dumaan sa harapan namin na mga estudyante..

Lahat sila ay may dala-dalang bouquet ng mga bulaklak ang iba naman ay mga papel na bag..

"Ang mga bulaklak ba ang ibig mong sabihin na handog?"

"Haha oo naman. Pero hindi necessarily na bulaklak ang dalhin mo. Dapat kung ano lang ang makakayanan ng budget mo. Ako, bumili lang ako nito kasi pasok sa budget ko.. Nga pala, ako si Paolo Feliciano. Tawag ng mga kakilala ko dito, "Poy" kaya Poy nalang din itawag mo sa akin."

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now