KINAUMAGAHAN ay nagkayayaan kaming maligo sa dagat marahil malapit lamang pala iyon sa kanila. Napakaganda pala ng lugar, presko ang hangin at napakatahimik ng paligid. Natutuwa ako dahil ngayon na lamang ako nakapunta ng dagat. Ilang taon na din kasi ang lumipas noong nakapag-dagat ako kasama si Mama.
Inayos ko ang suot kong dress ay tinungo ko ang tubig at nagsimulang nagtamoisaw na parang bata. Ang lamig at animo'y ang presko maligo. Napakaganda rin ng tanawin, kung maaari lamang na dito tumira ay gagawin ko. Bukod kasi sa mapakatahimik ng lugar ay napakababait din ng mga tao dito. Pamilya ka nila kung ituring.
"Hi, Ara!" Napalingon ako sa aking likuran ng mayroong tumawag sa aking pangalan.
"Uh–hello." Nahihiyang sabi ko.
"Gusto ko lang ibigay ito sayo." Aniya tsaka iniabot nito sa akin ang isang kahon ng cupcakes. "Congrats pala kagabi, Ara!" nginitian ako nito.
"Salamat!" Sabi ko kahit hindi ko maalala ang pangalan nito pero alam ko na kasama namin ito kagabi nila Oliver.
"Mauna na ko! Gusto ko lang iaabot yan sayo. Ako pala ang gumawa ng mga iyan Ara." Aniya. Nagpasalamat nalang muli ako sa kanya.
Ilang sandali rin ay nakatalikod na ito sa akin at naglalakad na palayo.
"Sandali..." Hinabol ko siya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko pa sa kanya na bahagya niyang ikinagulat.
"Kaizen, Ara. Kaizen ang pangalan ko."
"Salamat Kaizen!" Nginitian ko siya ng matamis. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha nito bago tuluyang umalis.
Dinala ko naman sa kubo ang ibinigay sa akin. Biniro pa ako ng mga tao doon na may lihim daw na pagtingin sa akin si Kaizen. Lalo na si Oliver na sa ngayon ay tinutukso ako.
Buong araw ay naligo lamang kami sa dagat. Ang saya saya ng araw kong iyon. Sinulit talaga naman dahil kinabukasan ay luluwas na ulit kami pabalik ng Maynila.
Hindi ko man kilala ang mga ibang taong kasama ko ngunit naging maayos at masaya iyon. Napakabait nila!
"Naway naging masaya ka sa pagpunta dito Ara..."
KASALUKAYAN akong nag aayos ng aking gamit ng kausapin ako ni Lola Cora.
"Salamat Lola sa pagtanggap sa akin dito." niyakap ko ito.
"Walang anuman Iha. Ayos na ayos sa amin na nagawi ka rito. Sana ay makabalik ka ulit."
"Hindi ko ho mapapangako Lola, pero susubukan ko.." lalo na't alam kong babalik ako sa lugar kung saan ako nararapat.
"Napabuting mong bata, Ara. Pagpalain ka sana ng diyos." dagdag nito. Mahigpit na yakap lang ang iginawad ko sa kanya.
Staying in the Philippines is just a temporary for me. Aalis din ako!
Lola Cora cook a food for me to bring in the city. Ang bait bait nito sa akin. Binigyan pa ako ng mga pasalubong para daw hindi ko mamiss ang lugar na ito.
Dumating ang araw na kailangan na naming bumalik. Inayos na ni Oliver ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan. Si Aleng Nena naman ay nagpaalam na sa mga kamag anak niya.
Nasa kalagitnaan kami ng pag aayos ng iilang gamit ay bigla na lamang nag ring ang telepono ko. Lumitaw ang pangalan doon ng taong matagal ko ng hinihintay na tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
ALASTAIR ARMENDAREZ
Ficción GeneralA heartless and stony hearted person, Alastair Elliot Armendarez. Can 'love' change him?
