Whimsical Braggart

133 11 12
                                    

"T-Teka.. D-diba sabi mo hindi pusa ang pet mo??? B-bakit parang ngayon.. Ano ba talaga??"

Nalilitong tanong ko sa kanya. Abala lang siya sa pagp-pet kay Chartin.

Hindi ko maiwasang mapaisip.

Ngayon lang ako nakakita ng halimaw na nagpi-pet ng pusa.. In fair, hindi siya nagmumukhang ganid.. Sa unang  tingin aakalain mo talagang hindi siya makabasag-pinggan dahil sa itsura niya.. Pero naku!!! Ugaling-gorilla ang kumag!

Nakita ko siya na bumaling sa akin kaya agad akong tumingin sa malayo.

"Can you stop calling him such name?? Ang panget. Hindi Chartin ang name niya kundi Devereaux."

Salamat sa pagsagot sa tanong ha? Ang galeeeng mo talaga!!

Sa isip ko habang tinitignan uli sila ni Char.. I mean Devereaux.

Ilang sandali pa, nilibot niya ang buong kuwarto ko.

"Huy? Ano na namang plano mo ha?? Nakuha mo na nga yang pusa.. Ano pa bang gusto mo? Pagbibintangan mo na naman ba ako na magnanakaw, ganon ba? Huy wala akong ninanakaw dito ha? Gamit ko lahat ang nandito."

"Hindi na rin masama. You have a nice room by the way."

Bigla niyang saad.

Hindi ko siya maintindihan.

"A-ano bang sinasabi mo? Baka mamaya niyan isuplong mo ako dahil sa pagkupkop ko diyan sa pusa na iyan.."

"Oh, kunin mo si Deve."

Utos niya sa akin pagkuwan. Ibinigay niya ang pusa sa akin. Kahit hindi ko siya maintindihan, syempre kinuha ko pa rin ang pusa.

"T-teka? Akala ko ba kukunin mo siya?"

Nag eye-rolling siya pagkatapos ay lumabas ng kuwarto ko.

Akala ko ay aalis na siya ngunit, di nagtagal ay bumalik rin si Reese.

May kasama siyang lalaki at may pasan itong malaking karton.

"Dito lang po ba young master?"

"No, sa kusina mo ilagay."

"Saan po ba ang kusina?"

"Andun."

"O sige po."

"A-ano yun?"

Tanong ko kay Reese.

Hindi siya sumasagot. Nang makalabas na ang kasama niya, tsaka siya nagsalita.

"I will give you the responsibility for taking care of Devereaux. Medyo okay naman yung ambiance dito. Malakas ka ring mag aircon kaya di na masama, and medyo malinis din yung room mo. Just make sure lang ha na hindi mo pinapaliguan si Deve everyday or every week. You should bathe him every 4-6 weeks. Also, yung carton mga cat foods laman non baka kasi kung anu-ano lang ipakain mo sa kanya.."

"I-ibig sabihin.. Iiwan mo ang pusa mo dito??"

Kompirmasyon ko. Mahirap na baka iba ang gusto niyang mangyari..

"What do you think?? Of course! Alangan namang ikaw ang pumapak ng mga pagkain na para sa pusa?? O! Baka gusto mo? Padadalhan pa kita ng another one month supply?? Just tell me."

"Oo na. Kino-confirm ko lang.. Hindi ko kasi alam kung ano ang tumatakbo diyan sa isip mo.. Baka pinagti-tripan mo na naman ako."

"Devereaux can't go home yet coz I think I can't take care of him pa as of now.. I see naman you're concern about the cat.. so, sa'yo ko muna siya iiwan."

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now