MEGHAN
Masama man ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina, pumunta pa rin ako sa studio para sa photoshoot ko. Hirap maging maganda kasi di nawawalan ng photoshoot. Hays.
"Good morning Miss Meg!" masiglang bati sakin ng mga nakakasalubong ko
Sinusuklian ko naman sila ng ngiti at binabati pabalik.
Pumasok ako sa dressing room na para sakin kaya agad na sinalubong ako ng mga make up artists. Nakahanger naman sa gilid lahat ng isusuot ko. May i-aadvertise kasi akong isang signature brand ng isang perfume.
"Naku ma'am, ang gwapo nung kapartner niyo!" kinikilig na sabi ng bakla
Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya dahil hindi ata ako nainform na may kapartner ako sa photoshoot. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at naaaliw ako sa kadaldalan niya kasi nagjojoke siya.
Nang matapos ang pag-aayos sakin, lumabas na ako agad para makapag-start na kami.
"Start na po tayo." nakangiting sabi ko
"Sandali lang, Miss Meg. Hintayin muna natin si Shaun." sabi ng photographer
As if on cue, dumating naman si Shaun at ang gago, ngiting-ngiti abot hanggang Pacific Ocean.
"What the hell are you doing here?" inis na tanong ko kay Shaun
Ngumisi ito sakin at humalukipkip bago ako pasadahan ng tingin. Umirap ako sa pagtingin niya sakin. Alam kong maganda ako hindi na niya kailangan na ipakitang nag-gagandahan siya sakin. Duh.
"Well, I'm a model too aside from being the Vice President on my dad's company." nakangiting sabi nito na parang sobrang obvious ng sinabi niya
He's getting on my nerves. Really. Inirapan ko lang siya at binalingan ang photographer.
"Let's get this done." seryosong sabi ko
Mabilis na tumango naman siya sakin kaya pumwesto na kami. I need to be professional like what mom always tell me. Kahit na anong mangyari, pag trabaho dapat trabaho lang. No personal issues.
Naupo sa nakaayos na sahig si Shaun at ako naman pinaupo nila sa harap niya. Nakastretch ang legs niya habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at nakatukod naman ang kabila. I held the back of his head and tilted his head. Nilapit ko ang mukha ko sa leeg niya na parang inaamoy siya. Remember, perfume ang product na imomodel namin.
The photographer started to take some shots. I can smell Shaun's manly scent that I used to like. Yeah right, used to. Past tense.
"Closer, Meg. And please add some passion in your eyes." sabi ng photographer
Lihim akong napairap sa sinabi nito. Damn. Mas lumapit pa ako sa kanya at dumapo na ang ilong ko sa leeg niya. He went stiff. That reaction made me smirk at him. Nagpicture nanaman ang photographer at nagulat ako nang humiwalay ng kaunti sakin si Shaun. Nilapit niya nag mukha niya sa tenga ko at bumulong.
"You're enjoying this, huh?" nakangising sabi nito
Hindi na ako nakapagsalita nang magsalita ulit ang photographer.
"Ganyan nga! Stay like that!" masiglang sabi nito
I heard the flashes of cameras at ang pag-ayos nila ng iba't ibang gamit para gumanda ang kuha ng litrato. Patigil-tigil din sila sa pagkuha ng litrato para i-retouch kami.
Natapos ang photoshoot namin ng lunch na kaya nag-ayos na rin ako at nagpack up na. May party daw kasi kaming pupuntahan mamaya sabi ni dad. Nagulat ako nang sumalubong sakin si Shaun pagkalabas ko ng dressing room.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceLove comes when you least expect it and you will fall in love with the most unexpected person. What if you suddenly fell in love with someone who you shouldn't love? What if the love you have for him is forbidden? Sabi nila, ang pinakamasaklap sa pa...