Chapter 2

33 5 0
                                    

Isabelle

Kinabukasan pag-pasok na pag-pasok ko sa room inuulan si Zane ng mga tanong galing sa aming mga kaklase. Nang makita ako ni Zane ay agad siyang nag-excuse sa mga kaklase at pumunta sa akin ng may ngiti sa labi.

"Good Morning!" Masayang bati nya sa akin.

"Morning, saya natin ah?" Sabi ko habang nilalagay ko yung bag sa upuan.

Wala pa si Maddox at ang tropa.

"Maganda lang gising ko." Tumango ako sa kaniya at inilapat ang likod sa upuan para matulog ulit.

Wala eh antok na antok talaga ako legit.

"Ay bakit wala ka sa mood?" Nakabusangot na tanong niya sa akin.

"Kulang lang sa tulog, Zane." nakapikit na saad ko kaya hindi ko makita ang kaniyang reaksyon.

"You can rest pa naman, Rania." tatawa tawa niyang sabi na akala niya ay nagbibiro ako.

Nagmulat ako ng mata na saktong pagdating ng tropa agad nila akong binati. Huling pumasok si Maddox at ang kaniyang tingin ay agad na bumagsak sa katabi ko, hindi niya ito pinakakawalan sa kaniyang mga tingin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at bumaling kila Nolan.

"Rania pakilala mo naman kami diyan sa katabi mo." Bulong ni Hunter. I cleared my throat before talking.

"A-ah Zane sila Hunter, Nolan, Silas nga pala mga tropa ko."

"Ey! Hunter here!"

"Zup! Silas nga pala."

"Yow Nolan bestfriend ni Rania." Sabi nito sabay kindat.

"Hanna Zane." Pakilala ni Zane sa kanila.

Napatingin naman ako kay Maddox na nakatitig kay Zane. Biglang may bumara sa lalamunan ko nang makita ko iyon.

"And you are?" Tanong ni Zane kay Maddox. Agad namang natauhan si Maddox at agad nagpakilala.

"Maddox!" Ngumiti siya sabay lahad ng kamay kay Zane na agad naman tinggap ng babae.

Natutuyo yung lalamunan ko dahil sa bigat ng nara-ramdaman. Nag-iwas na lang ako ng tingin at uminom ng tubig.

"Rania mukhang mauunahan ka pa." bulong ni Silas kaya agad ko siyang siniko dahil katabi ko lang naman siya.

"A-ahem restroom lang ako." Singit ko dahilan para mapabitaw sila sa paghahawak ng kamay.

"Gusto mo samahan na kita?" Tanong ni Zane agad naman akong umiling at ngumit sa kaniya.

"H-hindi na i can manage." Tumalikod na ako sa kanila.

Pagkapasok ko sa restroom napasandal na lamang ako sa likod ng pintuan. Bakit ba ako nasasaktan? Dahil ba hindi ko nakikita kay Maddox yung mga tingin na binbigay niya kay Zane? Sa dinami daming taon na magkaklase kami hindi ko pa siya nakikitang ngumiti nang dahil sa babae. This is the first time.

Gusto na ba niya si Zane kahit unang kita niya palang dito kahapon? Bakit hindi na lang ako?

Sa bagay ano nga palang laban ko kay Zane? Maganda yon, mahinhin, maamo, hindi nakikipag-away, matalino. Laban ko don?

Ganda pa lang non talong talo na ako eh.

Nang mahimas-masan humarap ako sa salamin at inayos ang aking sarili para naman hindi ako mag-mukhang yaya.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Ang aking mga kilay na hindi gaanong makapal, mga pilik-matang mahaba, matang kulay lupa na kapag naa-arawan ay nagiging abo, matangos ang ilong, mapupulang labi na laging nasusugatan dahil sa gulo.

Chasing HimWhere stories live. Discover now