Chapter 17

3 0 0
                                    

Inilagay ni Siopao ng isang baso ng juice sa harap ko sabay ngiti. I gave him a smile too sabay inom.

^.^;a

Kanina pa kaming tawanan ng tawanan. Haha! Ang kukulit kasi nila! Tulad ngayon.

"Alam mo Sab, ang swerte ng mapapangasawa mo. Maganda na mabait pa!"

Err...

Napatingin ako kay freak na gusto na yata matawa sa sinasabi nitong si Larry. Larry, Larry... You have no idea on what you are saying...

"Right!" Sabat naman ni Kris.

"Sobra..." Jason.

Napatingin ako sa kanya. He's giving a killer smile. Playboy. -,- Sinipa sya ni freak sa binti kaya napa sigaw sya.

"Aray naman tisoy!" Pero binalewala lang sya ng barkada. Sanay na siguro.

"Ikaw, Tisoy? May girlfriend ka ba?" Larry.

"Lul! Malamang madami yan!" Jason.

Napatawa lang si freak.

"Yaan mo tol! Papanalangin ko na sana maganda katulad ni Sabrina ang maging asawa mo!" Paolo sabay inom ng orange juice. Kumindat sya kay freak pagkatapos. May gusto ba sya kay freak? Bakla ba sila? O.O

Napailing nalang si freak pero nakangiti parin habang nilalagay yung plato sa harap ko. Ang gwapo >////> naalala ko tuloy yung kanina. Amp. Nung makita nya ang ekspresyon ko napansin ko na biglang namula yung tenga nya. Ihh. Ganito pala sya mahiya?

"Tapos pare! Ipapanalangin ko din na magkaroon kayo ng madaming anak!"

Natawa naman yung iba.

"Ang bait mo naman pre! Ako din pare may wish sainyo!" Kris.

Napunta lahat ng atensyon sa kanya.

Umubo muna sya bago nagsalita. "Eherm. Alam nyo ba kung anong wish ko sa inyo?"

"Oh?" Sagot naman nung apat.

Nakooo... Nasesense ko na puro kalokohan tong iniisip ng isang to. Sa magkakabarkada eto ang clown ng grupo!

"Wish ko na sana magkaroon kayo ng napaka gandang asawa!"

Napatawa naman ako sa ekspresyon ng mukha nya. Haha! nakakatawa! Di mawari!

"Tapos?" Sila ulit.

"Tapos magkakaroon kayo ng tigiisang dosenang mga anak."

Bigla akong napasabat "anong tingin mo samin mga babae, paanakan? Aso? Baboy na kung manganak dosedosena? Factory ng bata?" Natatawa kong sabi

"Baby Sab naman! Hindi pa naman ako tapos eh. Syempre exceptional ka! Special ka!" Napatingin ulit sya sa kanila. Napailing nalang ako.

Tumayo yung tatlo sabay lapit kay Kris. Si freak naman nakasandal lang dun sa pader malapit sa bintana habang natatawa. Bakit ba kahit naka shirt lang sya na white at maong shorts, ang gwapo nya parin? Hindi ba kumukupas to o mas gumagwapo pa habang tumatagal?

"Tangna pre. Natouch ako." Plastik na sabi ni Paolo sabay tapik sa balikat ni Kris

"Toy nakakaiyak. Hindi ko na kaya." Jason. Sabay fake sniff with matching hagulhol pa. Yumakap sya kay freak. Pft! Bakla yata talaga tong si Jason eh! Nakakatawa reaction nila. Yinakap din sya ni freak at tinapiktapik sa likod. Freak naman! >:( baka mahawa ka!

"Bro! Grabe! Bilib na ko sayo! Ang ganda ng wish mo! Napahanga mo ako! Salam---"

Hindi na natapos ni Larry ang sinasabi nya dahil kay pinigilan sya ni Kris

Love me and Im all yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon