Chapter 1

280 25 10
                                    


"HUGH, GET YOUR SHIT together!"

Isang beses akong napailing sa pahabol na salita ng ama ko bago ako nagtuloy-tuloy palabas ng bahay. Padabog akong pumasok sa sasakyan ko at mabilis itong pinaharurot paalis.

Humigpit ang hawak ko sa steering wheel habang tila naririnig ko pa rin sa utak ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Papa ngayong umaga.

"Kailan ka ba magtitino sa pag-aaral mo, ha?"

"You're worthless! Paano kita maaasahan sa negosyo natin kung puro pagbubulakbol ang inaatupag mo?"

"Nakakahiya ka!"

Galit na galit si Papa nang ipakita ko sa kaniya ang grades ko sa nagdaang Midterms. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagugulat pa siya na puro tres ang grado ko. Alam niya naman na noon pa na hindi ako matalino at wala akong interes sa mga subject na meron ako. Why would I be fucking interested in those things when it wasn't what I wanted from the very beginning?

He was the one who forced me to take up Business Management, so I could handle our business in the future. It wasn't what I wanted! I didn't want it! Kung nasunod lang sana ang kursong gusto kong kunin, e 'di sana ginaganahan akong mag-aral! Pasalamat nga siya't hindi ako tuluyang bumabagsak sa mga lintek na subject ko.

Nakatuntong ako ng third year college nang puro pasang-awa ang grado. 2.5 ang pinakamataas at tres ang pinakamababa. Ayos na 'yon. Wala rin naman akong pakialam kung bumagsak ako sa mga subject ko. Hindi naman ito ang gusto ko. Kaya magpasalamat na lang si Papa na at least, pumapasa pa rin ako kahit papaano.

Kung narito lang si Mama, tiyak na hindi n'on hahayaan na pilitin ako ni Papa sa bagay na hindi ko naman gusto. She had always been supportive and very understanding. If she were still here, I was so sure she would stand against my father. She would let me take up Conservatory of Music because she knew from the very start that I aspired to be a musician.

I wanted to join bands. I wanted to create music. I wanted to sing. That's what I wanted. Not to handle this fucking wine business my father built.

Bumagal ang pagmamaneho ko nang matanaw ko ang kumpulan ng mga tao sa tulay kung saan matatanaw ang ilog sa ibaba. Nagdikit ang mga kilay ko at kuryosong tumingala kung ano maaari ang pinagkakaguluhan nila roon. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa isang tabi at nagdesisyong lumabas.

Nagsasayawan ang mga puno sa paligid gawa ng malakas na hangin. Tumingala ako at napansing medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa yata.

"Grabe, kawawa naman."

"Sino kaya ang may gawa niyan sa kaniya?"

"Natatakot tuloy ako. Baka mamaya may serial killer na rito sa La Rida."

Halos matawa ako. A serial killer? Really? Crimes seldom happen in this little town of La Rida. Bibihirang may mapabalitang nakawan, gulo, o kung ano pa mang klase ng krimen. Tahimik dito, hindi katulad sa ibang mga syudad. Kakaunti lang din kasi ang populasyon.

Lumapit pa ako nang kaunti hanggang nasa mismong tapat na ako ng barrier. Mas lalong nangunot ang noo ko nang may makita akong mga pulis sa tabing ilog. Sa harap nila ay nakahiga ang isang babaeng hindi ko pa makita nang maayos itsura dahil natatabunan ang mukha nito ng sariling buhok.

Naningkit ang mga mata ko at pinagmasdan pa iyong babae. Mukhang kinuha ito ng mga pulis mula sa tubig dahil basang-basa ang buong katawan na ang tanging suot lamang ay bra at panty.

"Narinig ko sa mga pulis. Na-rape daw yata," rinig kong saad ng katabi kong usisera sa kasama niya.

Lumamlam ang mga mata ko at hindi naiwasang makaramdam ng awa. That was terrible. I've never heard a rape case in this town for almost all my life. Ngayon pa lang.

"Mukha nga. She was only wearing her underwear, e."

Napabuntonghininga ako at umatras na mula sa barrier. I had no business here and I'd be late for my first class. I was just curious so I decided to check, but I didn't have plans to stay longer.

Pabalik na sana ako sa sasakyan ko nang may tumapik sa balikat ko.

"Uy, p're! Nandito ka pala." Tumango sa akin si Robi na kaklase ko sa isa sa mga minor subject ko.

Tumango rin ako sa kaniya. "Na-curious lang ako kung anong meron kaya tiningnan ko."

"Kaya nga, ako rin, e. Grabe, kawawa naman. Ka-block mo 'yon, 'di ba?"

Tumaas nang bahagya ang dalawang kilay ko -- hindi lubusang naunawaan ang tanong niya.

"Huh?"

"Iyong bangkay." Itinuro niya pa ang ilog. "Si Anya. 'Di ba, ka-block mo?"

Umawang ang bibig ko kasabay ng muling pagdidikit ng aking mga kilay. Tila may tumambol sa dibdib ko na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Narinig ko sa mga pulis na mukhang na-rape daw 'tapos itinapon sa ilog."

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napahakbang. Mabagal akong humakbang hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo pababa sa tabing ilog. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Robi ngunit hindi ko na siya pinansin.

Nang tuluyang makababa roon ay lalapit na sana ako sa katawang nakahandusay ngunit hinarangan ako ng isang pulis.

"O, o, sa'n ka pupunta?" kunot-noong tanong nito.

"S-sino po 'yong bangkay?"

"Hindi pa namin kumpirmado, pero may napadaang estudyante kanina at nakilala 'tong bangkay. Anya Loris daw ang pangalan."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Lumapit ang isa pang pulis sa bangkay at marahang hinawi ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Halos panginigan ako ng tuhod kasabay ng pagkirot ng dibdib ko nang makita ko nang maayos kung sino ito.

Anya. Anya Loris.

"Kilala mo ba? Ano ka niya?"

Natulala ako. Hindi nakagalaw. Hindi nakasagot. Tila naparalisado.

"Huy, pogi!" Yugyog sa akin ng pulis.

Doon lamang ako tila natauhan. Napakurap-kurap ako at muling naibalik ang tingin sa pulis.

"Kaano-ano mo 'ka ko 'yong bangkay? Kamag-anak o kaibigan?"

Lumunok ako at iniwas ang tingin sa bangkay ni Anya.

"K-kaklase lang po."

The police officer sighed and shook his head as if he was disappointed. "O, siya, sige! Pumasok ka na sa klase. Bawal dito."

Mahina akong itinulak nito at wala akong nagawa kundi maglakad palayo. Hindi ko na muli pang nilingon si Anya dahil pakiramdam ko ay babagsak ako sa lupa ano mang oras. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko. Tulala. Gulat. Hindi makapaniwala.

"Bilog na bilog 'yong buwan, o!" Iyon ang isa sa mga huling sinabi ni Anya noong gabing huli ko siyang makausap at makita.

Nilingon ko siya sa aking tabi. Pumorma ang maliit na ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan siyang nakangiti habang tanaw ang buwan. She looked so happy. Her smile was reaching her eyes.

Nang magbaba muli siya ng tingin sa akin ay tinapik niya ako sa balikat.

"Una na 'ko, Hugh. Salamat sa pagsama sa 'kin. Ingat ka." She smiled and waved her hand before turning to walk away.

That was Friday. It was only two days ago.

Anya seemed fine that night.

She looked okay.

What happened?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! I'm excited for this kasi ngayon na lang ako nakagawa ng crime-thriller ulit. I'll be writing this offline. Still undecided if this is gonna be a 30-chapter novel or just a novelette with 15-20 chapters. I don't know, let's see hehe.

Thanks for being here! If you're a sucker for mysteries and thrillers (like me) that includes a little bit (just a very, very little -- not saying that this is a romance novel because it's not) of romance and angst, I hope you add this to your library and have patience for updates :">

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon