Chapter 6

70 13 1
                                    


KATULAD NG INAASAHAN AY sarado ang pinto ng inupahang bahay ni Anya. Naghanap ako ng paraan kung paano makakapasok. Nilibot ko ang labas ng buong bahay hanggang sa makakita ako ng mababang bintana sa gilid. Sa tantiya ko'y mukhang kakasya naman ako roon.

I roamed my eyes around to double check if there was no one seeing me right now. Aside from the trees dancing and leaves swaying, I didn't see anyone. Nang masigurong walang nakakakita ay pumulot ako ng isang malaking bato at binato ang salaming bintana.

Kaagad iyong nabasag at pinagtatanggal ko na lang ang mga natira sa gilid-gilid gamit pa rin ang bato. Hindi na ako nag-alinlangan pa. I crouched and entered my left foot first before I slid my body inside. When I finally got in the house, my eyes instantly scanned every corner of it.

Madilim ngunit kita ko pa rin ang iilang kagamitan dulot na rin ng pagtama ng street light sa labas dito sa loob. Dinukot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon at binuksan ang flashlight n'on. Hindi ko pupuwedeng buksan ang ilaw ng bahay dahil baka mamaya ay may mapadaan at magtaka kung bakit bukas ang ilaw ng inuupahan ni Anya e wala naman nang nakatira roon.

Natapatan ng flashlight ang sofa sa living room. Mula roon ay inangat ko ito hanggang sa makita ko ang TV at isang aparador. Ilang hakbang mula sa sala ay ang kusina. May maliit na hapagkainan, lababo, at iilang kasangkapan. Naisip ko tuloy kung hindi ba nagpunta rito iyong kamag-anak ni Anya nang malaman ng mga ito na wala na siya? Didn't they have any plans of getting Anya's things?

I walked towards a door I saw near the kitchen. It wasn't locked, so I easily got to open it right away. I slowly opened the door and the first thing I saw was a bed. Unti-unti akong pumasok. Iginala ko ang mga mata ko pati na ang flashlight. May dresser sa gilid at katabi nito ay isang malapad na cabinet.

Lumapit ako sa dresser at tiningnan ang mga naroon. Bukod sa relo at iilang pamababaeng kagamitan, nakapatong rin doon ang isang notebook. Nag buklatin ko ito at tingnan ang laman ay natanto kong notebook niya ito sa isa sa mga subject namin kaya hindi na ako nagtagal doon.

Lumipat ako sa katabing cabinet at binuksan iyon nang walang pag-aalinlangan. Binungaran ako ng mga damit ni Anya at nanuot din sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng cologne na gamit niya parati. My jaw clenched a little as I felt a slight pang in my chest.

These were Anya's clothes and the familiar smell of her felt like she was still here. But who the fuck was I kidding? She's dead. The only thing left about her was her group of clothes right in front of me and that familiar sweet scent of her that I would always want to remember for the rest of my life.

Napabuntonghininga ako at inilingan na lamang ang sarili. Tahimik akong naghalughog sa cabinet upang tingnan kung mayroon bang gamit doon na puwede kong maikonekta sa nangyari sa kaniya. Nagpunta ako rito para maghanap ng maaaring dahilan ng pagkamatay niya o kung may makikita ba akong ebidensya na makapagsasabi kung may mas malalim pa siyang koneksyon kina Corinne at Quentin bukod sa pagiging magkakaklase lamang.

Wala akong ibang nakitang kahina-hinalang gamit sa cabinet. Puro mga damit lang ang naroon kaya isinara ko na rin. Pumihit ako at naglakad naman palapit sa bedside table na katabi ng kama. Tanging lampshade ang nakapatong doon. May dalawang drawer at nagbaka sakali akong may maaari akong makita roon kaya binuksan ko na.

Sa unang drawer, may ballpen, sunglass, at bracelet akong nakita. Pinulot ko ang gintong porselas at pinagmasdan ito nang maigi. Simple lang ito ngunit sa pinakagitna ay may nakaukit na "Sage". Sandali akong napaisip. Pamilyar. Parang narinig ko na itong binanggit sa kung saan.

Nagkibit-balikat na lamang ako dahil ayaw ko na munang matagalan sa pag-iisip. Ibinalik ko ang porselas sa drawer at binuksan ang pangalawa. Iisang bagay lamang ang nakita ko roon.

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon