Chapter 9

84 9 1
                                    


I REMEMBERED HOW I immediately closed my laptop when a fucking sex video of Anya and Quentin appeared on the screen. I honestly had no idea that the CD only contained that thing. Nagulat ako. Pakiramdam ko pa noong una ay namalikmata lang ako.

I couldn't believe what I've just seen. I've known Anya for being socially awkward, timid, and quiet. I was surprised to see her in that . . . scene. I didn't expect it. Alam kong hindi naman siya perpekto at normal lang namang gawin ang bagay na 'yon, pero . . . hindi ko lang talaga naiwasang magulat.

And Quentin? Fuck that guy. Why did he have a video of them? Alam ba ni Anya 'yon? Alam ba nito na naka-record ang ginagawa nila? Kasi base sa anggulo ng video, mukhang nakatago ang camera sa kung saan. Medyo malayo rin ang direksyon n'on mula sa kinaroroonan nilang kama.

Lumulutang ang isip ko nang pumasok ako sa eskuwelahan kinabukasan. Halos hindi ako nakakapakinig sa mga prof ko dahil segu-segundo yatang pumapasok sa isip ko ang napanood ko kagabi. Naghahalo-halo ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko. May pagkadismaya, kalituhan, at iritasyon na lumulukob sa aking sistema.

"Sa'n tayo kakain?" tanong ni Darcy sa amin ni Chase nang sumapit ang oras ng lunch namin.

Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at nagpatiuna na sa paghakbang. "Hindi ako makakasabay ngayon. May pupuntahan ako."

Parehong kumunot ang noo nila sa akin. "Parang busy ka lagi lately, Hugh. Saan ka ba nagpupupunta?"

Nahinto ako sa balak na paglisan sa classroom nang marinig ko ang tanong ni Darcy. Nilingon ko siya at naabutan ang kuryoso at seryoso niyang ekspresyon. Si Chase ay naghihintay na rin ng sagot ko.

"May kailangan lang akong gawin sa bahay," palusot ko. "Sige na, mauna na ako. Babalik din naman ako sa next subject."

Hindi ko na sila hinintay pang makasagot. Nagtuloy-tuloy na ako palabas ng classroom namin. Wala naman talaga akong importanteng pupuntahan. Wala lang akong ganang kumain. Gusto ko rin munang mapag-isa at isipin ang mga susunod kong hakbang sa pagtuklas kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Anya.

Dinala ako ng mga paa ko sa tahimik at walang katao-taong parke ng La Rida. Hindi ito kalayuan sa La Rida University kaya dito ako madalas tumambay. Wala kasi gaanong tao rito nang mga oras na ito. Tuwing hapon lang dinadayo. Isa pa, madalas kong makita si Anya rito noon.

Naupo ako sa swing at sandaling tumulala sa kawalan. Muling dumaan sa isipan ko ang tungkol sa CD na nakuha ko sa kuwarto ni Quentin. Pumalatak ako at mariing napapikit. Hinampas ko pa ang ulo ko at umiling-iling na para bang magagawa n'ong burahin ang alaala ng video na napanood ko kagabi.

Mabigat akong nagpakawala ng hininga at nagbaling ng tingin sa katabi kong swing.

"Madalas ka rin bang tumatambay rito?" tanong ni Anya matapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

Kumapit ako sa magkabilang railing ng swing at tinitigan siya. Nasa ibaba ang tingin niya. Para bang napakainteresante ng sapatos niya kung tingnan niya ito. Pero kahit na medyo nakayuko, bahagya pa rin akong napangiti dahil kitang-kita pa rin ang ganda niya.

"Hindi masyado, pero madalas akong mapadaan. Nadadaanan ko kasi 'to sa tuwing pumapasok at umuuwi," sagot ko.

Ang totoo niyan, pauwi na sana ako ngunit nakita ko siya rito sa park. Wala naman akong masyadong gagawin sa bahay kaya tumambay na rin ako rito . . . kasama siya.

Napatango-tango siya at nag-angat ng tingin sa akin. Nang madatnan niyang nakatitig ako sa kaniya ay napakurap-kurap siya at muling nagbaba ng tingin. I hid my small smile and suppressed myself from teasing her.

"Kung gano'n . . . pauwi ka na ba? Bakit ka pa pumunta rito?" tanong pa niya.

I shrugged. "Wala lang. Wala rin naman akong masyadong gagawin sa bahay 'tsaka . . . mukha lang naman ng Papa ko ang makikita ko ro'n. Nakakasawa."

Unti-unti siyang nag-angat ulit ng tingin sa akin. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya at bahagyang pagdiin ng tingin. Umawang pa ang bibig ko nang bahagya dahil parang ngayon ko lang siya nakitang medyo masama ang tingin. Para tuloy akong namangha.

"Bakit ka naman nagsasawang makita ang Papa mo?"

Mabigat akong napabuntonghininga at tamad na napaiwas ng tingin. "Mahabang kuwento. Let's just say na . . . hindi kami nagkakasundo sa lahat ng bagay."

Her lips twisted a little as she moved her eyes to the side as if she just thought of something else.

"It's normal for parents and children to have misunderstandings." Tipid siyang ngumiti sa akin. "And he's still your father."

Pansin ko ang bahagyang paglungkot ng mga mata niya kasabay ng muli na namang pagyuko. Malalim siyang napahinga.

"Buti ka nga may tatay pa," she added in a sad tone.

*****

"Sige na, p're, sumama ka na! Para ka namang others!" pangungulit pa sa akin ni Chase.

Tapos na ang klase namin para sa araw na ito at narinig ko sa isa sa mga ka-block namin na iniimbitahan kami nito sa house party niya. Birthday raw ngayon.

"Tinatamad ako. Wala ako sa mood mag-inom," sagot ko.

"Parang gago. Minsan na nga lang tayo magwalwal!" pangungunsensya pa ni Darcy.

"Kaya nga!" gatong ni Chase. "Invited ang buong block, oh."

Nilingon ko ang mga kaklase namin na sasama sa house party. Excited silang lahat at kaniya-kaniya nang punta roon. Nagawi ang mga mata ko kay Quentin na nakikipagtawanan sa magpapa-house party ngayon. Bahagyang umigting ang panga ko nang maalala na naman ang natuklasan kong CD.

Napabuntonghininga ako at muling nagbaling ng tingin sa dalawa kong kaibigan. "Sige na nga, tangina. Pero hindi rin ako ako magtatagal, ah."

Alas sais pa ng gabi ang start ng party sa bahay ng mga birthday naming kaklase kaya nagsiuwian pa muna kami nina Chase at Darcy. Nagpahinga ako saglit sa bahay at nang sumapit ang 6:30 ng gabi ay nagtungo na ako sa party. Naroon na sina Chase at Darcy at tuwang-tuwang nang makita akong sumipot.

Agad nila akong binigyan ng alak at nakipagkuwentuhan na rin ako sa iilan pa naming kakilala. Malapit ko nang maubos ang alak sa pulang baso na iniinuman ko nang mamataan ko si Quentin na lumabas ng bahay. May umahon na namang iritasyon sa dibdib ko. Para bang sa tuwing makikita ko na siya ay awtomatiko nang mabubugnot ako. Tangina, ewan ko ba.

Tuluyan kong inubos ang laman ng baso bago ito inilapag sa pandak na lamesa sa harap namin. Tumayo ako mula sa sofa na kinauupuan katabi sina Darcy at Chase at iilan pa naming kaklase.

"O, huwag mong sabihing uuwi ka na?" Tiningala ako ni Darcy.

Umiling ako. "CR lang ako."

Ilang segundo niya pa akong tinitigan na parang nagsususpetiya bago siya dahan-dahang tumango. "'Ge. Bumalik ka agad."

I chuckled. "Tss. Clingy."

Nagtawanan ang mga kaklase namin sa narinig mula sa akin. Amba pa akong sasapakin ni Darcy ngunit mabilis na akong nakalayo roon.

Hindi ako sa CR nagpunta kagaya ng alibi ko kay Darcy. Lumabas ako ng bahay upang sundan sana si Quentin ngunit hindi ko siya nakita. Umikot pa ako sa buong kabahayan ngunit wala talaga. Baka umuwi na 'yong gago.

Babalik na lang sana ako sa loob ng bahay ngunit natigilan ang mga paa ko sa balak pang paghakbang kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang pinakikiramdaman ang matalas na tip ng kutsilyo na nakatutok sa aking tagiliran.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon