Spirit of a gladiator

49 10 5
                                    

Hindi ko na makayanan ang kasamaan ng ugali nilang lahat kaya tumakbo na ako palayo sa malaking hagdanan.

Nakakahiya ang ginawa nila sa akin. Isipin niyo, lahat ng nandito nakita ang video na iyon.

Siguradong kilala na rin ako ng mga estudyante rito dahil sa anim na maton na iyon, at tatatak na sa isip nila ang masamang imahe na ginawa nila para sa akin.

Takbo lang ako ng takbo, naghahanap ng pwedeng mataguan, gusto kong makatakas panandalian sa mala-impyernong lugar na ito..

Dahil sa nangyari, hindi lang ang anim na maton ang magiging kalaban ko kundi buong campus na. At hindi lang sa campus natatapos iyon dahil pati na rin ang mga outsiders na concern sa dignidad ng eskwelahan, galit na rin sa akin.

Napadpad ako sa kakahoyan na nasa likuran ng eskwelahan.

Tama, walang tao rito kaya hindi ko na pipigilan ang sarili ko na sumigaw.

"AHHHHHHH!!!!!"

Buong lakas ko iyong pinakawalan mula sa kaloob-looban ko, pati ang mga luha na kanina pa gustong magsilabasan ay pinakawalan ko na rin.

Hindi ko maiwasang isipin kung bakit nangyayari sa akin ito. Wala naman akong kasalanan sa kanila, kaya bakit nila ako iniipit sa bawat araw ng pananatili ko rito?

Ayoko sanang pansinin ang mga yun kaya lang sinasagad na nila ako lalong-lalo na ng Reese na iyon.

Masyado na niyang inaapakan ang pagkatao ko..

Natigilan ako sa pag-iisip.

Bakit nga ba hinahayaan ko silang apihin at insultuhin ako?

Tama.. Bakit hindi ako lumalaban sa kanila?? Hindi tama ito..

Kailangan kong matutong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko.

Wala namang ibang gagawa non, kundi ako mismo. Kung hahayaan ko lang silang dumihan ang pagkatao ko, magiging walang saysay ang pagtungtong ko rito.

Kinuha ko ang bag ko at kinalkal ang mga laman nito.

Nang makita ko na ang hinahanap ko, tumayo ako ng puno ng determinasyon at inayos ang sarili.

Uuwi muna ako upang makapagpalit ng damit, tsaka ako babalik sa building upang gawin ang bagay na tiyak magpapagalit sa kanila.






































REESE'S:

We are chatting happily papunta sa tambayan namin.

Just a short distance away, I noticed that there is something wrong with our cars.

"Do you see what I see?"

"What Reese?"

"Look closely.."

They stopped also para matingnan ng maayos ang itinuro ko sa kanila.

"Oh Fuck! Not the tires!"

Brent exclaimed upon recognizing what's really wrong with our cars from afar.

We ran towards them.

And I was very frustrated with what I saw.. My newly fitted tyres in front are all wrecked.

I checked my rear tires, they are perforated too!

Someone pierced holes in our tires!

"Bwiset naman!"

Galit na galit si Vin nang makita niya na wasak rin ang apat niyang gulong.

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now