Chapter 8

69 12 1
                                    


I KNEW IT'S WRONG to stalk someone and to invade their privacy, but right at this moment, I badly needed answers. I was desperate in finding the truth about Anya's death. Lahat ng taong sa tingin ko'y involved sa pagkamatay niya, iimbestigahan ko nang pasikreto.

Nagtago ako sa isang puno nang huminto sa paglalakad si Quentin nang may makasalubong na kakilala. Ilang segundo pa ang pinatagal ko bago ako sumilip upang tingnan kung tapos na silang mag-usap. Nagsimula na ulit maglakad si Quentin matapos tapikin sa balikat ang kakilala. Nagpatuloy na rin ako sa paghakbang upang sumunod.

Ang akala ko noong una ay may dinadala siyang sasakyan sa pagpasok ngunit naglalakad lang pala siya. Hindi ko alam na malapit lang pala ang bahay niya mula sa unibersidad.

Muli akong nagtago -- sa pagkakataong ito ay sa isang poste na. Sumilip ako nang kaunti at nakitang pinagbuksan siya ng pinto ng isang ginang na sa tingin ko'y nanay niya. Nang tuluyan siyang makapasok at sumara ang pinto, mabigat na lamang akong napabuntonghininga.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagsunod kong ito kay Quentin. Magmamatiyag ba ako rito buong araw? May mahihita ba ako kung sakali?

Pinagmasdan ko ang may kalakihang bahay nina Quentin. Medyo may kalumaan na ito ngunit hindi maipagkakaila na mukhang may kaya ang mga nakatira. Dito pala siya umuuwi. Akala ko ay nakabukod na siya o doon pa rin siya nakatira sa condo na sinasabi ni Anya sa diary.

Ilang sandali ay napaatras ako at itinago nang mabuti ang katawan sa likod ng poste nang bumukas ang pinto ng bahay nila. A woman and a man who were probably in their 50s stepped out of the house. They were wearing formal attires as they graced their way towards an SUV that was parked just in front of their house.

Tahimik kong pinanood na umalis ang SUV hanggang sa unti-unti itong lumiit sa paningin ko. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa bahay. Napakamot ako sa aking ulo nang mapagtantong wala akong mapapala sa pagtayo lang rito at pagmamatiyag. Kailangan ko muna sigurong pagplanuhan ang mga susunod kong hakbang para naman hindi lang ako nakatunganga rito at hindi alam ang gagawin.

Hahakbang na sana ako upang tuluyang umalis nang makita kong bumukas muli ang pinto. Muli akong napatago sa poste nang makita kong lumabas si Quentin. Mukhang may lakad dahil pormadong-pormado. Nakaitim na maong, t-shirt, at denim jacket. Nagtungo siya sa puting sasakyan na nakaparada rin sa harap ng bahay nila.

An idea suddenly popped in my head when he started to drive away. Quentin and his parents were all not home right now. Kung may mga kasambahay man sila sa loob, siguro'y madali ko lang namang malulusutan. Mas nakakabahala kasi kung ang mismong mga may-ari ang nasa loob.

Huminga ako nang malalim at nagdesisyon nang lumakad palapit sa bahay. Luminga-linga ako upang tingnan kung may ibang taong nakakakita sa akin ngunit tahimik at maaliwalas ang paligid. Hindi ako maaaring pumasok mula sa main door dahil baka may tao sa loob at makita pa ako. Baka rin sarado iyon.

Nilibot ko ang labas ng buong bahay hanggang sa mahinto ako sa gilid nito. Tiningala ko ang isang bintana na napabayaang nakabukas. Lumalabas ang kurtina mula roon dahil sa hangin. Kung tatantiyahin, hindi naman kataasan iyon. Puwede akong sumampa sa puno at sa bintanang mas mababa rito upang maabot iyon.

Luminga-linga pa muli ako sa paligid upang siguraduhin na walang nakakakita sa akin. Nang makumpirmang ako lang ang nag-iisang tao ngayon dito, dali-dali na akong bumuwelo at tumalon upang maabot ang pinakamababang bintana. Inipon ko ang buong lakas ko upang maisampa rin ang mga paa.

Nang makatapak ako roon ay saka ako napakapit sa malaking sanga ng puno na malapit. Mas napadali ang ginagawa ko dahil mas matibay ang nakakapitan. Mula sa pagkakakapit ko sa sanga ay inabot ng paa ko ang bintanang nakabukas. Muntikan ko pa itong hindi maabot ng kamay ko ngunit mabuti na lang ay mabilis din akong napakapit.

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon