74

10 1 0
                                    

Misty


Tahimik lang akong nakaupo sa sofa sa may sala ng condo ni Rust. Labing dalawang minuto pa lamang akong nandirito ay narinig ko na ang pagpihit ng pinto.

Mabilis akong tumayo at sinalubong ng yakap si Rust na nakatalikod at kasalukuyang sinasarado ang pinto. I miss my baby.

Hindi ko inakalang ganito ko kagustong matanggap ang yakap mula sa kanya. Isang yakap lang, parang wala akong narinig na bagay na nakasakit sa akin.

"Love, I'm now here."

Unti-unting tumulo ang luha ko. Tiniis kong hindi umiyak sa sarili kong ama, dahil ayokong patunayan sa kanyang apektado parin ako ng ginawa niya. Pero, isang salita lang ni Rust, isang yakap niya lang, bumigay na kaagad ako.

Maybe it's because I was with someone I knew had my back all the time. Someone who would be there for me through every up and down in my life. The one that would correct me when I'm doing a big mistake in others. And that someone is Rust.

"Do you need a listener?" Agaran akong tumango at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

Tumagal ako ng halos kalahating oras na nakayakap sa kanya. Umupo na kami't lahat-lahat sa sofa ay hindi ko parin siya binitawan at patuloy lang na umiyak sa mga bisig niya.

Sa bawat patak ng luha ko ay naging maginhawa ang pakiramdam ko. Kahit papano nailabas ko sa pamamagitan ng iyak ang bawat sakit na nasa loob ko. Hindi man nawala, masaya akong mabawasan ito sa pamamagitan ng munting presensiya ni Rust.

Pinunasan ko ang luha ko at sinandal ang ulo sa balikat ni Rust. He adjusted and put his arms around my shoulders while gently tapping my arms .

"Ang mama ko ay mahigit limang taon ng patay, ganun din naman katagal na nakakulong si Papa. Dating nagttrabaho si Mama bilang isang katulong, si Papa kasi lulong sa sabong. Para hindi kami bugbugin ni Papa, kailangan magbigay si Mama ng pera sa kanya bawat katapusan ng buwan."

Pinilit ni papa na magtrabaho si mama, habang siya nagpapaka-ulol sa kaka-sabong. Sa edad na 17, natutunan ko ng magtrabaho kasabay ng pag-aaral ko. Kahit kasi may trabaho si Mama, hindi rin napupunta samin ang pera, kundi sa sabong.

"Isang araw sa sobrang daming talo ni Papa sa sabong, naka-isip siya ng plano. Inutusan niya siama na kidnap-in ang anak ng may-ari ng bahay na pinagttrabahuan niya at humingi ng ransom sa pamilya nito."

I started crying again. Natigil si Rust sa pagtapik sa braso ko ng sandali, pero tinuloy niya rin ito kaagad.

Pinuntahan ko si Papa para matanong sa kanya kung bakit nagpakamatay si Mama. Oo, nagpakamatay si Mama pagkatapos nilang kidnap-in ni Papa ang anak ng may-ari ng bahay na pinagttrabahuan niya dati habang nasa loob siya ng kulungan.

Akala ko dahil sawa na si Mama sa gawain ni Papa, na sawa na siya sa mahirap naming buhay. Mali pala ako, nagpakamatay siya dahil sa kasalanang nagawa niya sa isang pamilya.

"Matagumpay nilang nakidnap ang anak ng may-ari, pero sobra-sobra ang nagawa nito rito. Sinaktan nila ng pisikal na umabot sa puntong muntik na nila itong mapatay. Magkatulong silang nanghingi ng ransom, at saka lang nila ito pinakawalan nung nakuha na nila ang pera."

Kahit ako hindi ko sila magawang mapatawad. Para sa pera nagawa nilang manakit ng tao. Isang taong inosente ang nadamay sa gulo ng pamilya namin. Gulo na dapat ay kami lang ang mahihirapan.

"Nagpakamatay si Mama pagkatapos nun, siguro na-guilty siya, hindi ko alam. Hindi ko na rin sigurong gustong malaman. Kasi, hindi ko matanggap na sa rami-raming pwedeng gawin para makakuha ng pera, yun pa ang naisip nilang gawin. Si Papa, nahuli siya at ipinakulong ng pamilya ng taong dinukot nila, na ikinasaya ko. Salot siya sa buhay ko, Rust. Sinira niya ang pamilya namin. Para sa isang laro na alam niyang talo na siya pero pinipilit niyang ipaglaban."

Mahina akong pinaharap ni Rust sa kanya at niyakap. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ko habang bumubulong ng I love you.

"Wala kang kasalanan, okay? Sila ang gumawa nun."

Pero ako, ako ang dahilan kung bakit pumayag si Mama na gawin yun, kasi alam niyang kapag hindi, sasaktan ako ni Papa.

"Love, look at me."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inilapat ang noo niya sa akin.

"Ayos lang na masaktan ka, dahil alam ko sinisisi mo rin ang sarili mo. But, please take note that they have a choice of what they should do, and they chose to do that. Kaya hindi mo kasalanan. Wala kang alam. You don't need to feel guilty about something that you aren't even part of. Sila. Sila ang dapat na magsisi at magbayad sa nagawa nila. Hindi ikaw. Hindi ikaw, love."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. That's right, wala akong kasalanan, dahil sila, sila ang gumawa nun. Hindi ako.

Misty, chin up. You didn't do anything bad that caused someone's pain. So smile and slay.

"Thank you, love. I owe you this. Akala ko, akala ko sisisihin mo rin ako, dahil kapamilya nila ako. Dahil nanggaling ako sa kanila."

I still vividly remember how my mom's boss slapped my face because of what my parents did. Ito mismo ang naging dahilan kung bakit si Cassy at Hein lamang ang may alam ng bagay na ito. Natatakot akong hindi ako magawang tanggapin ng ibang tao, kapag nalaman nila ang pinagmulan ko.

"Why would I? You graduated by being a working student. I would never blame you, love. So please, let go of the guilt and pain you are caging in your heart. Palagi lang akong nandito sa tabi mo, okay? Ako ang magpapa-alala sayo na wala kang maling nagawa at hindi ka nakasakit ng iba. I love you."

I smiled at Rust and put my hands on his neck. This is the love of my life. Only his words can make my heart move like a carousel. The only person that can change my entire mood when I hear his laugh and see his little smile.

I gently move my face closer and kiss his lips. Rust put his hands at my waist and pulled me closer. Our lips move in sync. Kissing each other aggressively.

I love you, Russ Terence Savardo.

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon