News Alert
Good day, everyone.
I am Russ Terence Savardo o mas kilala niyo bilang Rust Savardo.
Sa mga dumaang araw, palagi kong nakikita na marami parin ang nagsship sa amin ni Monique Sotto, opo may bago po kaming movie na pagbibidahan.
Masaya rin po ako na napapansin ninyo ang chemistry namin on-screen.
Pero sadyang hindi ko matanggap na ang ilan sa inyong mga salita ay lumalagpas na sa linyang aking nilagay.
Ako po ang may kasintahan, si Misty Calli, na sa aking palagay ay kilala na ng halos lahat sa inyo.
Kahit na ganun ay nagagawa niyo paring sabihin ang mga salitang
"sana maghiwalay na si rust at gf niya, mas bagay sila ni monique"
" the only girl i want for rust is monique"
" pake ko sa jowa ni rust, paa lang yun ni monique"
" monique supremacy, rust's gf can't relate"
na aking hindi matanggap.
Wala pong ginawang masama sa inyo ang girlfriend ko. Kaya sana huwag ninyo rin siyang pagsalitaan ng ganyan.
Si Monique ay aking katrabaho at kaibigan, at hindi na ito hihigit pa roon.
Para sa aking babaeng minamahal, pasensiya na at naranasan mo ito, salamat sa iyong pag-unawa.
Maraming salamat at sana kayo ay matuto.41,275 comments 2,646,047 retweets 5,927,035 likes
BINABASA MO ANG
Together With You
RomansaEpistolary: Artist Series #1 Russ Terence Savardo @silencioux_reveur Started: August 6, 2021 Finished: June 20, 2022 Russ Terence Savardo shoulder the weight of his past experiences. Allowing time to help him forget about his painful past. But with...