The new laughingstock..

58 13 8
                                    

"Where's Justin?"

"I don't know. Hindi ka pa ba nasanay doon? Palagi rin namang nawawala yun after class."

Kasalukuyang nasa likuran ng paaralan ang grupo ni Reese.

Nag-uusap sila sa gagawin nila bukas.

"Did someone informed him about our plans tomorrow?"

"He is yet to be informed Reese but don't worry, I'll be the one to do it later."

"I'll expect that Kier. Bukas nalang tayo lahat magkita ulit, be sure you are here before 8. Jace? Sana naman gumana na iyang alarm mo para magising ka naman ng maaga."

Napangiti si Jace sa sinabi ni Reese.

"Yeah yeah.. I'll fix it."

Biro niya.

Nagkanya-kanya na ang lima sa pag-alis dala ang mga sasakyan nila.















Sa kabilang dako, abala si Phylbert sa paghahanap ng magiging kwarto niya sa malaking dorm para sa mga babaeng estudyante.

Iniwan na siya ni Poy dahil umuwi na rin ito sa dorm nila.

Sa wakas ay nahanap na niya ang magiging kuwarto niya.

High-tech ang mga kuwarto rito dahil computer generated ang locks.

Nasa cellphone niya na rin ang passcode ng magiging kuwarto niya. Iniscan niya iyon sa scanner na nasa gilid ng pintuan.

Nang bumukas na ang pinto, agad niyang tinanggal ang sapatos niya at ipinasok na ang dalawang maleta.

"Ganito pala ang mga kuwarto dito.."

Manghang-mangha siya dahil sa ganda ng kuwarto.

May bahid ng pagiging antigo ang mga kulay ng pintura. Vintage wall rin ang pader ng kuwarto, pawang mga bricks ang ginamit rito; ngunit malinis at moderno ang pagkakagawa ng mga gamit.

Napaka linis din ng buong lugar at well-ventilated dahil sa tamang sukat ng aircon. May dalawang bintana rin sa kuwarto na ito at blinds.

Napangiti si Phylbert nang makita ang isang maliit na passage. Sigurado siya kung para saan iyon.

Pinuntahan niya iyon at tama nga ang naisip niya.

"Ang ganda ng kusina.."

Bulalas niya nang makita kung gaano kaganda ang maliit na kusina ng kuwarto niya. Lahat ng gamit pangkusina ay kumikinang pa, halatang hindi pa nagagamit o nagagalaw.

May malaking refrigerator rin sa gilid ng kitchen counter. Binuksan niya iyon, puno ng mga preskong pagkain ang ref.

Sa tingin niya, isang linggong supply iyon ng pagkain.

Bumalik na siya sa main room.

Agad na napako ang paningin niya sa built in wardrobe kaya excited niyang kinuha ang mga maleta at inilabas ang mga gamit upang mailipat na sa bagong lalagyanan ng mga ito.






















PHYLBERT'S:

Maaga ang klase namin kanina, alas sais kaya medyo inaantok pa ako.

Late na rin kasi ako nakatulog kagabi dahil matagal akong natapos sa pag-a- arrange ng mga gamit ko sa kuwarto. Hindi na rin ako nakapagpalit ng pormal na damit dahil sa pagmamadali. Iyong nakita ko nalang na damit ang naisuot ko.

ACADEMIA MARCADAWhere stories live. Discover now