Nagdadalawang-isip si Phylbert na pumasok kinabukasan.
Hindi niya alam kung ano ang dadatnan niya sa campus pagdating niya. Natatakot siya na baka huling araw na niya dito sa academy, na baka gumawa na ng paraan si Reese para mapatalsik siya sa eskwelahan dahil nga sa narinig nito mula kay Jace kahapon.
Naisip niya rin na baka alam na nito ang ginawa ni Jace at ang salungat na utos nito na pabor sa kanya.
Nananamlay si Phylbert habang tinitingnan ang alaga niyang pusa.
PHYLBERT'S:
Kanina ko pa pinagmamasdan si Chartin habang natutulog.
Buti pa siya, mahimbing na natutulog.. Samantalang ako, mula kagabi hanggang ngayon, tuliro pa rin dahil sa nangyari kahapon.
Nagdadalawang-isip din ako kung papasok ako ngayon o hindi..
Baka kasi pagdating ko dun, masamang balita agad ang sasalubong sa akin.
"Hayy.."
Muli akong napahiga sa kama.
Lumipas ang ilang minuto na nakatitig lang ako sa kisame.. Naalala ko bigla na may review pala kami ngayon para sa exam next week.
Napabalikwas ako dahil doon.
Tiningnan ko ang orasan, may 20 minutes pa ako para mag prepare.
Papasok ba ako? Pero.. Kung hindi ako papasok ngayon, pano na ang exam ko next week?
Pero pag pumunta naman ako dun, baka kaladkarin nila ako palabas ng campus.. ganun pa rin ang ending, hindi pa rin ako makakasali sa exam..
Naisip ko na baka nag-oover think lang ako..
"Ah! Bahala na."
Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay naghanda ng tanghalian ni Chartin.
Sa canteen nalang ako kakain mamaya.
"Chartin? Papasok na ako.. Diyan ka lang ha? Tsaka, andun na rin ang lunch mo.. Be a good boy. Babye."
Kinuha ko na ang bag ko at sinarhan na ang pinto.
Lumilipad ang isip ko habang naglalakad papunta sa building.. Walang kasiguruhan kung mananatili pa ako dito o makakalabas na ako. Pero kailangan ko pa ring pumunta doon para sa kinabukasan ko.. Sana..
Hindi pa man ako nakakarating, nakita ko na si Poy na nakatayo sa labas.
"Phyl! Wag kang papasok diyan!"
Tawag niya sa akin.
Sa tingin ko, winawarningan niya ako na wag pumasok sa loob.
"H-ha? B-bakit Poy?"
"Halika."
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, hinila niya ako palayo sa building at dinala sa lilim ng isang kahoy.
"Phylbert, inaabangan ka ng corps sa loob.. Baka bigyan ka nila ng itim na hang tag."
Gayon na lamang ang kaba ko..
"A-ano ang ibig sabihin non, Poy??"
"Ultima dictum. Kung sa sports, penalty card.. Iyon ang sign na may hatol na sila para sa mga estudyante na menaced.. Isusuot nila sa estudyante iyon.. May dalawang kulay ng hang tag na ibinibigay ang corps.. Puti at itim.. Puti for temporary expulsion, para sa mga estudyante na expedient o iyong tinuturing nila na salot pero may pakinabang.. At itim para sa mga gusto nilang palayasin ng tuluyan paalis dito sa academy. Kapag nakatanggap ka non, mga dalawa o tatlong araw lang ang itatagal mo dito. Pagkatapos non, magigising ka nalang na nasa labas ka na ng campus.."
YOU ARE READING
ACADEMIA MARCADA
RandomSYNOPSIS: Selected students from different states are gathered to admit themselves on the highly prestigious, autonomous academy in town. They are MARKED according to their socioeconomic status. One of them is Phylbert, a strong independent woman w...