“Hugasan mo na ang mga iyan pagkatapos ay linisin mo ang swimming pool. Magpatulong ka kay Lylia.” Bilin sa akin ng mayordoma na kasalukuyang nasa aking likuran na mataman akong binabantayan.
“Sige po, Manang.” I smiled at her but she just raise her eyebrows at me. Napanguso ako dahil doon.
I'm currently washing the dishes dahil kakatapos lang ng lunch nila Sir Gregory kasama ang kanyang mga bisita.
It's been two straight days and until now, I'm still adjusting for this situation especially Manang Letisha na lagi akong sinusungitan hanggang sa ngayon. Lagi akong pinupuna, pinapagalitan sa mga ginagawa ko.
Hindi naman ako ganon kagaling pagdating sa ganitong gawain at lagi yata akong pumapalpak. Hindi ako marunong magluto, magsaing, maglaba at hindi ako ganon kahusay maglinis. Ang alam ko lang ay maghugas ng pinggan ngunit sa kasamaang palad ay lagi kong nababasag ang baso't plato dito sa mansyon.
As I finish washing the dishes, I search for Lylia. Naabutan ko naman itong abala sa pagdidilig ng mga halaman sa likod.
“Ahm, maaari mo ba kong tulungan maglinis ng pool. Iyon kasi ang bilin sa akin ni Manang Letisha.” I bite my lip as I started talking to her.
Mariin lamang ako nitong tinitigan pagkuway tumango rin sa akin.
“Ilang taon ka na?” I broke the awkwardness between us.
Kita ko ang pagkabigla nito at sandali napatingin lang sa akin.
“Twenty two!” She said. “Halika na!” Aniya pa niya sa akin at naunang naglakad.
Kimi na lamang akong tumango at sinundan ito.
Nang marating namin ang malawak na pool ay kaagad ako nitong tinuruan kung paano ba linisin iyon. She get the long strainer as she started to get the floating leaves one the water.
“Ikaw naman!” Saad niya sa akin at ibinigay ang hawak nito.
Kaagad akong tumalima at ginaya ang ginawa nito. She's just watching me from behind. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko ngayon.
Tirik na tirik ang araw ngunit heto kami nakabilad.
“Ako na!”
A sudden later, Lylia suddenly insisted herself.
“Marunong ka ba talaga sa gawaing bahay?” Tanong pa nito sa akin tsaka ako pinasadahan ng tingin.
“Sorry!” Tanging naisambit ko sa kanya na ikinailing lamang nito.
“Ang bata bata mo pa. Bakit hindi ka nalang mag aral? O kaya maghanap ng ibang trabaho kung ganon.” Sabi nito sa akin at nagsimula muling linisin ang pool.
“No, hindi. Twenty four na ko at graduate na din ako. But still, wala akong nahahanap na trabaho sa buong Maynila.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.
Kaagad akong nitong nilingon at seryosong tinapunan ng tingin.
“I really need to earn money and I don't have a choice right now.” I added that makes her eyebrows frowned.
“Anong ibig mong sabihin? Atsaka paano ka ba dito nakapasok? Isa ka rin ba sa babae ng Senyor?” Napanguso ako dahil doon.
“Pati ba naman ikaw?” Huminga ako bago magsalita.
“Paano ba naman kasi sa hitsurang mong yan. Ganyan ang mga tipo—oo katulad mo, iyon ang tipo ni Senyor. Mahilig sa dalaga.” Dagdag nito sa akin.
“Hindi ko ibaba ang sarili dahil lamang sa pera. Handa akong paghirapan ang ilang bagay—ang ganitong trabaho. Because seriously speaking, I'm not into it.” Lumaki ako ng may naninilbihan sa akin. I grew up with my own maids. Kaya ano ba ang alam ko sa ganitong bagay?

BINABASA MO ANG
ALASTAIR ARMENDAREZ
General FictionA heartless and stony hearted person, Alastair Elliot Armendarez.