Chapter 4

1.5K 35 2
                                    

MEGHAN

Sabay kaming napabangon ni Levi nang may malakas na kumatok sa kwarto ko. Bigla kaming nataranta dahil sa ayos naming dalawa.

"Meghan! Levi! I'm coming in!" malakas na sabi ni Kuya Adam mula sa labas ng kwarto ko

"Damn! Put your shirt on!" natatarantang sinamahan ko sa pagdadamit si Levi na panay din ang mura

Malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Adam. Hindi ko alam kung saan ako magugulat, kung sa taong kasama niya o sa nakita niyang ayos namin ngayon ni Levi. Mabilis kaming bumaba ni Levi mula sa kama at dahil nasira ang butones ng damit niya, nanatiling nakabukas lang iyon.

"Levi! Fuck! Sabi ko sa'yo antayin mo ang kasal, diba? Gago ka ba?!" galit na singhal ni Kuya Adam

Levi winked at me before raising his both hands in the air, "We just made out."

"Levi!" naeeskandalong singhal ko sa kanya at mabilis na tinakpan ang bibig niya

I glared at him but he only gave me a knowing look. I know he's doing it on purpose because of the uninvited guest — Shaun.

"Motherfucker!" galit na singhal muli ni Kuya Adam

"Kuya, stop!" mabilis na pigil ko kay Kuya Adam dahil parang susugurin na niya si Levi at kahit si Shaun ay nakatiim-bagang

Hinihimutok mo dyan, boy? You left, remember? Sarap talaga sabihin iyong linyahan ni Kathryn sa movie niya eh.

"I'm warning you both." malamig na sabi ni Kuya Adam bago umalis kasama si Shaun

Buti naman at sumunod si Shaun sa kanya. Bad trip pa ako sa lalaking 'yon, e. Medyo makapal ang mukha parang encyclopedia.

"Gago ka talaga. Ginalit mo pa si Kuya Adam. Mamaya isumbong ako 'non kay Kuya Niall—" napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig akong malamig na boses na tumawag sa pangalan ko

Parang nanlamig ang buong katawan ko noong makita si Kuya Niall na prenteng nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko habang malamig na nakatingin sa akin. Wala sa sariling napayakap ako sa braso ni Levi kaya lumipat ang mga malalamig na mata ni Kuya Niall sa kanya.

"Are you trying to kill me?" mahinang bulong ni Levi sa akin

Duwag talaga 'to pagdating kay Kuya Niall, e.

Dahan-dahan naglakad papalapit sa amin si Kuya Niall habang nakapasok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants niya. He stopped two meters away from us before speaking.

"Why are you both being so intimate with each other after telling us that you want to break off your engagement years ago?" malamig na tanong ni Kuya Niall sa amin

Levi suddenly held my hands and said, "We decided to marry each other."

Gulat kong nilingon si Levi dahil sa sinabi niya at mukhang napansin iyon ni Kuya Niall dahil tumingin din siya sa akin habang naniningkit ang mga mata.

"Were you against this, Meghan?" tanong sa akin ni Kuya Adam

Mabilis na umiling ako kay Kuya Niall. Lagot talaga kami ni Levi dito. Kung anu-ano kasi naiisipan naming dalawa, e.

Tahimik na naglakad palabas ng kwarto ko si Kuya Niall pero bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko ay nagsalita siyang muli.

"You guys should wipe that lipstick stain." he pointed at his lips

He closed the door and left. A heavy sigh of relief escaped my mouth.

Napalingon ako kay Levi at nakitang may lipstick nga siya sa mukha. It was probably from the kiss earlier.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon