Emily
Today, 12:58 pm


Hey, Emily. Do you have my School ID?


Po? Wala po sa akin, Ma'am. I-check ko po sa dressing room, baka naiwan niyo po.


Yes, please. Paki-sabihan ako kaagad kung nakuha mo na.


1:12 pm


Ma'am, wala po sa dressing room.


Ganun ba? Sige salamat, Emily.

🕳️

Bardagulan Squad
1:15 pm


Misty:
Woi, nasa inyo ba ID ko?


Daryl:
Model ka ba talaga? Ang burara naman.


Guilbert:
Anong gagawin namin sa ID mo? Special ka ba?

Misty:
Inaano ba kayo? Nagtatanong nga ako. Mga epal🙄.

Cassy:
Siraulo amputa. Wala sakin, Mist.


Hein:
Wala rin sakin.


Daryl:
Tanong mo kaya kay Emily, tutal siya naman ang assistant mo.


Misty:
Mukha ba akong tanga? Natanong ko na, wala rin.


Daryl:
Oo, tanga ka talaga pagdating sa lalaki.


Hein:
Hardcoreeeee HAHAHAHAHA!


Guilbert:
Baka nasa ex mo, try mo tanungin.


Cassy:
Pano niya matatanong? Sa dami nun baka abutin na siya ng habang buhay kakaubos sa listahan ng ex niya.


Daryl:
Grabe naman kayo kay Misty, sampu lang naman ex niya.


Misty:
Excuse me, bente ang ex ko.


Hein:
Hala, kinorek niya pa tayo😐😭.


Misty:
Ewan ko sa inyo, mga walang dulot!


Guilbert:
Ang usapang napapaloob dito ay pawang katotohanan at katotohanan lamang.


Hein:
Katotohanan ang susi sa bayan.


Cassy:
Huwag iwasan ang katotohanan, Aling Mist.


Daryl:
Palaging tandaan na ang buhay ay dapat na puno ng katotohanan.


Misty:
🖕

Together With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon