Ladycode's note:
Sa mga nakabasa na ng story kong The Casanova Got Me Pregnant, siguro kilala niyo na ang pagkatao ng dalawang bida dito.This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Meghan's POV
Napasulyap ako sa wristwatch ko at mahinang napamura nang makita kong late na pala ako sa meeting photoshoot ko. Kung iniisip niyo na model ako, pwes hindi kayo nagkakamali. I followed my mom's footsteps dahil tulad niya, gusto ko rin ang pagmomodelo. Mag-tatatlong taon na ako sa larangang ito pero graduate ako ng Accountancy at napasa ko na rin ang board exam ko. Pwede na nga akong tumulong sa pagpapatakbo ng kompanya namin eh pero mas pinili kong magmodelo.
Tumakbo agad ako nang bumukas ang elevator. Napahinga naman ng malalim ang manager ko nang makita ako. Nagulat ako nang makita ko ang pinsan kong si Gavin na lumabas sa kabilang dressing room.
"Gavin?" gulat na tanong ko
"Late ka." masungit na sabi nito
Dumila lang ako sa kanya at pumasok na sa dressing room. Siguro si dad nanaman ang may kagagawan nito. Napaka-overprotective naman kasi ni dad sakin. Pag medyo intimate at daring photoshoots ang ginagawa ko biglang susulpot si Gavin para maging kapartner ko. Kakaumay na nga eh pero ayos lang naman dahil kaclose ko siya dahil mag-pinsan kami. Yun nga lang, naaabala siya sa sikat na banda nila. Yes, banda. May banda siya at kasama ako doon dati noong nasa college pa kami pero nag-quit ako dahil nagfocus ako sa pag-aaral.
"Maganda ka na gurl! Gora na!" sabi ng bakla kong manager
Sinuot ko ang itim na tube na umabot sa taas ng pusod ko at heart shape ang taas kaya medyo kitra ang cleavage ko pero ayos lang naman. Hindi naman malaswang tignan eh. Nagsuot ako ng white fitted jeans at black na pumps.
I walked outside my dressing room and went to Gavin. Nakakunot ito ng noo at dahil doon mas nagiging kamukha niya ang daddy niya.
"Let's start!" sigaw ng photographer
Inalalayan naman ako ni Gavin sa mga positions na ginagawa namin at bahagya ako nitong hinaharangan pag nakikita ang cleavage ko sa camera. Isa pa itong overprotective eh.
"Sakit na ng mata ko sa flash." reklamo nito
"Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko rito kahit alam ko na ang sagot
"Tito Jack sent me here. Asan ba kasi si Shaun? Siya dapat ang nasa posisyon ko ngayon. Ang kumag na yun talaga."
Nawala ang konsentrasyon ko sa camera at napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ng isa pang pinsan ko. Pinsan ko si Gavin sa mother side habang si Shaun naman, sa father side.
"Shaun?" gulat na sabi ko sa kanya
Humawak siya sa bewang ko at inalalayan ako na magbend ng katawan para sa next position namin. Nang ayos na ang position namin, lumapit ang ilang make-up artist at niretouch kami. Yung buhok inayos nila para lumaglag sa likod.
"Hindi mo ba alam na umuwi na siya?" gulat na tanong nito
Marahan akong umiling sa kanya bilang sagot. Inalalayan niya akong tumayo ulit dahil break time na namin. Hinubad ni Gavin ang T-Shirt niya at isinuot sakin. Kinikilig naman ang ilang mga tao sa paligid nang makita ang paghuhubad nito. Well, kaunti lang ang nakakaalam na magpinsan kami ni Gavin kaya ang ilan ay napagkakamalan kaming may relasyon.
"Hintayin kita sa lobby. Let's eat lunch together. May mall tours nanaman kami next week kaya baka matagal kitang hindi makikita." sabi nito
Tumango ako sa kanya kaya pumasok na siya sa dressing room niya. Binuksan ko ang dressing room ko at pumasok ako agad para makapagpalit ng damit. Nakatingin ako sa salamin habang nagtatanggal ng make-up. Muntik na akong mapatili nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki sakin na nakasandal sa dingding at nakapamulsa.
Nakatitig lang siya sakin na tagos hanggang buto at ganoon pa rin ang epekto niya sakin tulad ng dati. Nanlalambot pa rin ang tuhod ko pag tinititigan niya ako ng ganyan. Napasinghap ako nang hilain niya ako at niyakap ng mahigpit.
"I miss you so much, Meg." malambot ang boses nito habang sinasabi niyon
Hindi ko magawang magsalita dahil hanggang ngayon gulat pa rin ako at hindi makapaniwala na nasa harapan ko siya at nakayakap sakin. Pagkatapos lahat ng ginawa niya bigla nalang siyang babalik na parang walang nangyari? That's so unfair.
Marahan ko siyang itinulak at lumayo ako sa kanya.
"Stay away from me, Shaun." matigas na sabi ko at tinalikuran siya
Hindi pa ako lubos na nakakatalikod nang higitin niya ako ulit. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Alam kong mali ang nararamdaman ko para sa kanya at alam niya rin na mali ang nararamdaman niya para sakin.
Kahit saang anggulo mo tignan, mali pa rin pero tama nga siguro ang sabi nila.
Mas masarap ang bawal.
We're cousins but we love each other and this is what you call, Forbidden Love.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomansaLove comes when you least expect it and you will fall in love with the most unexpected person. What if you suddenly fell in love with someone who you shouldn't love? What if the love you have for him is forbidden? Sabi nila, ang pinakamasaklap sa pa...