Chapter 10

117 13 8
                                    


SANDALI AKONG NAPAKO SA aking kinatatayuan habang ramdam pa rin ang matulis na dulo ng kutsilyo sa aking tagiliran. Hindi ko makita kung sino ang tumututok sa akin dahil nasa likod ito.

Wala sa sariling napakuyom ako ng kamao at sa isang mabilis na galaw ay umikot ako't hinuli ang palapulsuan nito at agad na inagaw ang maliit na swiss knife mula sa kaniya. Akma ko siyang bibigyan ng sapak nang matigilan ako.

"Kalma, p're! Ako 'to!" Bahagyang gulat ang ekspresyon ni Quentin habang bahagyang nakataas ang mga kamay na tila pinipigilan ako.

Nagdikit ang mga kilay ko at unti-unting naibaba ang aking kamao ngunit hindi ko binitawan ang swiss knife na itinutok niya sa akin kani-kanina lamang. Dalawang hakbang pa ang ginawa niya paatras at bahagya pa ring nakataas ang mga kamay -- tila nag-aalangan pa.

"Tarantado ka ba? May balak ka bang patayin ako?" iritado kong tanong sa kaniya.

"Kalma, Hugh." Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay ngunit naninimbang pa rin ang ekspresyon.

Nagtagis ang bagang ko at hindi siya nilulubayan ng masamang tingin. Nang ilang sandali pa ang lumipas na walang nagsasalita sa amin, unti-unti siyang natawa. Napapalakpak pa sa sobrang pagtawa. Mas lalo lang akong nabugnot.

Tanginang 'to. Takas mental pa yata 'tong gagong 'to e.

"Hindi naman mabiro 'tong isang 'to!" natatawang saad niya. "Niloloko lang kita, ano ka ba! Ba't naman kita sasaksakin?"

Tumaas ang isang kilay ko at nanatili lang ang seryosong mukha at matalim na tingin sa kaniya. Bahagya muli siyang natawa.

"Unless . . ." he trailed. ". . . ginawan mo 'ko ng masama o may mga bagay kang ginagawa na hindi ko nagugustuhan."

My jaw clenched a little more. He slightly gave me a smirk that turn into laugh once again after a few seconds.

"Joke! Masyado kang seryoso, p're! Hindi hahaba buhay mo niyan, sige ka."

"Inamo," sagot ko at napababa ng tingin sa nakuha ko sa kaniyang kulay pulang swiss knife. "Kung hindi ka papatay ng tao, ano 'to, kung gano'n? Bakit ka merong ganito?"

He sighed and smiled a little. He still looked annoyingly playful and I once again felt the urge to punch him straight in the face.

"For safety purposes lang 'yan," sagot niya. "Ilang beses na akong na-hold-up hanggang sa nagdedesisyon akong bumili ng ganiyan para protektahan ang sarili ko."

Muling kumunot ang noo ko at nagbaba ulit ng tingin sa swiss knife. Maliit lang ito, de-tiklop, at kasyang-kasya sa bulsa ng pantalon.

"Nasanay na akong dinadala palagi kaya ayan, nasa bulsa ko lang."

Medyo pikon pa rin sa kapangahasan niya kanina ngunit unti-unti na akong kumakalma. Palakaibigan ulit siyang ngumiti sa akin.

"Ikaw lang ang mag-isang nakita ko rito sa labas noong lumabas ako. Binibiro lang naman talaga kita. Pasensya na kung napag-trip-an kita."

Dadagdagan pa sana niya ang sinasabi ngunit may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko ay lumalapit na sa amin sina Chase at Darcy.

"Hoy, Hugh! Akala namin umuwi ka na! Buwisit ka, ang tagal mong bumalik!" bulyaw sa akin ni Darcy.

"Oh, Quentin, ano ring ginagawa mo rito sa labas?" tanong naman ni Chase kay Quentin.

Nagkatinginan pa kami saglit. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya habang siya ay medyo natatawa pa rin. "Nag-yosi lang. 'Tapos ayun, bigla kong nakita 'tong si Hugh."

Tumango ang dalawa at aayain na sana akong bumalik sa bahay na pinaggaganapan pa rin ng party ngunit napatigil si Chase. Napatigil din tuloy si Darcy at napababa ng tingin sa tinitingnan ni Chase.

"Puta, p're, ano 'yan?" Chase pointed at the swiss knife I was still holding.

Tamad akong bumuntonghininga at halos ibato pabalik kay Quentin ang swiss knife. "Sa kaniya 'yan. Siya tanungin n'yo."

Muling natawa si Quentin. Tangina, kaunti na lang talaga at masasapak ko na 'tong gagong 'to.

Sinabi rin ni Quentin sa dalawa ang dahilan kung bakit siya may swiss knife. Naintindihan naman agad 'yon ng mga kaibigan ko kaya muli na akong niyaya pabalik sa loob.

"Teka."

Nahinto ulit sa paglalakad sina Chase at Darcy nang tumigil ako. Muli akong tumingin nang seryoso kay Quentin na mapaglaro pa rin ang ekspresyon.

"May gusto lang ako itanong," panimula ko.

Tumango naman siya. Sina Chase at Darcy ay tumutok ang atensyon sa akin.

"May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Anya?" diretsahang tanong ko.

Mula sa mapaglarong ekspresyon ay unti-unting nawalan ng emosyon ang mukha niya. Natulala siya sa akin at ilang segundo pa ang lumipas bago nakasagot.

"Ano?" tila hindi makapaniwala niyang tanong.

"Nasaan ka noong Biyernes ng gabing 'yon? Dalawang araw bago natagpuang patay si Anya?"

Mabilis nang nagdikit ang mga kilay niya. Ang dalawa kong kaibigan ay lito kaming pinagmamasdan.

"Nasa party ako ng kaibigan ko no'n," aniya. "Ano bang pinagsasasabi mo, Hugh?"

Bumigat ang paghinga ko. "Tinatanong ko lang. Dahil isa ka sa tingin kong may motibo para patayin si Anya!"

Nanlaki ang mga mata niya at kinain ng mga paa ang natitira naming distansya. Malakas niya akong itinulak ngunit nagawa kong ibalanse ang sarili ko. Pumagitna sa amin sina Chase at Darcy at pinigilan si Quentin.

"Tarantado ka pala, e! Ba't ako ang pinaghihinalaan mo sa pagkamatay ng isang 'yon? Hindi ako mamamatay-tao!" galit niyang saad.

"May malaki kang galit sa kaniya, 'di ba? Dahil binuhusan niya ng asido 'yong babaeng ipinalit mo sa kaniya?" hindi ko na napigil pa ang bibig ko sa pagsabi ng mga bagay na hindi dapat sabihin.

Natigilan siya roon at gulat akong tinitigan. Napatingin siya sa mga kaibigan ko na para bang narito ang kasagutan sa namumuong tanong sa isipan niya. Naguguluhan lamang kaming pinanonood ng dalawa.

"How the fuck did you know that?!"

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi nila pupuwedeng malaman na nasa akin ang diary ni Anya. Kailangan kong mag-imbestiga nang tahimik.

"N-nakuwento niya sa akin noon," pagsisinungaling ko.

He chuckled sarcastically and shook his head as he averted his gaze. Ramdam ko ang tensyon na lumulukob sa kaniya dahil namumula na ang leeg niya at nag-iigting ang panga.

"Sino ba namang hindi magagalit sa ginawa niyang 'yon?" he spat. "Baliw 'yang si Anya! At kung ano-anong kuwento ang ginagawa niyan para lang lumabas na biktima!"

Kumunot ang noo ko. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magpatuloy.

"Don't tell me you got under her charms and innocence?" He smirked. "Nahulog ka rin sa pagpapaawa ng babaeng 'yon?"

Tahimik kong kinalma ang mas bumibigat na paghinga. "Walang ginagawang masama si Anya. Siya pa nga 'yong laging nabu-bully--"

Bigla siyang natawa. Napailing at dismayado akong tiningnan.

"Sinasabi ko na nga ba't nabilog ka rin ng walang hiyang 'yon." Muli siyang umiling. "Hugh, if you think you know Anya, you're wrong. Kung hindi lang siya namatay, mas makikilala mo pa siya nang lubos at sigurado akong pagsisisihan mo na pinili mong maging malapit sa kaniya."

Tumalikod na siya sa amin ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay lumingon ulit siya. Dumirekta ang mga mata niya sa akin.

"You don't have any idea how many times I thought of killing her because of how evil she was."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ngunit tila kuminang ang mga mata niya sa pagsilip ng luha doon.

"But I didn't . . ." he trailed. ". . . because despite of how cruel she was, I still loved her."

Umawang ang bibig ko at wala nang nasabi pa. Nagpatuloy na si Quentin sa paglalakad palayo at naiwan ako roong punong-puno ng tanong sa utak at kirot sa dibdib.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon