Chapter 5

87 12 4
                                    


"SIR, GABI NA HO. Bakit narito pa kayo?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa taong tumapik sa aking balikat kaya agad ko itong nilingon. Nabungaran ko ang isang unipormadong security guard na may hawak na flashlight.

"Aalis na rin po ako, Manong," sagot ko.

Tumango ito at luminga-linga sa paligid. "Madilim na. Bakit ka pa nagpapaabot ng gabi rito sa sementeryo?"

Napakamot ako sa aking batok. "Pasensya na, boss. Nakipaglibing ako kanina at nagtagal lang ako rito nang kaunti."

Wala naman na itong sinabi at hinayaan na akong makaalis. Tila rin ako nakahinga nang maluwag dahil akala ko naman ay kung sino nang naroon. Sekyu lang pala.

Dumiretso na ako sa aking sasakyan at minaniobra ito paalis. Habang nagmamaneho ay hindi nagbago ang mga tumatakbo sa isipan ko. Ganoon pa rin. Hindi na nawala ang mga tanong sa aking utak tungkol sa pagkamatay ni Anya. Mga tanong na hindi ko alam kung kailan mabibigyan ng kasagutan.

Ngunit... paano nga ba mabibigyan ng kasagutan ang mga iyon kung hindi ko aalamin?

Walang mangyayari kung patuloy lang akong ganito na isip nang isip kung ano maaari ang nangyari.

I needed to do something. I needed to find it out myself.

Kung tama ang kutob ko na noong gabi ng Biyernes namatay si Anya, kailangan kong malaman kung sino ang pumaslang sa kaniya at bakit nito ginawa iyon.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang salarin. Bumabagabag din sa isip ko kung sino iyong panay ang tawag sa cellphone ni Anya noong gabing iyon at kung bakit mukha siyang kabado tungkol doon.

Kailangan kong malaman! Wala akong pakialam kung hindi kami naging ganoong kalapit ni Anya sa isa't isa para mangialam ako nang husto sa pagkamatay niya. Basta't gusto kong malaman!

Natagpuan ko ang sarili kong ipinaparada ang sasakyan sa harap ng istasyon ng pulis. Mabilis akong pumasok doon at naghanap ng pamilyar na mukha. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad iyong pulis na siyang naroon sa tabing ilog nang matagpuan ang bangkay ni Anya.

Naroon ito sa lamesa nito -- tahimik na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Bago ako lumapit ay napagmasdan ko sandali ang istasyon ng mga pulis. Hindi ganoong kaliwanag ang ilaw sa buong paligid ngunit sapat naman na upang makakita. Medyo maingay dahil may naririnig akong tila nag-aaway sa kung saan. Lumingon ako at sumilip sa isang masikip na pasilyo at doon ko nakita ang mga rehas. Mukhang doon nanggaling iyong away.

"Anong maipaglilingkod ko sa 'yo, pogi?"

Pasimple akong napalunok bago dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya. I still felt a little bit hesitated and I wasn't even sure if he would allow me to know some information about Anya's case. Nevertheless, I still wanted to try.

"Magtatanong lang po sana ako ng kaunting impormasyon tungkol sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Anya Loris."

Nabitin sa ere ang balak niyang paghigop sa tasa ng kaniyang kape. Tumitig siya sa akin nang ilang segundo na para bang may nasabi akong hindi maganda. Ilang sandali ay humagalpak siya ng tawa sabay baba ng diyaryo at tasa sa kaniyang lamesa.

Napailing-iling pa siya at sinapo ang pisngi -- tawang-tawa pa rin. Nanatili akong nakatayo roon na nangungunot ang noo at nakakaramdam na ng inis.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Natatandaan kita, e. Ang sabi mo, kaklase ka lang n'ong biktima," aniya na bakas pa rin ang pagkakatuwa sa ekspresyon. "O, e anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagtatanong? Kaklase ka lang, 'di ba?"

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon