Hindi ako mapakali habang tumatakbo papunta sa oval..
Sobrang dami ng estudyante na nandito ngayon.. Nagdadalawang-isip akong tumuloy.. Hinanap ko kung nasaan ang linya ng mga katulad ko, nasa gitna pa sila!
Hindi paman din ako tuluyang nakakalabas sa building, kitang-kita ko na ang mga sulyap nila sa akin.
"Hey get out of there! Mag-uumpisa na ang klase, ikaw nalang hinihintay."
Tinawag ako ng isang lalaking estudyante.
Hindi ko alam kung ano ang kulay niya, pero feeling ko red marked siya.
Pinagtitinginan na nila ako dahil sa pagtawag nong lalaki sa akin..
Huminga ako ng malalim bago ako tumakbo palabas at nagdire-diretso sa linya ng mga kapwa ko puti ang marka.
Habang tumatakbo, rinig na rinig ko ang mahihinang tawa nila.
Ganun paman, nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo papunta sa linya namin.Kitang-kita ko ang itsura ni Poy. Napa- facepalm siya na animo'y siya ang nahihiya para sa akin.
Nang makarating na ako sa mismong linya, doon na sila hindi nakapagpigil kakatawa.
Kanina kasi, alam ko na kung ano ang nangyari sa uniporme habang nasa locker palang iyon.
May gumalaw sa mga ito at wala ng ibang pwedeng gumawa non kundi sila...
Puno ng butas ang damit at jogging pants ko na animoy kinain ng daga.Buti nalang at may suot ako na shorts at sando para hindi makita ng tuluyan ang mga damit panloob ko.
"Hahahaha saan ka ba nagsususuot? Para kang na gang rape!
Yumuko nalang ako upang itago ang mukha ko.
Hiyang-hiya na ako sa mga nangyayari sa akin..
Napansin ko na tumahimik silang lahat.
Dahil sa kuryusidad, inusisa ko kung bakit sila natahimik.
Kaya pala, dahil nandito na ang lima..
Kitang-kita ko ang pagtingin ni Reese sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang kasiyahan nang makita niya ang suot ko.
Actually, lahat sila.. Lahat sila, tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ako.
Tiningnan ko si Poy. Kahit siya, hindi na maatim na tingnan ako.
Tuluyan na akong nilamon ng kahihiyan kaya gaya ng ginagawa ko.. TUMAKBO na naman ako palayo sa kanilang lahat.
Bahala na kung hindi ako makasali sa kanila.. Hindi ko pala kaya na dalhin 'tong damit na 'to..
Wala kasi akong choice kanina kaya isinuot ko nalang ang uniporme ko maka attend lang ng klase ngunit, mali pala.. dahil mas nagmukha akong katawa-tawa.
Dumiretso ako sa locker upang sana ay magpalit nalang ng damit.
Ngunit, gayon na lamang ang pagkadismaya ko nang makita na pati ang mga damit ko kanina ay butas-butas na rin.
"Tsk, pati ba naman 'to.."
Gusto kong umiyak ngunit tila natuyo na ang mga luha ko.
Pagod na akong umiyak dahil sa mga 'yun.
Naglakad nalang ako papunta sa likuran ng eskwelahan dala ang bag at ang sira-sira kong damit.
Umupo ako sa bato at isiniksik ang sarili sa braso ko.
Nakatingin lang ako sa malayo habang blangko ang isip.
"Take this."
YOU ARE READING
ACADEMIA MARCADA
RandomSYNOPSIS: Selected students from different states are gathered to admit themselves on the highly prestigious, autonomous academy in town. They are MARKED according to their socioeconomic status. One of them is Phylbert, a strong independent woman w...