"Shit!" mura ko nang mahulog ako mula sa kama koGumulong kasi ako at hindi ko alam na malapit na ako sa dulo ng kama kaya ang ending nahulog ako. Umupo ako at nagkusot ng mata ko. Inaantok pa ako dahil late ng natapos ang photoshoot ko kahapon.
"Ma'am Meghan?" tawag sakin ng isang katulong at kumatok ng tatlong ulit
Papungas pungas na tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.
"Pinapagising na po kayo ni Ma'am Scarlett. Breakfast na daw po kayo." sabi nito
Tumango ako sa kanya at wala sa sariling bumaba na. Wala akong pakialam kung magulo ang buhok ko dahil maganda naman ako kahit magulo ang buhok. At isa pa, baka magalit si mommy pag di pa ako bumaba.
"Good morning, mom, dad." bati ko at humalik sa pisngi nilang dalawa
"Morning, sweetie. Maupo ka na." nakangiting sabi ni mommy kaya naupo na ako
Napalingon ako sa paligid nang mapansin na wala yung kambal na kuya ko.
"Asan sila Kuya?" takang tanong ko
Binaba ni dad ang binabasa niyang dyaryo at sinagot ang tanong ko.
"Nasa business trip ang Kuya Adam mo, while your Kuya Niall, well doon siya natulog sa condo niya. Baka may dinala nanamang babae kaya doon natulog." naiiling na sabi ni dad
Napailing nalang din ako sa sinabi ni dad. Well, my two brothers are complicated. Si Kuya Adam seryoso sa buhay pero madalas din silang gumawa ng kalokohan noon ni Kuya Niall. Si Kuya Niall naman babaero siya at mas naging babaero siya noong namatay yung girlfriend niya. That's a different story.
"I heard Shaun is back." dad said
There's something in his voice the way he say those words but I can't name it. Parang may alam siya na hindi ko alam pero hinayaan ko nalang. Napalunok ako sa sinabi ni dad at napainom ng tubig.
"Yeah. Binisita niya ako sa photoshoot ko nung isang araw." kalmadong sabi ko
Mom looked at me. May kakaiba sa tingin niya kagaya ni dad pero binalewala ko nalang din iyon. My mom can be weird sometimes.
"Binisita ka niya? Dapat dinala mo siya rito sa bahay." sabi ni mommy at nagpatuloy na siya ulit sa pagkain
"Mom, kakagaling lang niya sa flight kaya pinapahinga ko muna." sagot ko rito
Close si Shaun sa pamilya namin lalo na at pinsan ko siya. Lagi rin siya sa bahay mula pagkabata hanggang sa mag-college kami dahil kaedad lang namin siya ni Gavin.
"You sound like a concerned girlfriend." nakataas ang kilay na sabi ni mommy
Napalunok ako sa sinabi ni mommy at tumawa ng peke sa sinabi niya. May alam ba si mommy? Imposible naman yun.
"A-Ano ka ba, mom? He's my cousin." sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin
Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko sa sinabi ko. Sana hindi ko nalang pinsan si Shaun. Kung ganun lang sana ang buhay namin edi sana hindi ko tinatago sa kanya ang nararamdaman ko. Edi sana pwede kami.
"She's right, baby. They're cousins." makahulugang sabi ni dad kaya hindi ako makatingin sa kanila
"I'm not saying anything naman, Jack." sabi ni mom kay dad
I'm being uncomfortable because of their topic. Pakiramdam ko may alam sila. Sana nagkakamali lang ako ng pakiramdam. Hindi nila pwedeng malaman na nagkaroon kami ng relasyon noon ni Shaun.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomantizmLove comes when you least expect it and you will fall in love with the most unexpected person. What if you suddenly fell in love with someone who you shouldn't love? What if the love you have for him is forbidden? Sabi nila, ang pinakamasaklap sa pa...