Natapos ang panghuling klase namin sa araw na 'to na walang kahit ni isa akong naintindihan.
Kasalanan 'to ng corps..
"Phyl? Okay ka lang ba?? Parang ang layo naman ata ng iniisip mo diyan?"
Nilapitan ako ni Poy. Pinuntahan niya kasi ako sa locker ko pagtapos niyang iligpit rin ang gamit niya sa locker nila.
Wala ng ibang estudyante sa loob. Kami nalang dalawa ang nandito.
"A-ah, okay lang ako Poy. Pagod lang siguro ako dahil sa ginawa ko kanina."
"Oo nga pala.. Saan ka galing kanina bakit ka nagditch?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa canteen nila..
"N-naglaba.. Tama! Naglaba ako ng mga damit ko kanina, marami na kasi akong labahin kaya tinira ko na. Baka kasi maubusan na ako ng damit."
Kung alam mo lang Poy kung gaano kadami ang nilabhan ko na hindi ko naman mga damit...
"Ahh.. Kaya pala.. Teka baka makalimutan mo, next week may exam tayo. Wag kang mag cram ha? Mag-aral ka ngayon palang. Mahaba-haba pa naman exam natin next week. O eto notes ko, hiramin mo muna. Nandiyan na rin ang pointers sinulat ko na para guided ka sa pag-aaralan mo."
Ibinigay niya sa akin ang binder niya.
Ewan ko pero parang naiiyak ako..
Napaka concern niya sa akin kaya hindi ko mapigilang mapaluha..
"Oh, bakit? Anong problema?"
"Wala.. Nakakaiyak lang kasi ang pagiging concern mo sa akin. Kahit inayawan ako ng lahat ng estudyante rito, nandito ka pa rin nakikipag-kaibigan sa akin.."
"Sus. Gusto ko ngang humingi ng pasensiya sa nagawa ko dati eh. Nong isa ako sa mga umiwas sa'yo dahil natakot ako na baka pati ako madamay. Ang duwag ko lang non bilang tropa mo.. Dapat nga, hindi tayo maghiwalay sa mga ganong sitwasyon para madamayan natin ang isa't-isa. Pasensiya ka na dun sa ginawa ko Phyl."
"Wala yun. Naiintindihan naman kita.. Kahit naman siguro sino, matatakot rin sa banta nila.. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi tayo dapat magpadala sa mga paninindak ng kahit na sino dahil hindi naman nila hawak ang buhay at kapalaran natin. Tayo pa rin ang magdedesisyon sa mga gagawin natin. Nasa atin na iyon kung pipiliin nating magpasindak lang sa kanila.. Kaya lang mas magiging kawawa tayo dahil gagraduate tayo dito na walang paninindigan at mahirap dalhin yun pag nakalabas na tayo dito sa academy.."
"Tama ka Phyl. Kaya nga, medyo nawala na ang takot ko sa kanila eh. Salamat sa'yo.. Ikaw naman talaga nagmulat sa akin na dapat hindi matakot. Kaya bahala sila kung ano isipin at gawin nila.. Basta ako, hindi kita iiwanan bilang kaibigan mo."
"Poy?"
"Oh?"
"Pa hug."
"Hahaha halika nga.."
Niyakap niya ako.
Hindi ko mapigilang mapapikit..
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag meron kang tao na masasandalan at maituturing mong tunay na kaibigan.
Oo, tinuturing ko na si Poy na totoo kong kaibigan.. Wala namang ibang pwedeng ituring ko ng ganun dito eh.. Lahat sila, galit naman sa akin at si Poy lang ang tanging estudyante na nakagaanan ko ng loob kaya nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala ko siya.
YOU ARE READING
ACADEMIA MARCADA
LosoweSYNOPSIS: Selected students from different states are gathered to admit themselves on the highly prestigious, autonomous academy in town. They are MARKED according to their socioeconomic status. One of them is Phylbert, a strong independent woman w...