Chapter 5

1.3K 30 3
                                    

MEGHAN

Hanggang ngayon nagngingitngit pa rin ang kalooban ko kay Levi. Inirap-irapan ko siya kahapon pagkatapos niya akong ihatid sa set. Nakakabwisit kasi ang isang iyon. Pinagdidiinan niya na wala naman daw kagusto-gusto sa akin maliban sa mukha ko.

Mabait naman ako, a! Tapos caring kaya ako.

"What?" bored na sagot ko sa tawag ni Gavin

I heard him chuckled that made me rolled my eyes. I can hear his band mates laughing in the background as well.

[You didn't mention to me about the engagement. When's the party?] nang-aasar na sabi nito sa akin

Hindi ko alam kung bakit parang natutuwa siya sa nangyayari o baka nag-iimagine lang ako.

"Napakadaldal talaga ni Levi. Anyway, that's an old news. We're still technically engaged since they never let us break the engagement." nakairap na sabi ko

[Hey Meg! Let's hang out— Don't mind them, gusto lang tumakas ng mga 'to sa practice.] I can hear his band mates arguing about food then suddenly calling out my name

Mga abno din talaga ang mga 'yon. Siguradong sumasakit nanaman ang ulo ng manager nila sa kakulitan nila.

"When will you be free? Let's hang out with Levi." aya ko sa kanya

[I'll probably be free in a month. At gagawin mo pa talagang third wheel sa inyo ni Levi. Why don't you invite Shaun too?]

Saglit akong natigilan dahil sa pagbanggit niya kay Shaun. That asshole stalker? Ayoko ngang makipang-hang out sa mga nang-iiwan sa ere.

"I only want to hang out with you and Levi." I firmly stated

[Meghan, I'll call you again tonight.] mabilis na paalam nito nang marinig ko ang boses ng manager nila na tinatawag na silang bumalik muli sa practice nila

I sighed when he ended the call. Sometimes I feel really tired being an adult. I miss those times when we were still kids. I used to run around with Gavin or more like Gavin run around with me on his back. Lagi ako noong naka-piggy back kay Gavin at siya ang pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko. He used to be a bit gloomy when were still kids.

I suddenly miss dad and mom. Kailan ba sila babalik galing sa business trip nila? Siguradong tapos na ang "business" nila at gumagala lang sila kung saan.

"Miss Meghan, start na po tayo ulit." a staff suddenly called me

Nagretouch lang sila ulit ng make up ko bago ako tuluyang lumabas. Bumungad sa akin si Levi na may hawak na bulaklak at paper bag. Lahat ng nasa set ay nakangiting nakatingin sa akin. Mukhang alam nilang nandito si Levi kaya pinalabas nila ako.

"Meg, let's call it a day. Enjoy the rest of your day." nakangiting paalam ng direktor sa akin at binigyan pa niya ako ng pilyong ngiti habang pasulyap-sulyap kay Levi

Pumasok ako muli sa cabin ko at sumunod naman si Levi. Nakaalis na ang mga staff kaya kami na lang dalawa ang nasa loob ng cabin. Pabagsak akong naupo sa couch at humalukipkip habang nakataas ang kilay ko sa kanya.

"So, what are you doing here?" masungit na tanong ko sa kanya

Napakamot siya sa ulo bago iabot sa akin ang paper bag na may lamang pagkain, "To apologise and bribe you."

"Why did you bring flowers then? You know that I don't like them." nagtatakang tanong ko sa kanya habang sumisipsip sa honey banana shake ko

Magsusungit-sungitan pa sana ako kaso alam niya talaga ang dadalhin niya pag magsosorry, e. Talagang bumili siya ng mga paborito kong pagkain. Binuksan ko ang fish ball at kikiam na dala niya. May extra png kwek kwek na na-miss kong kainin. Mag-iinarte pa ba ako?

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon