52

14 2 0
                                    

Lugar para sa mga Dyosa


Misty:
May balita ako sa inyo
Hindi ako makapaniwala!


Cassy:
Oh anong balita yan?


Hein:
May problema ka ba?


Misty:
Nooo!
Wait, tekaa
I kennat!


Hein:
Lasing ka ba?


Cassy:
Kinikilig ka ano?


Misty:
HAHAHAHAHA


Cassy:
Confirmed! Anong nangyari ha?


Hein:
Sinundo ka ni Rust diba?
May nangyari ba sa inyo?


Misty:
Grabe ka naman sa may nangyari Hein!
Not like that
But I think more than that?


Cassy:
Whuttt?
Hoy Misty, hindi pa ko handang maging ninang!


Misty:
Hindi nga yan!
Ano kasi
Ganito okay, he confessed!


Hein:
Sayo?
Oh my gosh?
Kriminal daw ba siya?
May anak na?


Misty:
Arghhh! No!


Cassy:
Sabihin mo kasi ng buo!
Gaga ka rin eh


Misty:
Kanina kasi pumunta siya sa Agency.
Then, pagbaba ko para sumama sa kanya kabado siya.
Panay lakad niya sa tapat ng kotse niya.
Tinanong ko syempre bakit ganun siya.
Akala ko dahil lang guilty siya sa hindi pagsipot sa after party nila.
Tapos sabi niya sa akin may sasabihin daw siya.
Sabi niya gusto niya raw ako.
Syempre natulala ako!
After that, tahimik lang kami na nagkakatitigan.
Aamin na rin sana ako, kaso sinabi niyang kaya niyang tumanggap ng rejection.
But of course kinontra ko agad yun.
Umamin din ako, na gusto ko siya.
Tapos niyakap niya ako!


Hein:
Taga-sanaol na lang talaga ako sa gilid!


Cassy:
Hindi ka nag-iisa, Hein!


Hein:
So ano? Nanliligaw na ba siya sayo? Or kayo na?


Misty:
Nooo
Sabi niya gusto niyang unti-untiin muna namin.


Cassy:
So wala kayong label?


Misty:
Parang ganun na nga


Hein:
Hindi ba parang mahirap yan?
Dagdag mo pang artista si Rust


Misty:
Yeah
Pero wala namang magiging mahirap kung binibigyan niya ako ng assurance na ako lang ang babae sa buhay niya.


Cassy:
Edi ikaw na masaya.
I'm happy for u, Misty


Hein:
Birthday mo na sa susunod!
We should really celebrate!
Clear your schedule, okay?
Invite Rust, also!


Misty:
Yes yes, Mother Hein!

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon