Bardagulan Squad
8:15 pm
Cassy:
Nagbabalik na yung forever ko😭😭😭😭😭
Hein:
Alam ba niya na forever mo siya?
Cassy:
Syempreeeee
Hein:
Ano?
Cassy:
Hindii! Dzuuhh!
Misty:
The who? Sino ang nagbabalik?
Cassy:
Si Russ Terence Savardo😍😘
Daryl:
Oh? Kilig ka diyan, akala mo naman bibigyan ka ng pasalubong.
Guilbert:
Bawal ka daw kiligin Cassy, nagseselos si Daryl.
Daryl:
Ulol, putangina mo corny mo maging kaibigan.
Hein:
Napaka torpe mo naman kasi, Daryl. Ayaw naming mga babae yan.
Misty:
Yeah, mas gusto namin kapag may kayang patunayan.
Daryl:
Ano namang papatunayan ko kay Cassy? Dun na siya sa itlog na Russ na yun.
Misty:
Don't you itlog itlog my Rust baby!
Cassy:
Ako ang nauna, Misty😃.
Misty:
Ikaw ang nauna, pero hindi ang mahal.
Hein:
Excuse me, ako yung nagpakita sa inyo nung picture niya kaya niyo siya naging crush. So technically, ako ang nauna.
Guilbert:
Aanhin ang pagiging una kung pwede namang maging huli?
Misty:
So okay, sa inyo na muna si Rust for now. For now.
Cassy:
Hindi ba pareho kayo ng Agency, Mist? Hindi mo ba siya nakikita doon?
Misty:
Hindi pa, kababalik niya lang din kasi. Dagdag pang hinahanap ko parin ang ID ko, kailangan ko yun para maka-enroll ako. Awat muna ako sa kaka-prioritize ng modelling career ko.
Daryl:
Kung hindi mo mahahanap, try mo na lang kausapin ang department na paenroll-in ka kahit wala kang dalang ID.
Hein:
Kaso bawal talaga ang walang ID diba? Yes, magiging invalid na siya kasi ibang year naman na tayo, pero kasi iyon ang patunay na doon tayo nag-aaral. Alam niyo namang strict pagdating sa rules and regulations ang school.
Guilbert:
Yeah, ipinagbabawal kasi talaga ang outsider sa loob at kahit sa perimeter ng school para ma-ensure na walang mangyayaring gulo.
Misty:
Kaya nga sabog na ang ulo ko kakaisip pano makakabalik sakin ang ID ko. Baka hindi na ako maka-graduate kung kailan 4th year na ako😭😭.

BINABASA MO ANG
Together With You
RomanceEpistolary: Artist Series #1 Russ Terence Savardo @silencioux_reveur Started: August 6, 2021 Finished: June 20, 2022 Russ Terence Savardo shoulder the weight of his past experiences. Allowing time to help him forget about his painful past. But with...