HINDI KO ALAM KUNG paano ako nakauwi matapos ng mga sinabi ni Quentin. Tulala ako hanggang makarating ng bahay. I didn't know what should I believed in. I didn't know if he was telling the truth.He was saying that Anya was always playing the victim and liked manipulating the people around her. However, from what I knew about her, she wasn't that kind of person.
Siya 'yong taong palaging inaaway at hindi ko siya kailanman nakitang lumaban. So how the hell was she capable of being the villain?
Mula sa pagkakatulala sa pader ay nagbaba ako ng tingin sa kaniyang diary. Napahinga pa muna ako nang malalim bago ito binuklat at pinuntahan ang naiwan kong pahina sa pagbabasa.
My lips parted a little when I saw my name written in there.
So for today, I wanna talk about something lighter and positive naman. Kasi parang puro rant na lang yung mga recent entries ko rito e.
Okay. So I have this classmate who's very nice. He's a cute guy, as well. He's very different from all of my classmates because he's always so kind and calm. In short, a major "green flag". An ideal type, I must say. His name is Hugh Evans Lagdameo. Hindi ko masabing close kami kasi hindi ko alam kung itinuturin niya ba akong friend. Pero marami-rami na rin naman kaming interactions. Too bad that most of that interactions were because of my misfortunes. Kapag kasi nabu-bully ako, dumadating siya para tulungan ako. O kaya naman, kapag nakikita niya akong mag-isa o malungkot, lalapitan niya ako at kakausapin.
Basta, ang bait-bait niya! Siguro kung type ko lang siya, I might have fallen for him already. But he's not my type kasi e. I like bad boys and broken guys, and he's very different from that. He's just too good to be true and I don't deserve him.
Bahagyang nangunot ang noo ko at wala sa sariling napanguso. I wasn't your type pala ah. E 'di . . . okay.
Anyway, kanina nagkasabay kami sa paglalakad pauwi. Nakakahiya pa kasi akala ko sinusundan niya ako. Ang assumera ko, nakakahiya talaga! Hindi ko naman alam na doon din pala 'yong daan niya pauwi.
Napakurap-kurap ako at biglang may naalala. I think I knew what she was talking about here.
"Sinusundan mo ba 'ko?"
Nahinto ako sa paglalakad nang biglang tumigil si Anya at hinarap ako. Her innocent face was a bit suspicious. Brows were touching a little and her eyes were squinting.
I immediately shook my head as I answered. "Hindi ah. Dito rin ang daan ko pauwi e."
It was a quiet street full of trees and lots of bungalow houses. It always looked clean and peaceful. I usually took this way when I wanted a shortcut or if I hadn't brought my car. Hindi ko naman alam na dito rin pala dumadaan si Anya. Napagkamalan pa tuloy akong stalker.
"Ah. G-ganoon ba." Tipid siyang tumango. "Sorry."
Magaan akong ngumiti. "It's alright." Sinulyapan ko ang lalakaran naming daan bago siya muling tiningnan. "Dito ka ba sa street na 'to nakatira?"
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang sinasagot ako. I took it as an invitation for me to walk beside her. It was a very solemn street -- might as well have a companion while walking.
"No. I'm living in the street next to this. Ikaw, taga rito ka ba?"
Isinuksok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng aking pantalon. "Hindi rin. Dumadaan lang ako rito kapag hindi ko dala ang sasakyan ko. Shortcut kasi 'to papunta sa 'min e."
Tumango-tango siya. Nagbaling ako ng tingin sa kaniya at iyon na naman ang nakayuko niyang ulo habang naglalakad. Animo'y sobrang nakakahatak-atensyon ang lupang dinaraanan niya at titig na titig siya roon. She didn't really like having an eye contact with people, I guessed. She had always been like this.
So timid. So quiet. Awkward. But adorable, too.
"Naglalakad ka lang ba palagi pauwi?" tanong ko para naman may mapag-usapan. Kasi parang kapag hindi mo 'to kinausap, hindi 'to magsasalita buong magdamag.
"Minsan. Minsan din sumasakay ako ng tricycle kapag tinatamad akong maglakad."
"Ako rin, minsan lang naman maglakad. Kapag lang hindi ko dala ang sasakyan ko. Next time if you want, you can ride with my car. Tutal pareho lang naman tayo ng dinadaanan."
Sinilip ko ang mukha niya upang makakita ng reaksyon. She was slightly biting her lower lip as her cheeks were starting to get red.
"No, thank you. Nakakahiya," she said in a small voice.
I chuckled. "Ba't naman nakakahiya? Okay nga 'yon e. Para may kasabay na rin akong umuuwi."
Umiling siya. "Kaya ko naman ang sarili ko. 'Tsaka . . . marami ka namang kaibigan na puwede mong makasabay pag-uwi."
Maikli akong natawa. "Iba naman ang daan nila e. 'Tsaka may sari-sarili silang sasakyan."
Hindi na siya sumagot at bumuntonghininga na lang bago huminto sa paglalakad. Huminto rin ako sa paglalakad at saka niya ako hinarap.
"Dito na 'ko." Itinuro niya ang isang mababang bahay sa likod niya. "Uhm . . . ingat sa pag-uwi."
Sandali kong pinagmasdan ang tinitirhan niya. Mababa lang 'yong bahay pero maayos naman ang itsura. Mukhang maluwag din naman sa loob.
Tumango ako. "Sige. See you."
Nanatili siya sa harap ko at nanatili rin ako sa harap niya. Para siyang may hinihintay na gawin ko at ganoon din ako sa kaniya. Ilang sandali ay kumawala ang mahinang tawa sa bibig ko. Bahagya siyang napanguso.
"You go inside your house first, Anya."
Her lips twisted. "Okay."
Agad na siyang tumalikod. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya ay lumingon ulit siya sa akin at isang beses na kumaway gamit ang tila nahihiyang kamay. I smiled and waved at her, too. When she finally got in, that's when I continued walking.
Biglaan kong naisara ang diary ni Anya nang may marinig akong kaluskos sa may bintana ng aking kuwarto -- sa bandang itaas ng punong nakabungad sa mismong bintana.
Tumayo ako mula sa study table at mabilis na nilapitan ang bintanang nakabukas. Katamtaman lamang ang hangin kung kaya't naisip ko na baka kaluskos lang ng mga dahon ang narinig ko. Pabalik na sana ako sa study table nang may maaninag na gumalaw sa gitna ng kumpol ng mga dahon ng puno.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakaitim at nakasombrero na nagkukumahog na bumaba mula sa puno.
"Hoy!" tawag pansin ko rito. "Anong ginagawa mo d'yan?!"
Mas lalo siyang tila nataranta. Bagama't hindi ko nakikita ang mukha nito dahil madilim na ang kapaligiran at natatakpan pa ito ng sombrerong suot, nalaman kong lalaki ito dahil sa hubog ng katawan.
Dali-dali akong lumabas ng aking kuwarto at bumaba hanggang sa nanakbo ako palabas ng aming bahay. Nakababa na ng puno ang lalaki at mabilis nang tumatakbo palayo sa may amin.
"Hey!" tawag ko habang hinahabol ito. "Who the fuck are you!"
Tuloy-tuloy na sana ang paghahabol ko kung hindi lang may humintong sasakyan sa harap ko na muntik pa akong masagasaan. I got so distracted by its lights and deafening beep sound that when I lifted my eyes again on the road, the unknown man got vanished into thin air.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hindi ko alam na may nagbabasa rin pala nito kaya hindi ko gaanong ina-update. Aside from I'm busy with work, I thought that no one's waiting for updates kaya sabi ko ia-update ko lang siya every time may free time ako.
So here it is. I don't know kung kailan ang susunod na update but thank you so, so much kung hindi n'yo sukuan ang story na 'to :>
BINABASA MO ANG
Anya Loris Was Fine That Night
Mystery / ThrillerHugh Evans Lagdameo's boring and non-purpose life suddenly becomes thrilling and chaotic when one of his blockmates, Anya Loris, was found dead on a gloomy Monday morning. Nakasama at nakausap niya pa si Anya, dalawang araw lamang bago ito natagpuan...