Chapter 8

1.3K 33 6
                                        

MEGHAN

Hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko sa buong paligid. Mahigit isang taon akong nawala pero walang halos pagbabago sa lugar na 'to. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang hangin, napaubo ako bigla dahil sa nalanghap kong palusyon sa hangin.

I guess, I'm really back in Manila. Bye fresh air of the island.

"Meghan."

Nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang makita ko si Shaun na ilang dipa lang ang layo sa akin. Did Ate Azy call him here?

"No, I didn't call him here." biglang sabi ni Ate Azy na parang nabasa ang nasa isip ko

"What are you doing here?" nakairap na tanong ko sa kanya

"I'll drive you back home." tipid na sagot niya sa akin

Hindi ko alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip niya o kung nag-iisip ba siya. Mahigit isang taon akong nawala pero mukhang tumigil ang oras sa kanya at parang kahapon lang nangyari iyong pangungulit niya sa akin.

Consistent, yan? Pati pagiging gago consistent ba?

"Kakalanghap ko lang ng polusyon sa Maynila, Shaun. Kaya please lang, wag ka ng dumagdag." inis na sabi ko sa kanya at mabilis na iniwas ang maleta ko na gusto niyang kunin sa kamay ko

"Shaun, just leave my cousin alone." namagitna sa amin si Ate Azy nang magtangka pa ring lumapit pa rin sa akin si Shaun

Nagbigay ng distansya si Shaun sa pagitan nilang dalawa at malakas na napabuga ng hangin. Napasuklay pa ito sa buhok niya at halatang nawawalan na ng pasensya.

"Azalea, can you please stop meddling?" nagtitimping sabi ni Shaun at hindi ko talaga nagustuhan ang ugaling pinapakita niya sa pinsan ko

"It's you who should stop. Hindi mo ba nakikitang hindi komportable ang pinsan ko sa'yo? Why don't you just fuck off, Aragon?" maangas na sabi ni Ate Azy, she's obviously picking a fight with Shaun

"Azalea Marie." mabilis na saway sa kanya ni Kuya Devon

Papagitna pa sana ako sa kanila nang matanaw ko si Levi na papalapit sa amin. His expression soured when he saw Shaun but it changed when he saw me waving happily at him.

"Levi!" masiglang tawag ko sa kanya habang patuloy sa pagkaway

"So, my prodigal fianceé is back in town." nakangising sabi ni Levi

"Leviiii!" masiglang bati ko sa kanya

He stretched his arms to invite me for a hug and I happily obliged. Mabilis akong tumakbo sa bisig niya at binigyan siya ng mainit na yakap.

"Damn. I missed you, Meg." he gently kissed my head and returned my hug

"Me too." I burried my face on his chest and sniffed his manly scent that calms me down

"Do you want to eat first or rest?" he asked gently

We were apart for more than a year but we never cut off our communication from each other. And over the year, I've seen how his temperament and demeanor changed towards me.

Tiningala ko siya at nakita ko siyang nakatitig sa akin. He smiled and gave a quick kiss on my forehead.

"Let's eat, first." sagot ko habang patuloy na nakayakap sa kanya

Tumango siya sa sinabi ko at binalingan ang mag-asawang kasama namin. Humiwalay ako ng kaunti at humarap kay Ate Azy pero nakaakap pa rin ang mga braso ko sa katawan ni Levi.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon