Chapter 13

1.5K 25 7
                                    

MEGHAN

Papungas-pungas akong lumabas ng kwarto ni Shaun. Alas dos na ng hapon nang magising ako at parang tumigil na rin ang ulan. Hinanap ng mata ko si Callista nang makababa ako pero hindi ko siya makita.

"Ma'am, gising ka na pala. Ipaghihiwa lang kita ng mangga." nakangiting sabi sakin ni Manang Linda

"Mangga?" takang tanong ko

Sumunod ako sa kanya sa kusina at nilabas niya ang hilaw na mangga pati na rin ang bagoong.

"Bumili si Sir kanina nitong manggang hilaw para sa'yo. Ah, oo nga pala, gusto mo bang kumain muna ng Lomi, ma'am? Ipag-iinit kita."

"Salamat ho, manang." nakangiting sabi ko sa kanya

"Nagpapainit lang naman ako, hija. Hindi naman ako ang nagluto."

Parang naglalaway ako noong nakita ang manggang hilaw at bagoong. Pero mas gusto ko munang kumain ng Lomi kaya iyon muna ang inihanda ni manang para sa akin. Kakatulog lang daw ni Callista at si Shaun naman ay umalis daw ulit noong pagkatila ng ulan para i-check kung humupa na ang baha at may madadaanan na ako pauwi.

"Nakatulog ba ng maayos si Sir kagabi?" biglang tanong sa akin ni manang habang nagbabalat ng mangga

"Hindi ko po alam. Sa kwarto ata siya ni Callista natulog." hindi siguradong sagot ko

"Ang batang iyon talaga. Mukhang wala siyang tulog dahil nagising ako ng maaga pero nagtratrabaho na kaagad. Hindi pa ba nawawala ang insomnia ni Sir?"

"Insomnia?" paninigurado ko sa sinabi ni manang

"Ang sabi kasi ng mommy ni Sir, nakuha niya iyon sa pagiging sundalo niya. Mula noon parang hindi na siya nakakatulog ng maayos sa gabi." pagkwekwento ni manang

May ilan pang kinikwento si manang but I excuse myself to call Levi while I'm eating my Lomi. Nagvideo chat kaming dalawa para naman hindi kami puro tawag lang. I miss him already.

"How do you feel?" malambing na tanong niya nang malaman na masama ang pakiramdam ko kanina

"I feel better now that I see you." nakangiting sagot ko

He chuckled when I slurped on my food. I am not a model anymore, so I don't really need to be concious on what I eat. Syempre, healthy pa rin ang kinakain ko but unlike noong model ako, I can't gain much weight.

"Hindi kaya sumakit tiyan mo diyan sa mga kinakain mo?" natatawang tanong niya habang pinagmamasdan akong kumain

Mangga naman ang kinakain ko ngayon at sarap na sarap ako dahil may maanghang na bagoong.

"Hindi 'yan. Kakain ulit ako ng Lomi mamaya."

He chuckled sexily, "Should I buy a mango farm for my wife?"

"I'm not your wife yet, Mr. Elizalde. Wag kang nangangarap dyan. But I'll gladly accept the mango farm." pang-aasar ko sa kanya

Ang sarap ng halakhak niya na halos ikahulog niya sa kinauupuan niya. Abno talaga 'to si Levi, sinasabi ko sa inyo.

"How long are you gonna stay there?" he seriously asked, his playful grin is gone

"I can probably go home today kung humupa na ang baha sa dadaanan ko." mabilis na sagot ko sa kanya

I don't want to give him the wrong impression that I am comfortable staying here. Levi has been very understanding since he found out that I'm staying in Shaun's house but I know he's agitated and jealous.

"Sa bahay ka na lang dumiretso." it wasn't a question nor a request, it was more of an order

I obliged, not because I didn't have a choice, it's because it was what I wanted to. Malulungkot lang ako sa condo kung doon ako uuwi. I'd rather spend my alone time in his home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon