Chapter 4

93 15 1
                                    


NGAYONG ARAW NA ILILIBING si Anya. Usap-usapan pa rin sa buong La Rida ang tungkol sa pagkamatay niya. It was funny because some people never even cared about her existence, but now that she's dead, they suddenly showed interest.

Mga hipokrito.

Hindi ko na dinaluhan ang huling subject ko. Agad akong umalis ng unibersidad at nagmaneho patungo sa sementeryo. Nakasuksok ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko habang lumalapit pa nang kaunti sa iilang taong nakikipaglibing.

Napatingala ako sa kalangitan. Makulimlim na dahil pasado alas-singko na ng hapon. Medyo mahingin din sa paligid na tinatangay ang mga tuyong dahon sa kung saan-saan.

Huminto ako sa paglalakad at nanatili na lang sa pinakalikod. Sa pinakaharap ay kita ko ang isang pari bago ko inilibot ang tingin sa kakaunting tao na dumalo. Bilang lamang sa kamay. Wala pa nga yata sa sampu.

Nang matapos ang libing, pinagmasdan ko ang iilang kamag-anak ni Anya. Ayon kay Anya noon, ang tita niya ang nagpalaki sa kaniya pero ramdam niyang hindi naman siya nito itinuturin na pamilya. Kung iturin daw siya nito ay utusan lamang.

"Wala namang pakialam sa 'kin 'yong tita ko, e. Galit din kasi 'yon kay Mama dahil... malandi raw at kung kani-kaninong lalaki pumapatol. Mas lalo siyang nagalit noong umalis na lang ito bigla at iniwan ako sa kaniya. Hindi niya na nakita ulit si Mama. Wala na siyang pakialam kung patay na ba ito o patuloy pa rin sa paglalandi."

Alalang-alala ko pa ang ikinuwento sa akin noon ni Anya isang araw. Hindi ko inasahan na magbubukas siya ng paksa tungkol sa pamilya niya. Natanong ko lang naman kung sinong nagpapaaral sa kaniya.

"Noong tumuntong na ako ng kolehiyo, pinalayas na ako ni Tita sa bahay nila. Binigyan niya naman ako ng pera para makahanap ako ng mauupahang. Pinag-aaral pa rin naman niya ako pero minsan, wala siyang allowance na naibibigay." Buntonghininga siyang ngumiti. "It's fine, though. Hindi rin naman ako magastos. Napagkakasya ko naman kahit papaano ang perang ibinibigay niya."

"But I believe you need more?" komento ko. "Wala ka pa namang trabaho at magastos ang pag-aaral sa kolehiyo."

Nilingon niya ako at pilit akong nginitian. "At least, mayroon pa rin siyang naibibigay. May dapat pa rin akong ipagpasalamat kay Tita."

Nagtagal ang titig ko sa isang ginang na nanatili sa harap ng puntod ni Anya. Siguro'y iyon ang tita niya. Base na rin sa iilang pagkakahawig nila ni Anya. Hindi ito umiiyak. Tulala lang ito sa puntod ngunit mababakas ang lungkot sa ekspresyon. Maga rin ang mga mata at tila hindi nasuklay ang buhok.

"Ma, tara na," aya ng isang lalaki na mukhang kasing edad ko lamang.

Lumingon ang ginang dito at marahang tinanguan. Pinanood ko ang unti-unting pag-alis ng mga tao. Sa katunayan, wala ako ni isang nakita na umiiyak. Muli ko namang nabisita sa aking utak ang kaisipan na talaga bang hindi man lang naging importante si Anya sa kahit na sino?

Kasi sa akin, naging importante siya... kahit sandali.

Tuluyang lumisan ang bawat taong nakipaglibing hanggang sa tanging ako na lamang ang natira. I walked closer towards Anya's grave and stand in front of it. As I stared on it and as I stayed there longer, I couldn't help but wonder again what happened to her.

I was with her that Friday night. She was perfectly fine. She smiled a lot. She laughed.

Tila walang ibang bumabagabag sa kaniya.

Unti-unting nagdikit ang mga kilay ko at mas lumalim ang titig sa puntod.

Wala nga ba?

Gumala ang mga mata ko -- biglang napaisip. Biglang bumalik ang isipan ko sa gabing huli kong nakasama si Anya.

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon