Chapter 16

5 0 0
                                    

Yuck!

Ang pangit!

Super pangit!

Sobrang old fashion!

Ewwww!!!

Hindi pa ako nakakatagal dito pero feeling ko mukha na kong basahan!

"Ano ba, Sab! Wag ka nga padyak ng padyak dyan!" Sabi sakin ni freak! Eh kasi naman!

"Cant you see this?! Ang pangit pangit ng damit ko! Its so baduy and very old fashion! I dont wanna wear this... This arghhh!"

He sighed. Nasa may frame sya ng pinto. Nakacross arms habang nakasandal doon. Infairness... Mukha syang model don. Pero hay nako! May frame nga wala naman pinto! Curtain lang ang humaharang dito. Pano na ang privacy ko? Pano kung biglang pumasok si freak habang nagbibihis ako? Edi mukha akong bold star non? Eh profesional model ako! Naman!"Wala akong ipapasuot sayo kundi yang bistida na yan lang. Pagtiisan mo muna yan! Tska... Bagay naman sayo ah?" Sabi nya habang tinitignan ako habang ako naman ay nananalamin

I gave him a glare "ginagago mo ba ako?! Tignan mo nga oh! Wala pa tayong kalahating araw dito pero mukha na akong basahan! Hindi ko alam kung pano ka nabuhay dito sa ganito kaliit at kainit na bahay! Grabe! Wala man lang aircon!... Di hamak na mas malaki ang bathroom ko dito!" Bulong ko pero alam kong rinig nya yon

Tss... Sa dinami dami ng damit ko sa walk in closet ko ni isa wala akong maisuot! Tapos nagtitiis ako dito sa bulok na bahay na to! Guess what! Kami lang ni freak dito! Maliit to at halatang pang dalawang tao lang! Isang kama na sobrang tigas na gawa sa kawayan! Take note! Walang cushion! Isang maliit na sala, isang table at dalawang upuan sa magkabilang dulo na parehong gawa rin sa kawayan. Sa labas ang lutuan. Yung tinatawag nilang... Ano nga ulit yon? Punog? Kugon? Pagun? Pa... Pu...pu...pucha! Basta! Yun na yon! Im really not familiar with that. Tapos wala din CR sa bahay na ito! Sa labas meron! Tapos yung panliliguan, sa poso! My gawd! I wanna go home na!

"Aish... Buong araw ko na naririnig yang complain mo. Would you please stop? Hindi ka naman mukhang basahan ah? Bagay naman sayo! Tsk! Kahit nga siguro plastic bag ang ipasuot ko sayo maganda ka parin e!" Yung hui pabulong lang pero rinig ko.

Naramdaman ko agad ang paginit ng mga pisngi ko. Natameme tuloy ako. Napaiwas nalang ako ng tingin bago nya pa maabutan ang pamumula ko.

"Magluluto muna ako ng dinner natin." Mahinahon nyang sabi.

Tumango lang ako kahit nakatalikod sa kanya. Ng maramdaman kong wala na sya dalidali ako tumingin sa salamin.

Wahhhh!!!! Namumula ako! Pinagsasampal ko ang sarili ko! Jusko naman, Sabrina! Ilang beses ko bang ipapaalala sayo na hindi ka nga pwede kiligin sa kanya! Gumising ka sa kahibangan mo! Pa-fall nga----

"Sabrina, anong gusto mo kaini----"

"Ay pa-fall!" Napasigaw tuloy ako. "Ano ba! Kumatok ka nga!"

Tumaas ang isang kilay nya sabay tingin sa buong frame ng pinto. Ay oo nga pala! Walang pinto! Natampal ko tuloy ang noo ko. Ang tanga tanga mo, Sab! Nakakahiya! Mababaliw na yata talaga ako! Pati sarili ko kinakausap ko na!

"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo naman sinasampal sarili mo?"

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sya. Hinawakan nya ang pisngi ko.

"Ayan tuloy. Ang pula." Sabi nya habang iiling iling.

Hand...some...freak!!!! >///< huhu! Baketttt? T////T

Pakiramdam ko lalong naginit ang pisngi ko. Hindi nagtagal ay napansin ko ang pag-angat ng kanyang mga labi kaya agad ko syang tinampal sa kamay.

"S-sira! Ang l-lamok kaya! K-kinakagat ako...sa ano...sa pisngi..." Sabi ko ng nakayuko para di nya makita ang reaksyon ko.

Love me and Im all yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon