Umuwi na ako sa dorm pagkatapos ng klase at nagmukmok..
Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit ko sa loob ng kuwarto ko.
Kanina ko pa pinipigilang umiyak papunta dito. Sa lahat ng mga nangyari sa akin simula kahapon hanggang ngayon, pakiramdam ko mamamatay ako hindi lang sa bugbog kundi pati na rin sa sama ng loob.
Lalo na ngayon na binantaan na ako ng harap-harapan ni Reese.. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kinabukasan.
Baka sa basurahan nalang ako pupulutin pag gising ko..
Itinuloy ko ang tahimik na pag-iyak sa unan.
Basang-basa na iyon ng luha ko.
"Put a cold compress to the part na nag bruised. It will help."
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Justin kanina kaya nabuhayan ako.
Agad akong tumayo at nagpunta sa kusina, kumuha ng yelo at inilagay sa icepack.
Idinampi ko iyon sa parte ng balikat ko na namamaga.
"Aray.."
Bulalas ko dahil sa sakit.
Naupo ako sa counter at napaisip.
Ibang-iba si Justin sa kanila.. Pakiramdam ko, hindi niya kayang manakit ng tao. O, parang siya lang ang good apple sa kanilang lahat.
Muli kong tiningnan ang pulso ko.
Kahit gaano pa kasakit ang nangyari sa akin kanina, mas nangingibabaw pa rin ang gentleness ng pagkakahawak niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong na hooked sa pakiramdam na iyon..
Muli kong naalala ang itsura niya.
Hindi siya yung tipo ng lalaki na napakasharp tignan.. May bahagi na matatakot ka lalong-lalo na sa mata, pero iba ang pakiramdam ko sa kanya..
Hindi kagaya ng lima, lalong-lalo na ang asungot na yun.
Biglang kumirot ang balikat ko.
Napansin ko na nadiiinan ko pala ang icepack.
"Naiisip ko palang kung ano ang gagawin niya sa akin.. Parang gusto ko nalang umuwi sa amin."
Bigla akong nalungkot sa isipin na iyon.
REESE'S :
My blood seemed to be literally boiling earlier when someone informed me that Justin came across and saved her from their rapid-fire denunciations.
Iniwan ko pa ang ginagawa ko para lang hanapin ang babaeng yun.
Sino siya para ipagtanggol ng isa sa amin??
For me, she is just some kind of a rubbish who deserves to be treated the way she is.
Kaya nong makita ko siya, gustong-gusto ko na siyang saktan. Lalo na dahil hindi pa rin siya yumuyukod sa akin.. Konti nalang talaga at ako na mismo ang magngu-ngudngod sa kanya sa lupa.
I despise insolents like her.. But I HATE HER THAT MUCH more than I could express.
Yeah, this is not the first time na may umangal sa gusto namin. Last year, may mga ganung estudyante rin.
But this is the first time na may isang estudyante na nanlaban talaga at hindi man lang natatakot sa akin..
Ito rin ang unang pagkakataon na ipinagtanggol ang isang red flagged student ng isa sa amin.
YOU ARE READING
ACADEMIA MARCADA
RandomSYNOPSIS: Selected students from different states are gathered to admit themselves on the highly prestigious, autonomous academy in town. They are MARKED according to their socioeconomic status. One of them is Phylbert, a strong independent woman w...