Lugar para sa mga Dyosa
Today, 7:36 pm
Cassy:
Woi, nakakaurat yung Prof namin kanina. Na-late lang ako ng isang minuto may deduction na ako kaagad sa Quiz!
Hein:
Ganyan naman ang mga Prof ah. Yung akin nga kanina nahuli yung kaklase kong nagamit ng calculator, ayun pinapunta sa Discipline's Office, dinagdag pang zero na kaagad siya sa test na over 100.
Misty:
Buti ako lagi akong on-time. Kaya kayo, ayusin niyo. Mahirap na umulit pa tayo ngayong last year na lang natin.
Cassy:
Kaya nga nakakahanga ka, may trabaho ka after school hours pero achiever ka parin.
Misty:
Nahihirapan din naman ako syempre, pero ayokong isipin pa ang hirap.
Handa akong kayanin ang lahat para sa pangarap ko.
Hein:
Btw Misty, malapit na ang birthday mo.
Nagyayaya ang boys ng party para macelebrate ang birthday mo.
Pagsang-ayon mo na lang ang kulang.
Misty:
Titignan ko pa kung may sched ako sa araw ng birthday ko. Baka kasi busy din sa school.
Cassy:
Okay ka naman na sa kanila diba?
I mean alam kong malaki yung misunderstanding niyo pero ayos naman na ba?
Hein:
Yeah, Misty ayos na ba?
Kasi kung hindi pa, pwede kang tumanggi.
Huwag mong isiping bawal, depende parin sa kung anong gusto mo.
Misty:
Okay naman na yun.
Nangyari na.
Pero syempre hindi ko parin nakakalimutan. But if ever na free ako, pupunta ako.
Gusto ko rin silang makausap, alam kong may mali rin ako.
Cassy:
So, all is set! Sana free ka!
BINABASA MO ANG
Together With You
Roman d'amourEpistolary: Artist Series #1 Russ Terence Savardo @silencioux_reveur Started: August 6, 2021 Finished: June 20, 2022 Russ Terence Savardo shoulder the weight of his past experiences. Allowing time to help him forget about his painful past. But with...