Maaga akong bumangon kahit inaantok pa ako..
Hindi ako pwedeng malate dahil baka ipahiya na naman ako non. Nagluto na rin ako ng agahan namin ni Chartin. Gusto ko sana pakainin si Chartin ng para sa pusa talaga kaso, wala namang tindahan dito para don..
Tsaka sa narinig ko sa ibang estudyante rito, bawal raw ang mga pets sa loob ng campus, kaya nga sinisikap kong hindi makita ng mga ka dorm ko si Chartin baka kasi makick-out kami pareho.
Binigyan ko na rin siya ng litter box para dito na siya magpopo at nang hindi na siya lumabas.
Tapos na rin akong maligo at kasalukuyan na akong kumakain, pati si Chartin.
Nang matapos na akong kumain, nagpaalam na ako sa kanya.
"Be a good boy ha? Wag muna lalabas. Uuwi agad ako mamaya para may kasama ka dito. May pagkain ka na, hinanda ko na para tanghalian mo.. Babye."
Umalis na ako sa dorm.
Maaga palang. Mga alas sais pa lang ngayon kaya payapa pa ang paligid. Ang sarap din kasi mag brisk walking pag gantong oras.
Malapit na ako sa building.
Malayo pa lang, kitang-kita ko na ang nag-iisang magarang sasakyan na nakaparada sa oval.
Hindi ko alam kung kanino iyon dahil iba iyon sa mga sasakyan ng anim.
"HOY! BILISAN MO! PARANG UOD MAGLAKAD AMP.."
Gulat na gulat ako dahil sa pagsigaw niyang iyon.
Si Reese!
Lumabas siya mula sa itim na sasakyan.
Sabi ko na nga ba..
Sa kanya nga ang bagong sasakyan na ito.
Tumakbo ako palapit sa kanya. May iilang estudyante na akong nakikita pero malayo lang sila sa direksyon namin kaya okay lang na lumapit ako sa kanya.
Baka kasi chismiss na naman abutin ko pag nakita nila ako na lumalapit kay Reese.
"Stay in your lane. Diyan ka lang."
Mayabang na utos niya sa akin nang muntik na akong lumapit ng husto sa sasakyan niya.
Agad rin naman akong napahinto sa pagtakbo dahil doon.
Aso mo ba ako!? Ang yabang mo talaga Reese ka.
Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya dahil nakakainsulto pakinggan ang utos niya, kaya lang may kasama siyang bumaba rin sa kotse kaya minabuti kong tumahimik nalang.
"Manong, dalhin niyo nalang po lahat yan sa loob."
"Young master, pati po ba itong naka plastic?"
Young master? Baka yun ang tawag nila sa kanya. Socialite nga pala ang taong ganid..
"Haha, yeah.."
YOU ARE READING
ACADEMIA MARCADA
De TodoSYNOPSIS: Selected students from different states are gathered to admit themselves on the highly prestigious, autonomous academy in town. They are MARKED according to their socioeconomic status. One of them is Phylbert, a strong independent woman w...