MEGHAN
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa tanong ni Ate Azy. Kilalang-kilala ko si ate. Her voice while asking that question sounded that she knows something. Gusto kong itago ako kaba at takot ko pero alam kong napansin na niya iyon agad.
She smiled softly at me and patted my head.
"You can't hide everything from me, Meghan. I just let you be because I saw how happy you were. When he left you devastated, I almost raised hell just to take him back." her voice is very soothing that it just made me cry again
Hindi ko alam kung ano pa ang alam ni Ate Azy o kung hanggang saan ang nalalaman niya pero hindi na iyon mahalaga. What matters to me the most is Ate Azy is always on my side.
"But it was incest, ate."
Her forehead knotted and gave me a confused look.
"Incest? What do you mean by incest? You didn't know that you're—" she was cut off by someone
"Meg, nakabalik ka na pala! Sino itong bisita mo? Aba'y kayganda naman." biglang lumabas si Tiyang Selya mula sa bahay
Mabuti na lamang hindi napansin ni Tiyang na basa ang pisngi ko dahil sa luha. Agad ko iyong pinunasan bago pa niya mapansin. Lumapit naman agad si Ate Azy kay Tiyang at nagmano.
"Ako po si Azalea. Pinsan po ako ni Meghan." pakilala niya kay Tiyang
"Kaygandang bata naman nito. Ako pala si Selya. Buti nakadalaw ka at sakto ang dating mo dahil may piyesta rito sa amin." magiliw na bati ni Tiyang na agad pinapasok si Ate sa loob ng bahay
Nilibot ng paningin ni Ate Azy ang kalooban ng bahay. Luma na ang bahay ni Tiyang pero maayos naman ang mga kagamitan at ang buong bahay. Mabilis na naghanda ng meryenda si Tiyang kahit na ilang beses tumutol si Ate Azy.
"Pasensya ka na, Azalea. Ito lang ang maihahanda ko sa'yo. Baka hindi ka sanay sa ganitong pagkain." hinging paumanhin ni Tiyang habang hinahain ang meryenda
Siguradong nahalata ni Tiyang na anak mayaman 'tong si Ate Azy. Mamahaling big bike ba naman ang dalhin at 'yong damit niya mga mamahalin din. At syempre hindi mo talaga maikakaila na anak mayaman siya dahil sa hitsura niya na kahit siguro magsuot siya ng basahan, mukha lang siyang modelo ng basahan.
"Tiyang, wala ho iyon. Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil sa pag-aalaga niyo dito sa makulit kong pinsan." nakangiting sabi ni Ate Azy habang nilalantakan iyon biko
"Ate, hindi ako makulit! Tsaka tirhan mo ako diyan sa biko!" parang kaming mga bata na naghahati doon sa maliit na biko
"Ikaw talaga, Meg. Kanina ka pa kumakain ng biko tsaka hindi mo ba ilalabas yang chico na nasa bulsa mo bigyan ang pinsan mo?" natatawang sabi ni Tiyang
"Tiyaaaang!" mabilis na protesta ko at agad na tinago sa likod ko iyong chico, hindi ko napansin na halatang-halata pala iyon sa bulsa ko dahil namumukol pa siya
"Oy ano 'yan?" curious na tanong ni Ate Azy habang pilit na sinisilip iyong chico na tinatago ko sa likod ko
"Ateee! Akin ito e! May chico doon sa basket!" turo ko sa basket na nasa kabilang lamesa
"Mukhang mas masarap 'yan e. Tinatago mo kasi."
Levi suddenly called me when I was already laying in bed. Magkatabi kami ni Ate Azy kaya nakita rin niya na si Levi ang tumatawag. I got up and stood up by the window. I can see the bright moon from my window.
He asked me how I was going, so I gave some updates with my life and that included Ate Azy. Levi laughed when I told him that Ate Azy is here and that I cried when I saw her.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceLove comes when you least expect it and you will fall in love with the most unexpected person. What if you suddenly fell in love with someone who you shouldn't love? What if the love you have for him is forbidden? Sabi nila, ang pinakamasaklap sa pa...