Chapter 6

1.2K 33 9
                                    

MEGHAN

Halos mag-iisang taon na mula noong umalis ako sa bahay namin. Ang una kong ginawa pagkaalis ko ay ang magwithdraw ng pera syempre! Hindi ko alam kung may mga nakasunod sa akin na mga tauhan nila Kuya o ni Shaun kaya tinungo ko ang company ng mga Elizalde. Siguradong hindi makakapasok ang mga 'yon sa loob.

Tito Nick was really surprised when he saw me. I asked him for help and he gladly helped me. Paborito daw niya akong manugang, e. Pero wala naman siyang ibang manugang kasi solong anak si Levi.

Inutusan ni Tito Nick ang isa sa mga tauhan niya na kunin ang kotse ni Levi at i-drive iyon para lituhin ang mga sumusunod sa akin kung mayroon man. Nagpalit din ako ng damit, then one of the staff used an ordinary car to take me out. Then pinasakay nila ako sa bus kasama ang isang babae na mukhang kakilala ng staff ni Tito Nick. Kinwento nito sa akin ang isang isla na malayo-layo sa mga ibang bayan o isla.

Kaya nandito ako ngayon sa Isla Bonita. Wala akong contact sa mga magulang ko at mga kapatid ko. Tanging si Levi at Gavin lamang ang nakakausap ko. Sigurado akong hindi rin sinabi ni Gavin kung nasaan ako. Hindi naman niya alam kung nasaan ako pero hindi niya sasabihin na nakakausap niya ako.

"Oy Meg! Dami mo nanamang nabentang products!" natutuwang sabi sakin ni Jasmine na ka-trabaho ko

Nagwowork ako sa isang maliit na agency tuwing weekdays. Nagbebenta kami sa online ng mga beauty products.

"Magaling lang siguro ako mambola." natatawang sabi ko sa kanya na ikinatawa rin niya

Mula nang dumating ako dito sa isla, binago ko ang pananalita ko at pananamit. Kahit ang buhok ko ay pinagupitan ko, nakabob cut ako at nakabangs na never kong naging hair style noon. Pinakulayan ko rin ng itim ang buhok ko na dating ash brown ang kulay. Nagsusuot din ako ng eye glasses pero hindi yung pang-nerd. Yung manipis lang na lens na bumagay sa akin.

Ang cute ko nga sa style ko ngayon, e. Para akong mas naging bata or parang high school student lang ako. Lagi lang din kasi akong nakarubber shoes, shorts, simpleng t-shirt at maliit na cute na backpack.

"Ayaw mo ba sumama sa amin gumimik?" tanong ni Jasmine sa akin habang nag-aayos ako ng gamit ko

"Pasensya na. Nangako kasi ako kay Tiyang Selya na sasamahan ko siyang magluto para sa piyesta."

Si Tiyang Selya ang taong kumupkop sa akin noong dumating ako dito sa isla. Pinatuloy niya ako sa bahay niya ng libre at ayaw niyang magpabayad ng upa. Mag-isa lang naman daw siya sa bahay niya at mabuti daw ang may kasama siya. Wala siyang anak at patay na ang asawa niya.

Siya ang nagturo sa akin ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto at paglilinis. Tinuruan din niya ako kung paano mamalengke, tumawad ng presyo, at syempre kung paano mabuhay dito sa isla.

"Mano po, Tiyang."

"Magbihis ka muna at magpahinga. Nagugutom ka na ba? Pinagluto kita ng monggo na may kangkong." nakangiting sabi ni Tiyang Selya

Binaba ko muna ang bag ko at sumunod kay Tiyang sa kusina.

"Ang sarap ng ulam, Tiyang!" masayang sabi ko nang makita ko ang monggo na sinasabi niya

"Syempre naman para may lakas kang magluto mamaya." nakangiting sabi niyang muli

Naghugas muna ako ng kamay bago maghain para sa sarili ko. Nagkwekwentuhan kami ng Tiyang Selya habang kumakain ako at siya naman ay busy sa pagprepare ng mga gulay.

"Ano pa bang ibang gagawin Tiyang?" tanong ko muli habang patuloy ako sa pagsubo ng pagkain

"Ah! Kailangan pa lang kunin iyong dalawang manok kay Pareng Teroy. Pagkatapos mo diyan, kunin mo yung mga manok doon dahil iyon ang isasahog natin."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon