Chapter 2

146 20 1
                                    

Just in case some of you are confused: Hugh is pronounced as "you"/"yu".

Additional info as well, this story will have a present-flashback-present routine. I'll try my very best to make every transition as smooth as possible ^_^

----------

ANYA'S DEAD BODY WAS still vivid in my head as I walked through the corridors of our university. Tulala ako at animo'y wala sa sarili. Diretso ang tingin sa kawalan at mabagal ang paglalakad -- tila walang patutunguhang direksyon.

Nahimasmasan lamang nang kaunti ang diwa ko nang bulabugin ng bell ang pandinig ko. Napakurap-kurap ako at nilingon ang paligid. Nagmamadaling mga estudyante ang bumungad sa akin. Mga patungo sa kanilang-kanilang mga klase.

I looked down on my wrist watch to check the time. It was already 8:15 AM. Late na ako ng kinse minutos sa unang klase ko. Mabigat akong napagkawala ng buntonghininga at napahilamos sa aking mukha. Pasimple ko pang sinampal ang pisngi para magising ang wala sa sarili kong diwa.

Pagpasok ko sa room ng unang major subject ko para sa araw na ito, gulat pa akong makita na wala pa ang prof namin sa lamesa nito. I strutted towards my seat and immediately went back staring at nothingness. My eyes then got focused on Anya's permanent seat for this class which was only placed right in front of me.

Kagaya ng inaasahan... bakante iyon.

Tumagal ang pagkakatitig ko rito hanggang sa muli na namang nanumbalik sa utak ko ang bangkay ni Anya na nakita ko kanina sa tabing ilog. Bangkay ni Anya na may tama ng saksak sa mismong dibdib. Bangkay ni Anya na may mga pasa at galos sa mga braso't hita.

Naputol lamang ang paninitig ko sa armchair ni Anya sa harap ko nang pumasok ang prof namin sa silid.

"Class, you have a new blockmate. She's a transferee from another city." Our prof, Ms. Morendo lightly pulled the girl trailing behind her. "Introduce yourself to the class, Anya."

Isang babaeng sa tingin ko'y kasing edad lang naming lahat ang nahihiyang ngumiti sa amin. Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. She had a long, brown wavy hair. She was a bit thin and got an average height. Her skin was kinda pale -- almost paper white.

Maliit ang kaniyang mukha at maganda ang hubog ng mga kilay at may kakapalan. Makurba ang mga pilikmata na bumagay sa mulat, bilugan, at kulay abong mga mata. Ang ilong ay matangos na maliit habang ang mga labi ay natural na mapupula at may kakapalan.

Sa unang tingin, maiisip na agad ng ibang tao na may lahi siyang foreigner. Hindi siya mukhang purong Pilipino.

"Uh... h-hi," rinig ko ang kaba sa kaniyang boses. "I'm Anya Dyan Loris. I'm eighteen and I live just a few blocks away from here. Uh...n-nice to meet you!"

Isang nahihiyang ngiti pa ulit ang kumurba sa mga labi niya bago siya yumuko at hindi na nag-angat pa ng tingin. Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ang iba'y nagbubulungan 'tapos ay mayâ-mayâ ay bubungisngis na para bang may katawa-tawa. Ang iba ay nakatingin lang sa bago naming kaklase habang tila mga nagpipigil ng tawa.

"Ganda sana kaso mukhang weirdo."

Nilingon ko si Darcy sa likod ko nang marinig ko siyang nagsalita. Maikli siyang tumawa.

"Ano, Hugh? Maganda, 'diba? Kaso mukhang engot," dagdag pa niya.

"Gago. Nananahimik 'yong tao," sagot ko.

Napatingin din ako kay Chase nang tumawa siya kasabay ni Darcy.

"Sus. Ito na naman si Mr. Hugh "always the good boy" Lagdameo," pang-aasar niya sa akin.

Anya Loris Was Fine That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon