"NATAPOS MO 'YONG TAKE-HOME quiz sa Economics, p're?"Diretso ang tingin ko at tila tumatagos lamang sa kawalan. Kaya ganoon na lamang ang pagtaas ng mga balikat ko nang tapikin ako ni Chase sa likod. Agad ko siyang nilingon.
"Ha?"
He chuckled. Darcy, on the other hand, looked at me weirdly. Sabay-sabay kaming naglalakad patungo sa susunod naming klase.
"Para na namang lumilipad 'yang isip mo, ah?" Bumunghalit pa siya ng tawa. "Ang sabi ko, natapos mo ba 'yong take-home quiz sa Economics?"
"Ah..." Bumuntonghininga ako at napasuklay sa aking buhok. "Oo, natapos ko."
Napasulyap ako sa dalawang babaeng nagkukuwentuhan sa isang gilid nang marinig ko ang pangalan ni Anya. The news about Anya's death spread like wildfire in the university. Kahapon lamang nang matagpuan ang bangkay niya kaya sariwang-sariwa pa ang mga usap-usapan tungkol doon.
Bawat madaanan ko ay iyon ang pinag-uusapan. Maski ako ay naroon pa rin ang isipan magpahanggang ngayon.
Napadaan kaming tatlo sa locker area at awtomatikong bumagal ang aking mga hakbang nang masulyapan ko ang saradong locker ni Anya.
"Bitch! Talagang nananadya ka, e, 'no? Ang kapal ng mukha mo!" Corinne forcefully slammed Anya against her locker.
Napakurap-kurap si Anya at litong-lito tiningnan si Corinne. Nahinto sa paglalakad ang iilang kapwa namin estudyante upang makiusyoso -- kabilang na ako.
"B-bakit na naman ba, Corinne?" nauutal na tanong ni Anya. "Wala akong ginagawa sa 'yo--"
"Liar! There's a fucking dead mouse inside my locker and you're the only one who has a motive of putting that shit in there!"
Nanatili akong nakatayo roon habang pinakikinggan ang pagtatalo nila. Naalala kong inaway ni Corinne si Anya noong isang araw kaya hindi ko ito masisisi kung si Anya ang pinaghihinalaan ngayon. But still, it wasn't right to just point a finger without any proof.
"I didn't do it. I don't know what you're talking about--"
"Napakasinungaling mo talagang babae ka!"
Lumakas ang bulong-bulungan sa paligid nang bigla nitong sabunutan si Anya. Hindi na sana ako makikialam ngunit pati iyong dalawang kaibigan ni Corinne ay sumabunot na rin kay Anya.
Really, three versus one?
Hindi na ako nag-alinlangan pa. Mabilis akong lumapit upang umawat.
"Hey, hey, stop!" Inilayo ko ang dalawang babaeng kaibigan ni Corinne.
Halos napapaupo na si Anya sa lapag dahil ayaw pa ring bitawan ni Corinne ang buhok niya. I held on Corinne's wrists to pull it away from Anya's hair, but it was holding on it tightly.
"Corinne, tumigil ka nga!" saway ko.
Mas diniinan ko ang hawak sa palapulsuhan niya at buong lakas na siyang hinila palayo kay Anya.
"Ano ba! Let go of me!" pagpupumiglas niya. "I will kill this bitch!"
"I said, enough!" my voice boomed.
Pilit niyang inalis ang isang kamay mula sa pagkakahawak ko at galit akong tinitigan.
"What, Mr. Good Boy? Lahat na lang pinakikialaman mo! Huwag kang makisali rito!"
Tinapatan ko ang mariing paninitig niya. Hindi siya nagpatalo at mas lalo lamang dumilim ang ekspresyon. My jaw clenched and looked at her with the same intensity.
"Hindi tamang nambibintang ka na lang ng kung sino, Corinne. At lalo hindi tama na pinagtutulungan n'yo ang isang taong walang kalaban-laban."
She laughed sarcastically -- without any humor at all. I looked at her more sharply.
BINABASA MO ANG
Anya Loris Was Fine That Night
Mystery / ThrillerHugh Evans Lagdameo's boring and non-purpose life suddenly becomes thrilling and chaotic when one of his blockmates, Anya Loris, was found dead on a gloomy Monday morning. Nakasama at nakausap niya pa si Anya, dalawang araw lamang bago ito natagpuan...