41

13 2 0
                                    

H&M&C
Today, 9:37 pm


Misty:
Hey, guys.
Punta kayo sa condo ko bukas, may pasalubong ako para sa inyo.


Cassy:
Sooooo
How's your trip with your crush?


Misty:
Crush ka diyan.
Sabi ko sa inyo noon, naggwapuhan ako sa kanya.
Wala naman ako sinabing crush kaagad.


Hein:
So defensive.
May nangyari ba na dapat namin malaman?


Misty:
Nangyari?


Hein:
Mga ginawa niyo!


Misty:
Kumain. Naligo sa pool. Tumambay sa harap ng seashore. Nanood ng fire works. Natulog.
Ayan lang naman.


Cassy:
Tungek.
Wala bang something exciting?


Misty:
Mga timang! Ang aano niyo!
Bat naman may mangyayaring ganyan?


Hein:
So hindi kayo nagka-aminan man lang?


Misty:
Ano namang aaminin? Magkaibigan lang naman kami


Cassy:
Sayo, magkaibigan kayo. Sa kanya ba? Ganyan din?


Misty:
Oo naman. Kaya niya nga ako niyaya diba?


Hein:
Bakit ikaw lang ang sinama? Kung friends lang naman pala, would it be better kung kasama rin ang mga pinsan niya?


Misty:
I don't know...


Cassy:
Bakit hindi mo siya tinanong?


Misty:
Baka naman kasi nag-aassume lang kayong dalawa.
Ayokong malagyan ng lamat ang pagkakaibigan namin.
Tigilan niyo na yan.


Hein:
Sabi mo. Pero ang akin, may gusto yan sayo si Rust.
Pinopost niya nga pictures niyo, wala siyang pakialam kung anong sasabihin ng iba.


Misty:
Magkaibigan lang talaga kami.
Bonding as a friend lang yung nangyari.


Cassy:
Yeah, for you, it's all about friendship.
But for him, it's not.
Mark my word.

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon